KABANATA 66

51 4 0
                                    

KINABUKASAN ay maagang nagising si Edgar dahil sa magkakasunod ng katok sa kwarto niya. Nang sumilip naman siya sa bintana ay marahan siyang napamura nang makitang madaling araw pa lang.

"fuck" mura niya pa saka bumangon, kamot niya ang ulo niya habang naglalakad siya papunta sa may pinto, agad niya iyong binuksan at saka naman bumungad sa kaniya ang mukha ni Peter.

"what do you fucking want at this fucking hour, Peter?" tanong niya pa, agad namang pumasok si Peter sa kwarto niya saka.

"We need to go now," biglang balita nito, nangunot ang noo niya sa sinabi Peter.

"What?!" takhang tanong niya kay Peter.

"We need to start packing our things now." ani pa ni Peter.

"but why?" tanong niya dito,

"you know our enemy, alam niyang ganito ang takbo ng mission kapag malapit na ito mag-fail, kaya hindi gumagalaw sina Mr. Yamashoto dahil inaasahan pa nila na gagalaw ka in a week or two. We need to surprise 'em," paliwanag ni Peter sa kaniya, hindi siya nakaimik.

"I know you're not fully healed yet, but this is the only way we can capture Mr. Yamashoto and make your mission succeed. I'm helping you," dagdag na sabi ni Peter sa kaniya.

May point si Peter. At malaki ang posibilidad na mag tagumpay sila sa mission nila ngayon kung kikilos na sila.

"...but of course, if you insist on working it later, I have no choice but to follow you." biglang sabi ni Peter. Tumingin siya sa kaibigan saka bumuntong hininga.

It's not that he's concerned about his health, nangako siya kay Samantha na tutulongan niya itong makaalala sa loob ng isang linggong nandidito sila.

"you have 30 minutes to decide, Edgar. Kung ngayon tayo aalis, sasabay tayo kina Samantha." dagdag na sabi nito, nangunot muli ang noo niya saka takhang lumingon kay Peter.

"What did you say?" tanong niya sa kaibigan.

"ngayon ang alis nila Samantha, doon sila pupunta sa isang rest house mo." sagot nito,

"Akala ko ba mananatili sila dito ng isang linggo?" tanong niya sa kaibigan, nagkibit-balikat lang si Peter saka bumuntong hininga.

"Yun din ang alam ko, but Samantha suddenly told us that she wanted to move out and Earl agreed." paliwanag ni Peter, napatingin naman siya sa kawalan at saka napabuga ng marahas na hangin.

Hindi niya maintindihan, at wala siyang maisip na maaaring maging dahilan sa biglaang pagdedesisyon ni Samantha.

"Alam ba ni Samantha kung saan tayo pupunta at kung ano'ng gagawin natin?" tanong niya kay Peter. 

"Hindi, ang alam lang niya ay sasama ka sa paghatid sa kanila sa lugar na iyon." sagot nito.

Matagal pa bago tuloyang nakadesisyon si Edgar. He guess he doesn't have any choice but to ride on with Peter's plan, tumango siya saka bumuntong hininga.

"fine, let's do it." ani niya pa, tumango si Peter saka siya tinapik sa balikat.

"Alright, I'll give you time to prepare." ani nito saka umalis sa kwarto niya habang siya naman ay napatitig lang sa labas ng bintana. Walang ibang makakasagot sa mga tanong niya kundi si Samantha at ngayong aalis silang pareho ay saka niya na ito tatanongin.

Nag prepara na si Edgar at saka naligo. Ang alam niya ay pupunta pa sila sa opisina upang ihanda ang mga gamit nilang doon nakatago. Nilipat nila ang mga gamit nila nang umuwi sila galing sa hacienda.

Nang matapos ang lahat-lahat na iyon ay saka siya lumabas. Natagpuan naman niya doon sina Peter at Samantha na animong siya nalang ang hinihintay.

Tiningnan niya si Samantha at saka siya nagtaka nang hindi man lang ito tumingin sa kaniya. Nagbaba siya ng tingin saka nagsalita kay Peter.

Race for Love (Hacienda Sevida Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon