KABANATA 68

59 4 0
                                    

SUMAPIT ang gabi at hindi pa din mapakali si Samantha. Malalim na ang gabi at alam niyang tulog na ang lahat at ang iba naman ay pumunta sa baby shower daw sa isang isla.

Panay ang lakad ni Samantha, paroon at parito, hindi siya mapakali. Hindi naman kasi mawala sa isip niya ang nangyari kanina. Tuloyan silang nanatili sa hacienda at sinunod ang utos ni Earth. Simula pa kaninang paggising niya ay nanatili lang siya sa kwartong inukopa niya.

Napalingon si Samantha sa may bintana nang marinig niyang may sasakyan na huminto. Mabilis siyang pumanhik doon saka siya sumilip, nakita naman niya ang kapatid ni Peter na si Bruno na nagmamadaling bumaba sa 4x4 pick-up na siyang kakarating lang. 

Nagmamadali itong pumasok sa portable mansion ng mga Sevida, naging dahilan iyon para mas lalo siyang magtaka. 

Naisip ni Samantha na puntahan ito upang magtanong sana kung nasaan si Peter, maaaring makatulong si Peter sa mga tanong na gusto niyang masagot. Lumabas siya sa kwarto niya saka nilakad ang hallway papunta sa sala, lakad-takbo ang ginawa kung kaya't mabilis sa kaniya ang makarating sa huling hallway na dadaanan bago makapunta sa salas ngunit hindi pa man siya tuloyang nakapunta sa sala ay nakita niya na ang iilang Sevida na nagmamadaling naglakad papunta din doon,

"What happened?" rinig niyang tanong ni Earth Sevida kay Bruno,

Huminto siya sa paglalakad saka nagtago sa madilim na parte ng hallway.

"Erwan is in danger," balita ni Bruno sa mga Sevida,

"what?" sabay-sabay na reaksyon ng mga ito, "what happened?" dagdag na tanong ni Earl.

"May nangyari ba sa baby shower?" tanong pa ni Earth kay Bruno.

"The secret agent told me na nagkagulo daw sa baby shower. Jefferson showed up and asked Alyana if he was the father of the baby and then Alyana immediately said yes after being threatened."

"what the fuck?" agad na bulalas ni Efren.

"Jefferson?"

"He's back?" 

iilan sa mga reaction ng mga Sevida.

"And Veronica is missing." dagdag pa ni Bruno, napasabunot naman si Earth sa mahabang buhok nito.

"Now this," animong naiiinis na sabi pa ni Earth. "Hindi ko na alam kung saan ako magsisimula. Kay Edgar ba na biglang naglaho na parang bula, pag-e-explain kina Samantha tungkol sa katotohanan, finding Veronica, and now this...Erwan's in danger."

Natahimik ang mga Sevida. Maging siya na nakarinig lang ay nalilito din. Kung siya man ang nasa posisyon ni Earth ay malamang maglilito din siya.

"We need to save Erwan first." biglang pagsasalita ni Edward. Natahimik naman ang iilang Sevida.

"He just called me and asked me for back up, this is a serious call. A war between a Salvador and a Sevida." seryosong dagdag pa nito.

"fuck," sabay-sabay na mura nilang lahat.

"Let's move." utos ni Earth.

Mabilis pa sa alas kwatro ang naging kilos ni Samantha. Umalis siya sa pinagtatagoan niya at naglakad-takbo papunta sa kusina kung saan ay naabutan niya ang isang katulong na papatayin na sana ang ilaw doon.

"Oh, hating gabi na hija ah. May kailangan ka ba?" tanong ng katulong na naroon. Napalunok si Samantha.

Batid niyang pamilyar sa kaniya abg mukha ng katulong ngunit hindi niya matandaan ang pangalan nito.

"Ah..." pagsasalita niya, agad naman siyang nag-isip ng maaaring ipalusot sa tanong ng katulong.

"M-manghihingi lang po sana ako ng tubig. A-ah, nauuhaw po kasi ako." agad na sabi nito,

Race for Love (Hacienda Sevida Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon