KABANATA 67

72 4 0
                                    

"GUNS?"

"here."

"Other weapons?"

"here."

"GPS and GPS tracker?"

"also here."

sinara na Edgar ang bag na napupuno ng mga weapons. Matapos non ay saka siya nagsuot ng bullet proof vest.

"Is this gonna work?" tanong niya kay Peter na siyang gumawa ng action plan para sa kaniya, tumango si Peter saka kumindat.

Hindi niya akalain na sa loob ng kaunting oras ay nagawa ni Peter ang mga preparasyon para sa pag-alis nila, ito na ang nag-asikaso sa lahat at ang tanging ginawa lang niya ay ang makinig at intindihin ang plano na ginawa ni Peter.

"wala ka bang tiwala sa akin?" tanong ni Peter na nagsusuot na ng polo.

"hindi naman sa ganoon, I do have trust in you but this is the first time that I will move and follow you according to your plan. Kinakabahan ako baka mapano ka pa." nag-aalalang sabi niya sa huli dahilan para tuksohin siya ni Peter,

"awww, ang best friend ko nagiging soft—aw! what the fuck, Edgar!" agad na bulalas ni Edgar matapos niyang taponan ng maliit na globe si Peter na tumataas ang kumpyansa sa sarili,

"aish! you can tell me if you don't want lambing, you moron." naiinis na sabi nito, umiling-iling nalang siya saka nagpatuloy sa pagsout ng tuxedo,

"how's Samantha?" tanong niya dito.

"she's doing fine... I heard she craved for some cakes so she bakes one and she's running some errands with her mom after that." sagot ni Peter.

"hindi mo ba siya bibisitahin muna bago ka sumalang sa misyon?" dagdag na tanong ni Peter sa kaniya, napatigil siya saka bumuntong hininga.

"what's the point of visiting her if she doesn't even remember a single thing about me? she didn't even want me to help her remember a thing" mahinang bulong niya sa huli.

"anyways, safe naman sila sa rest house mo. The guards were reporting to me 24/7. Safe sila habang isasagawa at itatapos mo ang misyon mo." ani pa ni Peter, tumango siya saka inayos ang sout na relo. Nag-angat naman siya ng tingin kay Peter nang nilapag nito ang cellphone niya.

"No cellphones allowed during the mission. Magpaalam ka muna sa mga kapatid mo. You'll be gone for a week or a month. Hindi natin alam ang panahon..." ani ni Peter, tumango siya saka inabot ang cellphone na nilagay ni Peter sa table niya.

Bahagya naman siyang natigilan nang makita ang wallpaper niya sa cellphone na iyon.

It was him and Samantha during their beach vacation, iyong bakasyon nilang sinira ng mga Salvador. 

Naramdaman naman niyang sumakit ang puso niya. He stared at his phone wallpaper for a while, the smile that Samantha wore on that day. Naluluha siya sa tuwing naalala niya ang mg halakhak, ka-conyohan, at pati ang ngiti ni Samantha sa mga nagdaang araw. 

He misses everything about her. All her ka-conyohan and her sweetness. Wala na siyang iba pang mahihiling sa ngayon kundi ang ang kaligtasan ng mag-ina niya. This is a do or die mission. 

He opened his phone and went to his gallery, agad niyang hinanap ang album nilang dalawa ni Samantha. He smiled when he saw that they had a lot of photos together. Kung hindi selfie ay candid photo iyon nilang dalawa. They had videos too, but he's afraid to watch it, baka manghina siya at mas lalong maging komplikado ang lagay niya bago sumalang sa mission.

Akmang papatayin niya ulit ang phone niya nang mahagilap niya ang album nilang magkakapatid. Pinindot niya iyon saka niya nakita ang family picture nila. Bahagya naman siyang natawa nang makita ang wacky photos nila magkakapatid. Doon ay napagdesisyonan niya na ang isang bagay.

Race for Love (Hacienda Sevida Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon