KABANATA 61

78 2 0
                                    

"HOW was it?" tanong ni Edgar kay Peter nang makarating ito sa dressing room niya. Pansamantalang pinatigil ang race nang dahil sa nangyari at hindi rin pinayagan ng mga sponsors na may isang racer ang lumabas sa field, dahilan para mas lalo siyang mainis. 

Si Peter nalang ang pinadala niya para ibalita sa kaniya kung ano'ng nangyayari. Bumuntong hininga si Peter saka nagbaba ng tingin.

"She's in...a very critical condition," sagot ni Peter sa kaniya na animong ayaw nitong sabihin. Napalunok si Edgar saka hindi nakapagsalita sa nabalitaan, napatitig lang siya kay Peter, patuloy na pinipilit iproseso ang mga nangyari.

"The doctor says...she's having an emergency operation, i-it's a good thing that her mother was here, she signed the papers for the operation." dagdag na sabi ni Peter, tuloyang bumagsak ang luha ni Edgar, mabilis niyang pinahid ito saka siya tumingala.

"This is all my fault..." bulalas niya,

"Stop blaming yourself, Edgar. Walang may alam sa atin na mangyayari ang bagay na 'to," ani pa ni Earl, umiling siya nang ilang beses saka sinabunotan ang sariling buhok nang dahil sa inis, mabilis naman niyang sinuntok ang pinakamalapit na pader sa kaniya dahilan para magulat ang mga naroon.

"Edgar," rinig niyang bugaw ng kuya Earth niya sa pinakamababang tono ng boses, bagama't pangalan lang niya ang binanggit nito ay alam niya nang pinapatigil na siya ng kuya niya.

Ngunit kahit na magalit ang kuya Earth niya ay gusto niya paring magwala sa galit, his Samantha is in danger...

"You need to calm down, kapag umalis ka dito tiyak na madi-disqualify tayo-"

"Fuck it, Marlo! Fuck it!" sigaw niya kay Marlo na siyang nagsalita, hinarap niya ito saka nilapitan, "how can I fucking calm down when my fiancee is in danger?! huh?!" galit na tanong niya kay Marlo na hindi umimik.

"Wala kang ibang iniisip kundi ang trophy! ang manalo!" dagdag na sigaw niya kay Marlo, bahagya siyang lumayo saka sinipa ang pinakamalapit na upoan sa kaniya.

Dahil sa galit niya halos walang magawa ang mga naroon, nanatili silang tahimik, nakatingin sa baba. Pare-pareho silang walang magawa. 

"This is no one's fault," pagsasalita ni Rebecca, marahan siyang nilingon ni Edgar.

Nilabanan ni Rebecca ang masamang tingin niya saka ito nagsalita, "Kahit minsan lang, makinig ka sa amin, Edgar. Walang may alam na mangyayari 'to kaya wag mong sisihin si Marlo sa nangyari-"

"Look," agad na pagsingit ni Edgar kay Rebecca na natigil sa pagsasalita, "I get it, okay? I get it." dagdag na sabi niya, pilit na pinapakalma ni Edgar ang sarili sapagka't kaharap niya si Rebecca, natatakot siya na baka anong sandali ay may masabi siyang hindi dapat.

"Gets kong walang may alam sa nangyari, oo. Nakukuha ko yun, naiiintindihan ko yun. What I need is to get there, gusto kung pumunta sa hospital at samahan ang fiancee kong nag-aagaw buhay! How dare I sit here and relax? paano akong kakalma dito kagaya nang sabi niyo!" sigaw niya sa huli, napaiwas nang tingin si Rebecca sa kaniya,

Maluha-luha niyang tiningnan ang lahat nang naroon. Walang umimik, lahat tahimik at tila hindi makatingin sa kaniya.

Tuloyang bumagsak ang mga luha sa mga mata ni Edgar na kanina niya pang pinipigilan, kumawala ang hikbi sa mga labi niya.

"What if...she couldn't make it?" umiiyak na tanong niya sa mga naroon, "paano kung ito na pala ang huling sandali niya...am I not gonna see her for the last time? a-are you not gonna let me see her for the last time?" umiiyak na dagdag pa niya, 

"but we can't do anything about it..." malungkot na sabi pa ni Rebecca sa kaniya, 

"I would rather lose my racing license than to lose her...or lose my my chance to see her...for the last time." umiiyak na dagdag niya pa. 

Race for Love (Hacienda Sevida Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon