KABANATA 42

106 6 0
                                    

IKALAWANG ARAW SA KANILANG BAKASYON at ngayon ay nasa dalampasigan silang dalawa, magkahawak ang kamay habang naglalakad, kapwa nakatingin sa papalubog nang araw.

"We both won sa race natin kahapon, and we haven't talked about the prizes yet kasi naging busy. So...wat should we do now?" tanong niya sa nobya na panay ang hawi sa buhok na nililpad ng hangin,

"Hmm, edi gawin both," sagot ni Samantha sa kaniya, nahinto siya sa paglalakad saka napatingin sa nobya na nakasout ng white sun dress saka malaking sombrero at shades,

"you'll cook for me and I'll give you anything? hmm, sounds nice." ani niya saka itinaas ang kamay para halikan ang likod nun,

Napangiti si Samantha sa kaniya saka sila nagpatuloy sa paglalakad sa dalampasigan.

"You're extra gwapo today" biglang komento ni Samantha sa kaniya, napatawa naman siya saka inayos ang shades, malaki ang ngiti niyang humarap sa nobya.

"Wow, pano mo nasabi?" tanong niya sa nobya, na ngumuso saka marahan na tumingin sa harap

"Everyone is staring at you, they are even facing their phones towards you. I'm naiinggit," nakangusong sabi sa kaniya ni Samantha,

Nanatili naman siyang nakatitig sa nobya, itinaas niya ang shades niya saka inabot ang mukha ng nobya para himasin ito.

"And so? why are you envious? I'm your boyfriend, Samantha. They're just my fans." paglilinaw niya sa nobya na agad namang kinilig sa sinabi niya,

"Oo nga pala, you're mine." nakangiting sabi nito, napangiti naman silang dalawa saka muling nagpatuloy sa paglalakad. 

"Are you happy?" kapagkuwan ay tanong niya sa nobya,

"saan?" tanong nito sa kaniya

"Sa atin, sa relasyon natin,"

"gago ba you?" animong naiirita na tugon ni Samantha sa kaniya, natigil silang muli sa paglalakad saka siya inis na hinarap ni Samantha.

"Of course masaya ako, do you think I'm not?" naiinis na tanong nito,

"Love, pumasok lang naman sa isip ko, baka kasi hindi na..."

"what? tangina ba you? how can you say that I'm not happy with you anymore?" naiinis na sabi nito,

"Love," ani niya, sinusubukang pakalmahin ang nobyang parang sasabog na sa galit. "I told you, pumasok lang sa isip ko. I'm sorry if that question bothered you," paghingi niya ng tawa sa huli,

Ngumuso si Samantha kaya naman ay mabilis niyang niyakap ang nobya sa beywang.

"Hindi na mauulit, love. Please, I'm sorry." ani niya habang nakayakap sa beywang ni Samantha.

"Hmp! Don't question me about how much I love you na ha! you know the sagot!" naiinis na sabi nito, tumango naman siya saka agad na hinalikan ang pisngi ni Samantha mula sa gilid.

Natawa silang pareho saka sila naglakad muli sa dalampasigan. May mga matang nakatingin sa kanila ngunit wala silang pakealam, ang ginawa nila ay nag-usap sa mga bagay-bagay na possibleng mangyari sa kanila.

"So...how many kids do you want?" tanong niya sa nobya,

"Hm, I want four. Dalawang boys saka dalawang girls," sagot ni Samantha sa kaniya. "but...kids agad? how about wedding? or place you want to live?" sunod-sunod na tanong nito,

"yeah, wedding," hindi makapaniwalang bulalas niya, sa loob-loob niya ay nagtatatalon ang puso niya sa sobrang tuwa dahil sa naisip ni Samantha ang ikasal sa kaniya,

Race for Love (Hacienda Sevida Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon