KABANATA 59

88 4 0
                                    

EDGAR woke up and suddenly realizes that it's time to leave the country for the race. Napahawak siya sa ulo niya saka lumingon sa katabi, Samantha is still sleeping, she's snoring which he find cute.

Tumagilid si Edgar saka inabot ang mukha ni Samantha, kinuha niya ang buhok na nakaharang sa mukha nito saka niya ito binalik sa likod ng tenga. He smiled, napakahimbing ng tulog nito animong pagod na pagod kagabi, kunsabagay, sa ginawa nila buong magdamag, sino ang hindi mapapagod?

Gumalaw si Samantha saka umungol, nag-inat pa ito ng katawan saka siya nito niyakap, napangiti siya saka napayakap na din kay Samantha na siyang sinubsob pa ang mukha sa dibdib niya.

"Today's the day, babe." nakangiting sabi niya pa kay Samantha, 

"Hmm?" tugon nito, bahagya pa siyang natawa nang maramdaman ang hangin mula sa ilong nito, 

"I mean, we're traveling outside this country...we're gonna leave this country because the race..."

"shit!" agad na bulalas ni Samantha sabay kalas sa yakap nito,

"Hindi ako nakapag-pack ng things babe!" nag-aalalang sabi nito, 

"Don't worry, nag-impake na ako kagabi bago ako natulog." sagot niya pa, ngumuso naman si Samantha saka lumapit sa kaniya at yumakap.

"that was a wild night, babe." ani nito, natawa naman siya saka napayakap kay Samantha,

"Yeah, it was...I wanna hear you mo-"

"shut up!" agad na bugaw ni Samantha sa kaniya bago pa niya matapos ang sasabihin niya.  Nagtawanan sila pareho at magkaakap na tiningnan ang magandang tanawin sa labas, nasa kama pa din silang dalawa, nakasandal siya sa kama habang kayakap naman niya si Samantha na siyang nakayakap din sa kaniya at nakahiga sa dibdib niya.

"I wanna stay here," bulalas ni Samantha, bahagya siyang napangiti saka hinalikan ang ulo ni Samantha.

"Babalik naman tayo dito," sagot ni Edgar, naramdaman niyang umiling si Samantha,

"I'm not talking about the place...alam ko naman na babalik pa tayo here," seryosong sabi ni Samantha, "I'm talking about this, etong ginagawa natin ngayon...I wanna stay here in your arms, embracing you and loving you," dagdag nito,

Edgar's heart skips a beat the moment he heard those words from Samantha's mouth. He smiled and slowly reached out his girlfriend's hand. 

"I love you," matamis at seryosong sabi niya kay Samantha na bumaling sa kaniya saka siya nginitian nang kay tamis. 

"Anyways, kamusta na kaya yung nanay na nakunan?" biglang paglihis ng topic ni Samantha, napaisip naman siya doon.

Nandoon sila nung mangyari ang insidenteng iyon. Gulat silang lahat dahil sa ginawa ni Alyana kay Veronica, nang dahil sa pagkamatay nang kambal ay na delay pa ang flight nila kung kaya't hindi na sila nakapag-practice sa track para sa duo race competition, ang ending ay sasabak sila sa karera nang hindi nakapag-ensayo sa track na sasabakan ng karera.

Ilang araw na din pala ang nakalipas...

"I think she might get really depressed," sagot ni Edgar, "I heard my brother saying he will travel on board again, for five months I think? that will help him move on from losing his twin babies," dagdag na sabi niya,

"Wala ba talaga silang relasyon ni Veronica-girl? Like, is it really a mistake ba?" tanong ni Samantha , nagkibit-balikat si Edgar saka tumingin sa labas ng bintana.

"I don't know, but one thing is for sure...they love each other, kaya lang...mas mahal lang ni kuya Erwan ang babae," natatawang sabi niya pa sa huli, tumaas naman ang kilay ni Samantha saka umayos ng upo sa harap niya,

Race for Love (Hacienda Sevida Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon