KABANATA 12

104 11 1
                                    

"YOU mean...our ex?" nang-iinis na tanong sa kaniya ni Erlane, agad naman siyang natawa saka pinagkruss ang mga braso na hinarap ang kapatid,

Siniplatan niya din ng tingin si Rebecca saka siya muling tumingin kay Erlane.

"I've never considered her as my ex" deretsong sabi niya kay Erlane, napansin naman niyang nagulat ang dalawa sa sinabi niya kung kaya't napaismid siya kaya napalingon siya agad kay Samantha,

"Let's go and order our milktea" ani niya kay Samantha na siyang gulat dahil sa nangyari, nakatingin lang si Samantha kay Rebecca na animong gulat na gulat sa nangyari,

Nang hindi gumalaw si Samantha ay kinuha niya ang kamay nito saka nila tinalikuran sina Rebecca at Erlane, dinala niya agad si Samantha sa counter saka sila um-order ng milktea,

Tahimik lang si Samantha na siyang pinagtaka niya, nang tingnan niya din ito ay nakatulala na animong nakakita ng barilan sa harap nito, umiling lang siya saka siya nagbaba ng tingin sa mga kamay nilang magkahawak pa rin pala,

Napabaling siya ng tingin doon dahil sa biglang humigpit ang hawak ni Samantha sa kamay niya, doon lang niya hinila ang kamay niya nang tanggapin ang order nila saka bayaran iyon,

Sabay silang lumabas ni Samantha sa restaurant & café na iyon. Si Samantha din ang nangunguna sa paglalakad, animong nagmamadali,

Kung si Edgar ang tatanongin ay talagang hindi niya nagustohan ang pagtrato ni Erlane sa kaniya ngayon, akala niya ay okay na sila, pero siguro ay bumalik ang dating galit ng kapatid sa kaniya noon, ngayon na nagbalik na si Rebecca...hindi impossible na mangyari yun,

Nang makasakay sila muli sa kotse ay binigay niya agad kay Samantha ang milktea nito na marahas nitong tinanggap, nagulat naman siya dahil doon,

Marahas ding tinusok ni Samantha ang straw sa milktea na iyon. Habang siya naman ay gulat lang itong tiningnan,

"nakaka-irritate ha!" bulalas nito, nangunot naman ang noo niya dahil sa pagkaka-irita nito, kapagkuwan ay nilagay niya ang milktea sa beverage holder ng sasakyan,

Agad niyang pinaandar ang makina ng sasakyan saka niya muna pinainit ang makina nito, habang pinapainit ang makina ng sasakyan ay muli niyang kinuha ang kaniyang milktea saka tinusok ang straw nito,

Akmang hihigop naman siya sa milktea nang bumaling siya kay Samantha na halos durugin na ang mga bola sa milktea,

"Hey, chill..." natatawang sabi niya kay Samantha na natigil sa pagtutusok nun saka siya nilingon,

"paano akong magchi-chill eh hindi sinabi sa akin ng so called best friend ang tungkol sa inyo both, haleeer?" naiinis na tugon nito, humigop naman siya ng milktea saka muli itong nilagay sa beverage holder at saka inayos ang seatbelt niya,

Nanahimik din si Samantha hanggang sa minaneho niya na ang sasakyan, ngunit nang nasa kalagitnaan na sila ng daan ay bigla itong nagtanong,

"Is it true that...naging ex niyo magkapatid si Samantha?" tanong nito sa kaniya, hindi naman siya umimik at nagpatuloy sa pagmamaneho,

"eh kasi diba...you said you never considered her as your ex..." dagdag pa nito, binalingan niya ng tingin si Samantha saka siya muling tumingin sa kalsada at sinagot ito,

"I'm not yet ready to tell anyone about our past" deretsong sabi niya,

"I'm sorry" agad na paghingi ng tawad ni Samantha, hindi siya umimik ng ilang segundo saka niya hininto ang sasakyan at pinarada ito sa parking lot kung saan sila kakain ngayon,

"But when I'm ready to tell everything, you're the very first person I'd run to" ani niya sabay lingon kay Samantha na nakatitig sa kanila,

"nasasaktan pa din ba you?" tanong ni Samantha sa kaniya, nagbaba siya ng tingin sa kamay niyang nakahawak sa legs niya,

Race for Love (Hacienda Sevida Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon