KABANATA 65

57 2 0
                                    

KINABUKASAN ay maaga nagising sina Edgar at Samantha. Pareho silang inutosan ni Earl na magpa check up sa OB ngayon at kailangan niyang samahan si Samantha sa pagpapa-check up nang sa gayon ay maging ligtas ito.

"You need to protect her at all cost, Edgar. Delikado na, lalo na't nasa paligid natin ang alagad ni satanas" paliwanag ni Earl sa kaniya habang nagbibihis siya. Binisita siya nito at saka siya binigyan ng VIP access,

"Alagad ni satanas? who?" takhang tanong niya pa sa kapatid na takha siyang tiningnan, animong hindi makapaniwala na hindi nito alam ang nangyayari.

"Alyana," sagot ni Earl, agad naman siyang tumango saka napatango-tango.

"She's back?" tanong niya sa kapatid saka tinapos ang pagsusuot ng t-shirt.  Nang tingnan naman niya si Earl kunot-noo siyang tiningnan nito, animong inis na inis na. 

Napabuntong hininga siya saka mabilis na nagpaliwanag sa kapatid.

"Dude, I've been gone for ages, I don't know what's happening except from the fact that my life is fucked up." agad na sabi niya sa kapatid na umismid sa sinabi niya.

"Buti naman alam mo," ani pa nito saka siya hinarap.

"Anyways, you need that VIP access para mapadali ang pagpapa-check up niyo, hindi kayo pwede magtagal at baka mapano pa kayo. I'll tell papa's guards to follow you silently." paliwanag pa nito, tumango naman siya saka kinuha ang card.

Sabay silang umalis sa kwarto niya, nang makalabas naman sila ay sakto ding dumaan si Nia at Samantha. Bahagya pa siyang nagulat nang makitang bihis na bihis si Samantha na animong bumalik ito sa dati.

"I'm quiet sure na may makakakilala sa inyo when you go out, kaya naman I asked Samantha a favor to speak...conyo, or be conyo for a while, nang sa ganoon maiwasan ang chismis. Mahirap na, we've had enough from Erwan's issue," ani pa ni Nia, tumango naman siya saka bahagyang nakaramdam ng saya sa puso.

Kahit papaano pala ay magkakaroon siya ng pagkakataon para marinig ang ka-conyohan ni Samantha. 

Hindi nagtagal ay hinatid na sila ni Peter sa hospital. Kagaya ng sabi ni Earl ay naging madali sa kanila ang magpa-check up, nakapasok sila agad sa OB at agad ding in-entertain ng doctor.

"oh, hi again, Ms. Cazarza." nakangiting bungad sa kanila ng doctor, ngumiti naman si Samantha saka tumingin sa kaniya, napatingin din ang doctor sa kaniya saka ito ngumiti nang kaygalak.

"Oh...is he the father?" animong nae-excite na tanong ng doctor kay Samantha, bahagya siyang napangiti at akma din siyang sasagot nang maunahan siya ni Samantha.

"Ah, hindi po doc." sagot ni Samantha, napalingon siya dito saka siya nagbaba ng tingin nang makaramdam ng kaunting kirot sa puso. "He's Dr.Sevida's brother, the racer, Edgar." pagpapakilala ni Samantha sa kaniya, nang tingnan naman niya ang doctor ay bakas sa mukha nito ang pagtataka,

"what? aren't you two dat-"

"shall we start?" agad na pagputol niya sa iba pang sasabihin ng doctor, tumingin ito sa kaniya na puno ng pagtataka, nang magkatinginan naman sila ng doctor ay saka niya ito inilingan.

Senyales na ayaw niyang ipagpatuloy pa ng doctor ang ano pa mang sasabihin nito. Tumango ang doctor at tumingin kay Samantha, ngumiti ito saka na sila nagsimula.

Nakatingin lang siya kay Samantha na kausap ng doctor habang si naman Samantha na masayang sumasagot sa mga tanong ng doctor. Habang siya naman ay nakaupo lang sa gilid at nakatingin sa kanila. Hindi niya mapigilan ang masaktan sa nakikita niya sa ngayon.

How can this happen?

Tanong niya sa kaniyang sarili sa isip. Nagbaba siya ng tingin saka pinigilan ang mga luha na gustong-gusto na mahulog sa kaniyang mga mata. Nang ipasok na si Samantha sa kwarto kung saan gagawin ang ultrasound ay saka siya lumapit sa doctor, bago pa man ito tuloyang makapasok sa kwartong pinasokan ni Samantha ay kinausap niya ito, bahagya pa silang lumayo upang hindi marinig ni Samantha.

Race for Love (Hacienda Sevida Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon