KABANATA 50

76 4 0
                                    

"WHAT?!" galit na tanong niya kay Peter matapos marinig ang binalita nito sa kaniya tungkol sa nangyari kay Samantha,

"Nahuli naman agad ni Samantha ang insider dahilan para mahuli din agad siya ng mga guard na nasa isla." dagdag na sabi pa nito, tumayo siya saka tiningnan ang wrist watch.

"I can still visit her..." bulalas niya saka akmang aalis nang agad naman siyang pigilan ni Peter,

"You know you can't do that." animong nagbabanta na paalala sa kaniya ni Peter, agad naman siyang tumingin kay Peter.

"Inoobserbahan tayo ng mga tao ngayon ni Livian, kapag pumuta ka dun o kahit i-contact mo lang si Samantha ay masisiguro ni Livian na ikaw nga ang nagpadala kay Samantha roon. Kaya pinadala ni Livian ang babaeng yun dahil gusto masiguro ni Livian kung may pake ka ba kay Samantha o wala." mahabang sai nito, natigilan siya saka nagsimulang makaramdam ng matinding galit,

"Damn it..." inis na bulalas niya nang mapagtantong may punto ang sinasabi ni Peter sa kaniya,

Inis niyang sinabunotan ang sarili dahil sa sobrang panggigigil, inis niyang sinipa ang swivel chair niya.

"However...I have an idea but we need Efren to cooperate with us." ani ni Peter, agad naman siyang napalingon kay Peter,

"Huwag mo idamay ang kapatid ko sa kalokohan mo Peter. He can't know what happened..."

"but this is the best idea I could think of." ani pa ni Peter sa kaniya,

"What kind of idea is that?" tanong niya kay Peter saka umayos ng tayo para makinig sa ideya na sinsasabi ni Peter,

"Efren would pretend to be you for the meantime, the we'll pretend to be his guard and we'll secretly drop you somewhere, magpapadala ako ng sasakyan doon para maging sasakyan mo papunta sa port." paliwanag sa kaniya ni Peter,

"How would Efren pretend to be me?" tanong niya kay Peter,

"Magkapareho kayo ng pigura at tangkad, magsusuotlang siya ng shades, mask at cap. Magtatawag ako ng press para humarang sa atin sa harap ng company...that way, hindi magtataka si Livian kung bakit ka nakasuot ng ganoon." paliwanag ni Peter sa kaniya,

Natigilan siya at sinubokang i-imagine ang plano na sinasabi ni Peter, bumuga siya ng marahas na hangin saka marahang tumango at humarap kay Peter,

"let's do it" ani niya, tumango naman si Peter saka sumenyas na aalis na

"I'll call someone to park a car on a certain location, magtatawag na din ako ng press with an anonymous caller ID." ani nito, tumango naman siya kay Peter,

"Thank you so much Peter," pasasalamat niya pa, umakto naman si Peter na animong nandidiri si pasasalamat niya, bahagya naman siyang natawa sa inakto ni Peter,

Nang makalabas naman si Peter ay saka niya kinuha ang cellphone at tinawagan ang kapatid na si Efren, sinagot naman agad nito ang tawag niya.

"Hey...I'm in the middle of something...what do you want?" agad na bungad ni Efren sa tawag niya,

"Ahm, I kinda need your help right now." nag-aalangang sabi niya kay Efren, ilang segundo naman natahimik si Efren sa kabilang linya,

"Where are you at?" tanong nito, nagbaba siya ng tingin saka tumingala,

"Company" matipid at deretsong sagot niya kay Efren,

"Alright, I'll be there" sagot nito sabay baba sa tawag, marahan niyang naibaba ang cellphone, napatitig siya sa magandang tanawin sa labas ng office niya saka siya bumuga ng marahas na hangin,

Race for Love (Hacienda Sevida Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon