KABANATA 30

100 4 3
                                    

NANG makarating sila sa main hall ng venue ay ramdam na ramdam niya ang mga mata na nakatingin sa kaniya. Ngunit pasekreto siyang napangiti nang makita si Samantha na halatang nagulat sa presensya niya,

Nginitian niya ang ibang teacher na naroon, ginawa niya iyon nang sa gayon ay hindi magtaka ang mga naroon kung bakit malaki ang ngiti niya kay Samantha na marahan at bahagya ding napangiti si Samantha nang pasekreto siyang kumindat dito,

Nakita niyang may dalawang magkahiwalay na mahabang mesa, sigurado siyang ang isa doon ay para sa kanila at ang isa naman ay para sa mga teachers.

"Let us welcome our school investors and stockholders for today! Welcome sir and ma'am. The teachers have prepared breakfast for you, you may sit on the right side and the teachers will sit on the other side. We should start our day with breakfast and the next thing we'll do is the general meeting. Feel at home and enjoy your breakfast" nakangiting bati ng principal sa kanila, pumalakpak naman ang karamihan habang bumababa ang principal sa entablado, lumapit iti sa kanila saka isa-isa silang nilapitan para makipag-kamay,

Tinuro ng principal ang mesa sa kanang bahagi, tumango lang silang mga investors at stockholders saka isa-isang umupo doon, muli siyang sumiplat ng tingin kay Samantha na halatang tintutukso ng isa pang guro, nang titigan naman niya iyon ay saka nangunot ang noo niya,

Ang ngiti na iyon ay pamilyar sa kaniya, ang kaniyang tangkad...ang kaniyang katawan, pamilyar lahat ng iyon sa kaniya ngunit hindi siya sigurado kung saan niya ito nakita gayong hindi pa naman niya kilala ang babaeng nanunukso kay Samantha,

Iniwas niya ang tingin sa babae, meron sa loob-loob niya na gustong alamin ang boung pagkatao nito, parang merong nagtutulak sa kaniya na kilalanin ito,

Nagsimula ng mag prayer ang lahat. Nakinig siya at nanatiling tahimik, pagsakto namang nagsabi ng Amen ay may biglang pumasok sa hall, dahilan para mapalingon sila sa entrance ng hall na iyon, nangunot naman ang noo niya nang makitang si Timothy iyon,

"I'm sorry, am I late?" tanong ni Timothy sa lahat, nagsimula namang magbago ang mood niya dahil sa presensya nito, kapagkuwan ay nagtaka siya kung bakit ito narito,

"I'm sorry...who are you??" tanong ng principal kay Timothy na halatang napahiya sa tanong ng principal,

Seryoso lang siyang nanood at nakinig sa usapan, nakay Timothy lang ang paningin niya at hinintay ang sagot nito,

"I'm Timothy, I'm here as a representative of the Cazarza Enterprises," pakilala nito, nangunot agad ang noo niya saka siya marahan na tumingin kay Samantha na halatang nagulat din, nilingon din siya ni Samantha at mababasa ang takot sa mga mata nito, animong may gusto itong sabihin,

"Oh okay, you may sit together with other investors and stockholders," nakangiting sabi ng principal kay Timothy, lalo naman nangunot ang noo niya, napaisip siya; paanong naging representative siya ng Cazarza Enterprises? Sa pagkakaalam niya ay isang piloto si Timothy, anong kinalaman ni Timothy sa mga Cazarza? 

Ngumiti si Timothy sa principal saka ito bumaling ng tingin sa kaniya sabay isnid, inismidan niya din ito saka siya bumaling ng tingin kay Samantha na bigla nalang tumayo at tumalikod. Nangunot ang noo niya dahil doon, hindi pa man nakakaupo si Timothy ay agad siyang tumayo, dahilan para magulat ang dalawang katabi niya,

"you're going somewhere, Mr. Sevida?" tanong ni Mr.Lee sa kaniya, inayos niya ang coat na suot saka tumikhim,

"restroom," tanging sagot niya, tumango ang dalawa niyang kasama, marahan din siyang tumango saka umalis sa mesa,

ramdam niyang may mga mata na nakatingin sa kaniya at tila ay sinusundan siya kung saan siya pupunta, hindi niya inalintana ang tingin ng mga tao, deretso lang ang tingin niya sa daan na dinaan ni Samantha at kay Samantha na nakita niyang lumiko sa isang building,

Race for Love (Hacienda Sevida Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon