KABANATA 22

95 6 1
                                    

NANG MAKARATING silang dalawa ni Samantha kina mang Yoyon ay agad silang sinalubong nina Marlo at Rebecca,

"nice, good morning," nakangiting bati ni Marlo sa kanilang dalawa saka nakipag-kamay, si Rebecca naman ay nakaupo at nakasandal lang sa mesa ni mang Yoyon,

"good morning," pabalik na bati niya kay Marlo,

"I'll give you thirty minutes to get ready, handa na ang sasakyan niyo. Naroon na din ang pit crew sa may track," ani ni Marlo, tumingin naman agad siya kay Samantha saka kinamot ang batok, muli siyang bumaling kay Marlo,

"Samantha...can't practice for now," mahinahong sabi niya kay Marlo na nawala ang ngiti, napalitan iyon ng pagtatakhang ekspresyon ng mukha,

"what? why?"

"she's—"

"I'm not feeling well," agad na singit ni Samantha sa kanila, sabay naman silang dalawa na napalingon kay Samantha na pumeke ng ngiti saka hinawakan ang paa,

"I fell from the stairs kasi, kaya I've sprained my ankle," palusot nito, pasekreto naman siyang natawa, saka siya bumaling kay Marlo,

"yeah, that's it, she fell," ani niya pa, tumango naman si Marlo saka tumingin ng seryoso kay Samantha,

"That's bad, get well soon. Siguro naman mahe-heal na 'yan next Saturday diba?" nakangiting tanong ni Marlo kay Samantha na tumango,

"Then, Rebecca will be the substitute for today. You just have to watch them from afar, para din next week, alam mo na ang iilang tricks na gagamitin ng dalawa para malagpasan ang iilang laps," paliwanag ni Marlo kay Samantha,

Marahan naman niyang nilingon si Samantha na biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha.

"Actually, okay na ako," biglang sabi nito, napataas naman ang kilay niya dahil sa biglang pagbabago ng sabi nito, maging si Marlo ay nagulat din,

"what?" nagtatakang tanong ni Marlo kay Samantha na nahihiyang tumingin kay Marlo at sa kaniya, natawa naman siya,

"don't mind her, she's just nervous..." ani niya kay Marlo na tumango-tango at nilapitan si Rebecca, lumingon siya kay Samantha na nagugulat ding tumingin sa kaniya,

"...and jealous," bulong niya dito, nanlaki naman ang mga mata ni Samantha dahilan para matawa siya at mapailing-iling nalang,

Lumapit siya kay Marlo saka marahan na tinapik ang likod nito, "I'll go and prepare," ani niya kay Marlo na tumango at ngumiti sa kaniya,

Dumeretso na siya ng pasok sa loob ng office ni mang Yoyon, dumeretso siya sa kwarto kung saan sila nagbibihis, binuksan niya ang locker doon saka kinuha ang mga dapat na soutin,

Napatingin naman siya sa may pinto nang bigla itong bumukas, niluwa non si Rebecca na kumakain ng lollipop, binalik niya ang tingin sa locker niya at akmang aalis siya nang biglang magsalita si Rebecca,

"aren't you gonna change here?" tanong nito, lumingon siya dito saka humarap. Tinaas niya ang uniform saka tumugon,

"I forgot my helmet on the car. Sa banyo sa labas nalang din siguro ako magbibihis." tanging tugon niya, tumango naman si Rebecca saka bahagyang ngumiti,

"I thought we're cool?" tanong nito,

"we're cool," ani pa niya,

"but we aren't like we used to, I mean, dati...ako ang una mong pinapansin..." ani pa nito, nagdikit ang mga labi niya saka nagbaba ng tingin sa uniform,

"well," panimula niya saka tiningnan si Rebecca ng seryoso, "past is past, and things are different now, Rebecca. You have to bear with it," dagdag na sabi niya sabay taas sa uniform,

Race for Love (Hacienda Sevida Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon