KABANATA 57

88 8 4
                                    

"...she's innocent," dagdag na sabi ni Samantha sa kaniya. Nangunot naman ang noo niya sa pagtataka kung ano'ng sinasabi ng nobya.

"What do you mean?" tanong niya dito.

"I heard that you were investigating about that matter...about sa photo na kumakalat. Peter told me that teacher Anne and Rebecca  are one of the suspects...so I told him to give me and I'll investigate it myself, and then I found out that teacher Anne is innocent..." paliwanag nito, bahagya naman siyang napamaang dahil sa gulat.

"W-wait, what?" hindi makapaniwalang tanong niya kay Samantha,

"I know, I'm sorry kung nakialam ako. But O can't help it, my friends are being suspected for something they didn't do..." paliwanag ni Samantha,

"So does that mean that...Rebecca posted it?" tanong niya kay Samantha na tumango lang sa kaniya,

"but...how did you know that it was her?" dagdag na tanong niya. Huminga ng malalim si Samantha saka tumingin sa kaniya ng seryoso.

"When I was in the island. I told the trainor you sent me to train me on how to deceive people...instead of physical activities...and gun training..." pahina nang pahina ang boses nito habang sinasabi iyon,

Hindi naman siya makapaniwala dito, "Samantha..." natigil siya saka pumikit saglit, animong kinakalma ang sarili,

"Samantha...why didn't you tell me about this? why...bakit walang nagsabi sa akin about dito?" pigil inis niyang tanong kay Samantha na agad namang nag puppy eyes sa kaniya, lumapit ito saka hinawakan ang kamay,

"because I told them to keep quiet about it..." animong bata na sagot nito, lalo namang nangunot ang noo niya sa sinagot ni Samantha,

"Sam—why do you think I sent you to that island?" tanong niya kay Samantha,

Nagpipigil pa din siya ng inis, ayaw niyang mag-away sila at masigawan niya ito o makagalitan man lang, kaya panay ang pigil niya sa sarili niya para pakalmahin ang sarili at hindi masigawan si Samantha.

"To be safe...and to be monitored...kasi I'm in danger," sagot nito,

"Exactly, and you're still doing something  behind my back...lahat kayo walang sinabi sa akin...did you know that what you're doing is dangerous, Sam? Kilala tayo ng kalaban natin and they would even do anything to you, kaya nga di ko sinabi sa'yo because I know makikisali ka, it's very dangerous..." mahabang paliwanag niya kay Samantha, hindi niya na mapigilan ang inis.

Lalo lamang dumagdag sa kaba niya ang buhay ni Samantha. Paano kung may nangyaring hindi maganda kay Samantha? He would surely blame himself,

"Sorry na, I just want to help you...madami ka na kasi ginagawa... I'm sorry," pagmamakaawa nito sabay yakap sa kaniya, bumuntong hininga siya saka tumingala.

Napahawak siya sa noo niya saka marahan itong minasahe. He is being soft hearted to Samantha again, kahit na inis na inis na siya ay hindi niya magawang magalit dito, isa sorry lang nito ay nanlalambot na siya. But still, he won't tolerate what she did, she isn't the type of person who can fight when things get really dangerous, that's the reason why he needs to get rid of any dangerous matters to his life so that he can protect her.

Bumuntong hininga siya saka hinaplos ng marahan ang buhok ni Samantha, animong nagpapatahan ng bata.

"Fine, fine. But give me an acceptable reason why you chose to be taught on how to deceive people instead of self defense and gun training, that would help you in any case—"

"because I thought I was pregnant..." pagputol nito sa iba pa niyang sasabihin.

Agad naman siyang natigilan sa sinabi ni Samantha sa kaniya, mabilis niyang kinalas si Samantha sa pagkakayakap saka tiningnan ito.

Race for Love (Hacienda Sevida Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon