KABANATA 40

95 3 0
                                    

WEEKS after weeks, the issue has finally vanished. Kagaya nang gusto mangyari ni Edgar, napunta ang atensyon sa paghahanap kung sino ang nagpakalat ng litrato.

Hanggang ngayon ay pinagtataka pa din nila kung sino ang journalist na siyang nagsalita nung gabing iyon. HIndi nila iyon binayaran, hindi iyon ang nasa plano, nakaplano na si Edgar ang magpapaliwanag.

Panay din ang tanong ni Samantha sa kaniya kung binayaran niya ang journalist na iyon ngunit agad din siyang tumanggi. Nag-away pa sila nung una dahil sa ginawa niya ngunit agad din silang nagbati nang makitang nawala ang issue ni Samantha at natabunan pa iyon ng mga tanong kung sino ang nagpakalat ng litrato.

"...and we still couldn't find the one who took the photo." pagdidiin ni Bruno sa huli, naikuyom niya ang kaniyang kamao saka inis na hinampas iyon sa mesa,

"If we can't find that criminal, babalik ang mga tao sa pangb-bash kay Samantha." ani niya  pa, 

"This is a very tricky, sir. Hindi namin alam kung ano ang gagawin. We hired almost all the professional hackers we know, but still, couldn't trace the one who took and posted that photo." paliwanag pa ni Bruno,

Tumingala si Edgar sa kalangitan saka siya bumuntong hininga. Bigla ay inabotan naman siya ni Bruno ng isang kahon ng sigarilyo,

Nagbaba siya ng tingin sa kahon ng sigarilyo, napatitig siya doon at bigla ay naalala niya si Samantha. Marahan siyang umiling saka nilayo ang kahon ng sigarilyo.

"Wow," hindi makapaniwalang bulalas ni Bruno, tumawa ito at umiling-iling.

"You've changed." dagdag na bulalas nito,

Napangiti siya at napatitig sa magandang tanawin ng rooftop ng building niya.

"We're supposed to." tipid na sagot niya habang nakapamulsang tumingin sa paligid.

"You like her that much?"

"I love her." deretsong sabi niya pa,

"kunsabagay, you wouldn't risk your life, reputation, and everything if you don't love her." ani pa nito,

Natahimik silang pareho habang nakatitig sa papalubog na na araw.

"I feel alive again, Bruno. Better than before." nakangiting sabi niya,

"You deserve that." sagot nito.

Nagbaba siya ng tingin sa sapatos niya at saka niya naalala ang pinag-usapan nila kanina.

"Anyways, about that criminal who took and posted the photo..." pagbabalik niya sa usapan,

"...ah yeah, do you have someone who you suspect?" tanong nito,

"I do, but I'm not yet sure. It's 10 percent for me."

"Why?"

"It's kinda impossible. You know, it's like that person can't do such thing." ani niya pa,

"who?" tanong ni Edgar. Tumingin siya kay Bruno saka bumuntong hininga at tumingin muli sa harap.

"Rebecca." sagot niya, natahimik si Bruno ng ilang segundo, halatang nagulat sa sinabi niya.

"What?" hindi makapaniwalang tanong niya,

"Yeah, I haven't heard about her since the issue went viral. I never heard Samantha mentioned her too, and besides, Rebecca graduated as an IT specialist. You know what I mean, Bruno." ani niya pa,

"I...somehow agree," marahan na sabi nito, "but she can't do that. She's Samantha's best friend,"

"True," ani niya saka humarap kay Bruno, "But the biggest enemy you'll face will be your best friend, Bruno. They know everything."

Race for Love (Hacienda Sevida Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon