KABANATA 27

94 6 3
                                    

KINABUKASAN ay nanatili si Edgar sa kwarto niya upang maiwasan ang mga kapatid, iniiwasan niya na mapansin ng mga ito ang kaniyang panghihina dahil sa malaking sugat dulot ng saksak.

Nakaupo lang siya sa kama niya habang nakatingin sa labas, ang tanging iniisip niya ang ang nangyari kahapon, talagang nasaktohan pang makita sila ng daddy ni Samantha. 

Napabuntong hininga siya nang mapagtanto na talagang mapapahamak si Samantha dahil sa nangyari kahapon, alam niyang mali ang bagay na iyon, lalo na't hindi pa alam ng ama ni Samantha na nanliligaw siya sa anak nito.

Muli siyang bumuntong hininga saka siya napabaling sa pintoan nang bigla itong bumukas, nagulat naman siya nang makitang pumasok si Earl sa kwarto dala-dala ang emergency kit nila sa bahay, 

"What's that?" takhang tanong ni Edgar sa kapatid na huminto sa paglalakad papalapit sa kaniya saka siya inis na tiningnan, sa tingin palang nito ay alam niya ng mamimilosopo ang kapatid, 

"pagkain mo, obvious ba?" naiinis na tanong nito sa kaniya saka napailing-iling nalang, bumuntong hininga siya saka sinundan ng tingin ang kapatid, 

"you need to go somewhere...magsisimula na tayong ilipat ang gamit sa portable house na binili ni architect Caroline sa atin, kapag nandito ka pa sa mansion, tiyak na ikaw ang uutosan ni kuya na ilipat ang mga gamit mo. Hindi mo magagawang ilipat ang mga gamit mo dahil may sugat ka pa sa likod." paliwanag nito habang inaayos ang mga gamit at nilalagyan ng alcohol ang betadine na siyang nilagay din nito sa isang cotton ball, 

Napatititg siya sa kapatid niya, bahagya siyang napangiti at hindi na umimik. He smiled 'cause Earl is helping him to hide a secret, isang sekreto na kailanman ay ayaw niyang mabunyag, 

"Talikod ka," utos nito sa kaniya, marahan niyang tinango ang kaniyang ulo saka siya marahan na tumalikod sa kapatid. Tinaas ni Earl ang damit niya at hindi na siya nagulat nang makita nito ang tattoo sa likod niya, 

"tsh, feeling badboy," komento pa nito bago marahan na tinanggal ang bandage sa katawan niya, 

"ano ba siya sa'yo?" biglang tanong nito habang tinatanggal ang bandage, nagulat siya sa tanong na iyon. Ni minsan ay hindi niya narinig si Earl na magtanong tungkol sa babae sa buhay niya, ni hindi ito nagtanong nang maging sila ni Rebecca, 

"I like her," deretsong sabi niya, narinig naman niyang umismid si Earl at mapakla pa itong natawa, dahilan para magtaka siya, 

"what's funny?" medyo naiinis na tanong niya kay Earl, 

"don't lie to me , you idiot," natataw pa ding sabi nito saka tinapos ang pagtanggal ng bandage sa katawan niya, 

"I didn't lie! Inamin ko nga na gusto ko siya hindi ba?" naiinis na sabi niya pa, "I'm not like kuya Earth na super in denial sa feelings niya kay architect Caroline, minsan sarap kaltokan eh," depensa niya pa, natawa naman si Earl saka agad na tumugon,

"that's not what I meant," ani pa nito, nangunot lang ang kaniyang noo habang hinihintay si Earl na dumagdag sa sinabi nito, "You wouldn't risk yourself to someone you just like," dagdag na sabi pa nito, natahimik siya at napaisip, 

"you love her, don't you?" panunuksong tanong nito sa kaniya, hindi siya umimik at hinayaan nalang ang kapatid,

Narinig niya ang iilang kaluskos mula sa kaniyang likoran, alam niyang magsisimula na si Earl sa paglilinis ng kaniyang sugat. 

"Ano'ng nangyari? parang noong isang buwan lang halos mapatay mo na siya sa galit mo, ngayon naman halos magpakamatay ka na dahil sa kaniya. Hindi mo talaga malalaman ang panahon ano?" nanunuksong tanong ni Earl sa kaniya sabay diin sa cotton na may alcohol at betadine, napaigik naman siya dahil sa sakit, 

Race for Love (Hacienda Sevida Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon