KABANATA 51

91 4 0
                                    

"I THINK you two should talk." ani niya kay Samantha nang pinapsok na ni Peter si Mrs. Cazarza,

"Edgar" animong nagbabanta na tawag sa kaniya ni Samantha, hinawakan niya sa magkabilang braso si Samantha saka bahagyang dumukwang,

"I know," ani niya kay Samantha nang mabasa ang emotion nito.

Alam niyang ayaw ni Samantha ang mangyayari sa ngayon, alam niyang may galit si Samantha sa ina nito kaya ayaw nitong makipag-usap,

"You should at least let her explain everything, Sam. This is for your own good." Dagdag na sabi niya kay Samantha, bumuntong hininga si Samantha saka lumingon sa gawi ng ina na siyang nakaupo lang sa sala at nakatingin din sa gawi nila,

Napangiti ito nang lumingong si Samantha sa gawi nila, inis siyang tiningnan ni Samantha bago tuloyang lumapit sa ina para makipag-usap.

Samantala ay sabay naman sila ni Peter na lumabas sa bahay na iyon, nang makalabas sila ay dumeretso sila ng lakad malapit sa dalampasigan,

"Okay, you need to tell me what exactly happened." ani ni Peter nang makarating sila sa tabing-dagat,

Bumuntong hininga siya saka pinasok ang mga kamay sa magkabilang bulsa.

"Their company is about to fall down. Nag pull-out ang lahat ng investors ng company nila Samantha dahil sa fake news na kumakalat..."

"Aling fake news ba?" tanong ni Peter,

"When she was kidnapped. Ang akala ng lahat ay gusto akong ipapatay ni Samantha which is not true." tugon niya, tumango naman agad si Peter nang maalala ang news na iyon,

"Yeah, that freaking fake news, I remember that."

"Yeah, so that's why pinapahanap ng Dad niya si Samantha dahil sinisisisi nito si Samantha sa nangyari. And her mother, she escaped from their mansion in order to protect her daughter and keep her away from her husband."

"So that's why you took her here?" tanong ni Peter matapos niyang magpaliwanag.

"Yeah," tipid na sagot niya, tumango naman si Peter saka gumaya sa kaniya na nasa malayo lang ang tingin,

"Anyways...nakita mo na ba ang nagpakalat ng fake news na iyon?" tanong ni Peter sa kaniya, umiling naman agad siya.

"Pero pinaghihinalaan ko na si Livian lang din ang gumawa non."

"Pwede din, he's capable of doing that thing" pagsang-ayon ni Peter sa sinabi niya, lumingon naman siya dito saka niya naalala ang bagay na matagal niya nang pinapagawa kay Peter,

"How's your investigation about Rebecca and teacher Anne?" tanong niya kay Peter na nakita niyang napakamot sa noo saka hindi makatingin sa kaniya ng deretso,

"Peter?" tanong niya dito,

"Ahm, that...I'm still investigating it, don't worry. We'll find it out sooner or later." ani ni Peter, marahan naman siyang napatango saka napatingin sa relo niya,

"Uuwi ka pa ba sa hacienda?" tanong ni Peter, tumango naman agad siya saka muling tumingin sa dalampasigan,

"Yeah, I need to face Edward. I made a mistake" sagot niya pa kay Peter,

"Hmm, kung aalis ka mamayang alas 8, makakarating mga alas diyes." sagot ni Peter, tumango siya saka lumingon sa bahay kung nasaan si Samantha,

"Should we go back in there?" tanong ni Peter, tumango siya saka sila sabay na naglakad papasok sa bahay,

Kumatok muna sila para masiguro kung tapos naba ang pag-uusap ng mag-ina. Bumukas ang pinto at bumungad sa kanila si Nilda,

"Tapos na ba sila?" tanong ni Peter kay Nilda, tumango naman si Nilda saka binuksan ang pinto.

Race for Love (Hacienda Sevida Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon