KABANATA 39

75 6 1
                                    

"WHERE are we going ba kasi?" tanong sa kaniya ni Samantha sa ika-walong pagkakataon,

"It's a secret. Fuck, we're 10 minutes late." ani niya saka lumingon sa likod, sinisiguradong walang sasakyan na nakasunod.

Nang masiguro naman ay binilisan niya ang pagpapatakbo hanggang sa maunahan niya ang iba pang sasakyan.

"paanong hindi male-late eh—"

"But I regret nothing, Samantha." agad na singit niya nang makuha agad ang gustong ipahiwatig ni Samantha, narinig naman niyang bahagyang natawa si Samantha sa sinabi niya,

Nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho habang si Samantha naman ay palingon-lingon lang sa paligid, sinusubukang alamin kung saan sila pupunta.

"Wait..are we off to your airport?" takhang tanong nito sa kaniya, siniplatan niya lang ng tingin si Samantha saka niya nililko ang sasakyan papasok sa airport,

Agad naman napahawak si Samantha sa kamay niya nang makita nito ang dami ng bilang ng media na naroon sa airport.

"What is happening here? bakit sobrang dami ng media here, Edgar?" takhang tanong ni Samantha sa kaniya,

"Just bear with me, Sam." sagot niya saka hininto ang sasakyan sa mismong main gate ng airport,

"what are you trying to do, Edgar? what is this?" sunod-sunod at natatakot na tanong ni Samantha sa kaniya,

"Relax, it's just the 9th anniversary of my airport. You'll be wearing a party mask so...you can hide, at least," ani niya pa kay Samantha na nagbaba ng tingin sa party mask na hawak niya,

"Samahan mo lang ako hanggang sa matapos ang speech ko para sa 9th anniversary ng airport ko, after that...we'll go home," malumanay na paliwanag niya kay Samantha na nakatingin lang sa labas,

Alam niyang ayaw pa ng nobya niya na magpakita sa mga tao lalo na't hanggang ngayon ay usap-usapan pa din ang litrato na iyon.

"Relax, they won't be able to recognize you, look at your mask..." ani niya dito, sinunod naman ni Samantha ang sinabi niya,

"Three-fourth of your face will be covered, so relax...and trust me" puno ng emosyon na sabi niya kay Samantha na bumuntong hininga at sinout ang party mask, napangiti siya at sinout na din ang kaniya,

Naunang siyang lumabas sa sasakyan, agad siyang sinalubong ng bellboy na siyang tinangoan lang niya, akmang bubuksan naman ng isang bellboy ang pinto para kay Samantha nang agad niya itong pinigilan,

Agad siyang ngumiti sa mga camera na tumapat sa kaniya, matapos nun ay inayos niya ang tuxedos na suot saka lumibot para pagbuksan ng pinto si Samantha.

Tinanggap ni Samantha ang kamay niyang nakalahad, ginamit ito ni Samantha bilang supporta sa pagtayo. At nang makita ng karamihan si Samantha ay agad na nag-ingay ang crowd.

Bagama't hindi nila nakikilala ang babaeng kasama niya ay nainntiriga na ang lahat dahil sa may kasama siyang isang babae hindi katulad nang dati na siya lang mag-isa.

Nang tuloyan nang makalabas si Samantha ay agad silang ngumiti sa camera, sa hindi kalayoan ay nakita niya sina Bruno at Dino na siyang nagmamadaling lumapit sa kanila.

"Sir, muntikan na naming ipakansela ang event," panunuksong bulong sa kaniya ni Bruno nang lumapit ito sa kaniya, hinarang nito ang sarili upang protektahan siya sa media.

Ganoon din ang ginawa ni Dino kay Samantha na siyang humigpit ang kapit sa braso niya.

Natawa siya sa biro ni Bruno, agad din namang nawala ang tawa na iyon nang maramdaman niya ang pagdiin ng mga kuko ni Samantha sa braso niya.

Race for Love (Hacienda Sevida Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon