KABANATA 41

126 4 0
                                    

WHEN THEY reached hacienda Sevida, dumeretso sila sa mansion para magbihis. He left everything behind just to make his girl happy.

He canceled all his meetings and appointments, cleared the schedule for the whole week. That's how he badly wanted Samantha to enjoy instead of thinking about the problem,

"So...today we'll go for a horse riding and tomorrow we'll go to the beach to make ligo?" tanong ni Samantha sa kaniya, tumango naman siya saka tinapos ang pagsusuot ng black t-shirt,

"yep, and after that...we'll go to the track to practice and then we're going to beach again until  the end of the week. We'll go to the track to practice again and after that, I'll take you home." paliwanag niya sa nobya na tinapos din ang pagsusuot ng leggings at crop top na long sleeve.

"why are you wearing that?" tanong niya sa nobya na tiningnan lang siya mula sa repleksyon sa salamin,

"kasi we're going on a horse riding? alangan naman suotin ko 'to sa sunday service babe?" pamimilosopo nito, napairap naman agad siya saka humarap sa nobya,

"bumabakat" simpleng sagot niya, umirap din si Samantha saka humarap sa kaniya,

"I'll cover it with a jacket naman eh," sagot nito, napatitig siya sa nobya niya saka siya tumango.

"Fine." ani niya, "wait for me outside the portable house, ire-ready ko lang ang sasakyan" ani niya pa kay Samantha na tumango lang at nag thumbs up p sa kaniya kasabay ang malawak na ngiti.

Napangiti siya saka tuloyang umalis sa kwarto niya, naglakad siya hanggang sa makalabas siya sa portable house nila. Habang naglalakad siya ay panay ang sipol niya sa habang pinapaikot-ikot ang susi ng sasakyan sa daliri niya, nasa bulsa naman ang isa niyang kamay.

Napahinto siya sa paglalakad nang makita ang kaniyang kuya na masamang nakatingin sa malayo. Sinundan niya ang tingin nito saka siya nag pigil ng tawa nang makitang masama ang tingin nito kay engineer Joseph at kay architect Caroline may hawak na blue print at nag-uusap pa.

Napailing-iling siya saka natawa dahil sa inasta ng kuya niya, mukhang narinig naman nito ang paghagikhik niya dahil lumingon ito sa gawi niya at tumikhim.

"naks, lintik na pagmamahal yan" natatawang bulalas niya sa kapatid na pinagkunotan sya ng noo,

"What are you talking about?" patay malisyang tanong nito,

"nakakamatay talaga selos kuya no?" nanunuksong tanong niya sa kuya niyang tumikhim at umiling,

"Yeah? you're feeling jealous to engineer Joseph? you might have feelings for architect Caroline..." ani pa nito, agad naman siyang natawa sa sinabi ng kaniyang kuya,

"maang-maangan ka pa tang ina ka, alam ko naman na may gusto ka kay architect Caroline. Sessh," ani niya pa,

"Tsh, kung ano-ano pinagsasasabi mo, umails ka na nga dito kumag ka, naiinis ako sa pagmumukha mo" animong naiinis na sabi nito sa kaniya,

"psh, as if. Para ka ngang mabaliw nung di ako umuwi nang isang buwan noon eh," pagpapalala niya dito,

"that's because nasa gang ka pa noon, of course matatakot ako...ngayong wala na, kampante na ako at alam ko na magiging ligtas ka na. Wala ka na sa gang eh" ani pa nito,

Bigla ay naging hilaw ang ngiti ni Edgar sa kaniyang kuya, nakaramdam siya nang matinding konsensya sa sinabi ng kaniyang kuya.

Nagbaba siya ng tingin saka siya tumikhim. "of course," tanging tugon niya sa kaniyang kapatid,

Tumikhim siya saka nagpaalam na sa kapatid, "I'll go ahead. I still have to take Samantha on the rancho," paalam niya,

Tumango naman ang kuya niya saka muling tumingin kina architect Caroline at engineer Joseph.

Race for Love (Hacienda Sevida Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon