KABANATA 60

87 2 0
                                    

NANG makarating sila sa airport ay sinalubong sila nang sangkatutak na mga reporter mula sa iba't-ibang estasyon at lugar. Panay ang hawi ng mga body guard nila para lang makadaan sila sa aiport, maging sila ni Peter ay nakisama na sa paghawi sa mga reporters.

Wala silang ibang naririnig kundi ang tungkol sa binalita niyang ikakasal na sila ni Samantha at tungkol pa sa race na siyang mangyayari bukas. 

At dahil nga pahirapan ang paglabas nila sa airport ay mabilis ang naging kilos nila nang pumarada na sa harap ang sasakyan nila. Una niyang pinapasok si Samantha saka siya ngumiti at kumaway sa mga fans niyang nasa unahan lang. 

Pumasok na si Edgar sa sasakyan at saka mabilis na sinara ito, doon ay nakita niya si Bruno na siyang nakatingin sa kapatid na si Peter na siyang hinihingal na nakaupo. Sabay naman silang napatawa tatlo.

"Kaya minsan...ayoko maging sikat eh," sabi pa ni Peter saka umayos ng upo. Niligon naman agad ito ni Bruno saka tinukso, habang siya naman ay tumingin kay Samantha at marahan na hinawakan ang kamay nito.

He looks up to see his fiancee, he's indeed happy. Despite having a jetlag from the very long flight they had, Edgar is still feeling happy about it.

"Anyways," biglang pagboses ni Bruno saka pinaandar ang sasakyan, pareho silang lumingon si harap saka tumingin sa rear view mirror at pinakinggan si Bruno.

"Congratulations to the both of you," pagbati nito, ngumiti naman sila pareho.

"Thank you,"

"Maraming thank you," 

Sabay na pasasalamat nilang dalawa, bahagya namang natawa si Bruno.

"You know, your kuya was very happy to hear that news, he even tried to call you kasi akala niya fake news daw...but your phone was off, why?" tanong nito sa huli, bumuntong hininga siya saka umayos ng upo at sinagot si Bruno.

"You know, so that the organization won't contact me while I'm here, delikado na. Malapit na ang mission kaya alam kong tatawag at tatawag ang big bosses sa akin,"  paliwanag niya pa, tumango naman si Bruno habang si Peter naman ay lumingon sa kaniya,

"Gusto mo ba samahan kita? pwede kaming sumama ni kuya" tanong ni Peter na agad namang sinang-ayonan ni Bruno, mabilis naman siyang umiling sa magkapatid.

"No, kapag nawala kayo, magtataka ang mga kapatid ko. Have you forgotten na in-assign kayo ni papa sa mga kapatid ko? isa pa...I have to do it alone, to gain the boss' trust," mahinang dagdag ko sa huli, tumango ang magkapatid saka tumingin sa harap, samantalang siya naman ay lumingon sa gawi ni Samantha na nakatulala sa kung saan.

"Are you okay?" tanong niya kay Samantha na bahagya pang nagulat nang magsalita siya, ngumiti ito sa kaniya saka tumango-tango. 

He knows that Samantha is not okay, alam niyang nag-aalala ito tungkol sa mission na gagawin niya. Maging siya man ay nag-aalala din ngunit wala siyang magagawa lalo na't unti-unti ay lumalaki na ang pamilya nila.

Hindi niya na tinanong pa si Samantha, bibigyan niya ng oras si Samantha para mag-isip at saka niya lang tatanongin ito kapag silang dalawa nalang. Bumuntong hininga si Edgar saka tumingin sa labas. 

Ilang segundo pa ay narinig niyang nag ring ang cellphone ni Samantha, napalingon siya sa gawi nito saka niya pinanood si Samantha na sagotin ang tawag, nang masagot na ni Samantha ang tawag.

Tumingin siya sa labas ng sasakyan saka niya nakita ang mga advertisements tungkol sa duo race competitions. Parang kailan lang ay umayaw siya sa competition na ito, talagang hindi siya interesadi ngunit wala na siyang magagawa, nandito na sila kaya kailangan ipanalo nila ito.

Race for Love (Hacienda Sevida Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon