KABANATA 53

87 5 0
                                    

EDGAR turned off the TV after seeing the dramatic scene between a mother and a son. Bumuntong hininga siya saka pinikit ang mga mata.

Sakto namang pumasok si Peter. Agad siyang lumingon dito saka siya tumayo at kinuha ang leather jacket.

Pupunta kasi sila ngayon sa headquarters para sa research nila tungkol sa grupo na bumabangga sa kanila,

"Iniiwasan mo na naman ang mother and son scene." komento ni Peter,

"I'm not" tipid na sagot niya habang nag-aayos, "I just knew that you're coming so I turned it off" palusot niya pa,

Agad naman niyang narinig si Peter na mapaklang natawa kung kaya ay mabilis niyang nilingon ito,

"You can't fool me, stupid. I am your best friend and I know you better than anyone else, alam kong iniiwasan mo ang ganiyang scenes," ani pa nito, nagbaba siya ng tingin sa mga paa saka umiling nalang.

Naglakad siya paalis ng kwarto niya, ayaw niyang makita ni Peter ang pagiging marupok niya sa ganitong mga usapan. 

Habang naglalakad siya sa hallway ay panay ang pag-iisip niya sa sinabi ni Peter.

Peter is right, he has been avoiding topics about his mom. Why? because everytime na pag-uusapan ang tungkol sa mga ina ay nalulungkot siya, he feel so lonely and extremely sad.

That's one of the reason why he doesn't want Samantha to leave him, he only have her. Aside from his brothers, Peter and Bruno, Samantha is the only girl who made him feel complete despite having lot of flaws and imperfections.

Nung gabing naglasing siya sa bar ay iyon din ang iniisip niya, pumasok sa isip niya ang pagseselos sa ibang mga taong may ina. Because that time, he needs an advice, at gusto niya sa ina nila mismo manggaling, gusto niyang tumakbo sa ina nila ni Earl upang manghingi ng tulong, advice, and he's looking for a comfort.

Naisip niya kung ano kayang feeling nang may ina kang matatakbohan tungkol sa bagay na pinoproblema niya? ano kayang pakiramdam ng isang binatang inlove na nanghihingi ng advice sa babaeng nagbigay buhay sa kanila?

Nang makita niya gaano kasaya si Samantha kasama ang mommy nito ay naisip niya na hindi niya hahayaang mawalan ng ina ang mga magiging anak nila, so he will protect Samantha at all cost and he promised to himself that he will never let go of Samantha.

Tahimik lang sila ni Peter habang bumabyahe, pinili nilang mag convoy nalang, nang makalabas naman siya ng hacienda ay saka niya pinaharurot ang sasakyan paalis,

He badly misses his girl, he wants to hug her right now, but he's not done to his work yet. Kailangan niya tiisin ang lahat ng ito nang sa gayon ay makasama niya na si Samantha.

Nang makarating naman sila sa headquarters ay mabilis silang pumasok sa office nila, agad niya namang tinanggap ang folder na binigay sa kaniya ng secretary niya saka sila dumeretso sa conference room.

Umupo siya sa pinakunang upoan saka tumingin sa mga kasama niya, tumayo naman agad si Cynthia saka sinimulan ang report nito.

"The group who attempted to kidnap our master is called, The Hinch, they are composed by thousands of gang members, their members are mostly from the streets. Their boss is Jefferson Salvador, sponsored by his brother, Livian Salvador. We interrogated one of their member and he told me about their goals." panimula ni Cynthia, samantala ay nanatili naman siyang nakatingin sa projector habang nagsasalita si Cynthia,

"One, to get stronger. Kailangan nilang palakasin ang pwersa nila sa pamamagitan ng pananakot sa mga malalaking tao, just like you, Mr. Sevida. Ikaw ang una nilang target, but then, nalaman nila na may relasyon ka kay Miss Cazarza dahilan para gamitin nila si Miss Cazarza bilang pain sa'yo. When they heard about you, Jefferson suddenly bought the gang, kaso hindi nakontento ang grupo kaya binigay lahat ni Jefferson ang ari-arian at maging ang pera para mabili lang ang grupo at pamonoan ito. After that, Livian joined the gang and became their sponsor. Second, to enter the top rank of the gangs in underground businesses. Gusto nilang mag top at katakotan ng mga tao sa underground business, since tayo ang pinakauna sa top rank, pinipilit nilang hilahin tayo pababa. Even the the lower ranks are shocked by what they did, they are just rookie, newbies, and unregistered gang in underground business. Third, and Last, they want to rule the underground world. Yan ang sagot na nakuha namin sa isang gang member nila." paliwanag pa ni Cynthia,

Race for Love (Hacienda Sevida Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon