KABANATA 28

102 6 2
                                    

TATLONG araw na niyang hindi nakikita si Samantha. Inis na binagsak ni Edgar ang documentong hawak saka bumuga ng marahas na hangin,

Napatingala siya sa kesame ng portable mansion nila, sa ngayon kasi ay nasa isang portable house pa sila dahil nagpapa-renovate pa sila sa kanilang mansion kagaya ng utos sa kanila ng kanilang papá,

Ang na-assign sa kaniyang trabaho ay ang i-measure ang kabuohan ng kanilang lupain. Kung tag-iilang square meters ang kanilang lupain, bawat isa sa kanila magkakapatid,

May trabaho na nga siya sa company niya, may practice pa siya sa race nila, at dumagdag pa itong sa lupain nila. Ngunit naaawa din siya sa kapatid niyang si Earl, busy ito sa pagdo-doctor ngunit dito pa naka-assign ang documento nang lahat nang kanilang lupain, kabilang ang kanilang mga mana,

Hindi naman niya matulongan ang kapatid dahil katulad lang nila...busy din siya.

Bumuntong hininga siyang muli, napahawak siya sa may likoran niya. Pinapakiramdaman ang kaniyang sugat,

Kapag naaalala niya ang gabi na nasaksak siya ay nag-uumigting ang mga panga niya sa galit. Muntikan nang masaksak si Samantha, iyon ang kinakagalit niya, bukod doon ay nasampal pa si Samantha,

"ang kakapal ng mga mukha ng mga tukmol..." galit na bulalas niya, kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan si Theo, kasamahan niya sa pandilla fuerte, isang eksperto pagdating sa pagta-track sa mga kalaban,

Agad na sinagot ni Theo ang kaniyang tawag, tumikhim muna siya bago magsalita,

"Nahanap mo na ba ang location ng mga pesteng iyon?" tanong niya, pagtutukoy sa mga gang na nanakit kay Samantha,

"Tatawagan na sana kita para sabihin ang tungkol doon eh, kaso ay naunahan mo ako," tugon nito, bagama't nasa kabilang linya ay alam niyang nakangisi si Theo,

"so, where are they?" tanong niya rito,

"hmmm, they are currently hiding under the bridge. May secret hideout sila doon, nakita sila nang tao ko doon, naghi-hithit ng droga," ani pa nito, tumango naman siya saka agad na binuksan ang laptop,

"Thanks, I'll send you the money right away," ani niya pa. Narinig naman niya agad ang hagikhik ni Theo,

"Yun oh!" masayang bulalas nito, napailing-iling nalang siya saka binaba ang tawag nang hindi nagpapaalam,

Bumuntong hininga siya saka muling humarap sa laptop niya. Bumalik siya sa trabaho, tumunog muli ang cellphone niya dahilan para mapasilip siya doon,

Si Lin iyon, tumatawag, napaisip siya kung ano'ng maaaring maging dahilan ni Lin sa pagtawag. Ang bilin niya rito ay hindi siya tawagan kung hindi naman gaanong importante ang sasabihin o ang ipapaalam,

Bumuntong hininga siya saka kinuha ang cellphone at sinagot ang tawag ni Lin.

"Yes?" agad na tugon niya nang masagot niya ang tawag,

"Sir, nag padala po ng invitation ang school." balita nito, nangunot naman ang noo niya,

"from what school? at para saan?" tanong niya pa,

"hmmm, sa Baguio po ang venue sir, sa isang seminar," sagot ni Lin, nanlaki naman ang mga mata niya at agad siyang napatayo dahilan para mapaigik siya nang maramdaman na sumakit ang sugat niya,

"aw!" bulalas niya.

Napahawak siya sa may sugat saka marahan na bumalik sa pag-upo habang iniinda pa din ang sakit.

"Really?" hindi makapaniwalang tanong niya kay Lin, hindi niya na kailangan malaman kung ano'ng paaralan ang nagbigay ng imbitasyon, alam niya nang sa paaralan iyon kung saan nagtuturo si Samantha,

Race for Love (Hacienda Sevida Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon