EPILOGUE

129 5 1
                                    

"...in the name of the father, and of the son, and the holy spirit...Amen." 

Malakas na hagulgol at iyak ang maririnig sa memorial na ito, ang mg Sevida ay hindi mapigilan ang maluha lalo na nang maibaba ang kabaong. Samantha kept on pushing her sunglasses up and behind her big and black sunglasses is her swollen eyes that was in pain because of crying for hours. 

Nakaupo siya sa wheelchair habang nakatingin lang sa mga taong naglalagay ng bulaklak sa pababa ng kabaong. 

She kept on wiping her tears as if hindi na mapuputol iyon. Sobrang nasasaktan siya sa mga nangyayari ngayon.

"Sam, that's enough. Hindi maganda sa'yo at sa bata ang pagiging stress. Don't let his sacrifices come to waste." mahinahong sabi ni Rebecca sa kaniya, she wiped her tears again and didn't say any single word.

Nakaalis na ang mga bisita, tanging mga Sevida at ang mga asawa nalang ang naroon. Tahimik lang silang nakatitig sa puntod na naroon, walang nagsalita at walang kahit na sino sa kanila ang gumalaw. Halatang hanggang ngayon ay hindi pa din nila tanggap ang nangyari.

"Sam..." tawag sa kaniya ni Rebecca. "Your family wants to talk to you," balita nito. "They're here." 

Tumango naman siya saka pinahid ang basang pisngi. Si Rebecca ang naggalaw at nagtulak sa kaniya sa wheelchair. Sa di kalayuan ay nakita niya ang mom niya na nakatayo sa harap ng isang puting sasakyan, katabi nito sa Nilda.

Nang maihatid siya ni Rebecca ay saka ito nagpaalam sa kaniya at iniwan sila doon. 

"I'm sorry for your loss, anak." agad na bungad sa kaniya ng mommy niya, nagbaba siya ng tingin saka pinahid ang mga luha. "And I'm sorry If I wasn't there when you needed me the most...kailangan ko sundoin ang daddy mo," 

She was stunned, she lifted her head up and as her mother stopped talking, her father stepped out from the car...with a sad face.

"Mom..." mahinang tawag niya sa mommy niya, nakaramdam siya bigla ng takot nang makita ang ama niya.

"I think we need to go somewhere more appropriate, iyong makakapag-usap tayo ng maayos." ani pa ng mommy niya na agad naman niyang pinalagan.

"I'm not gonna leave this place." agad na sabi niya, natigilan naman agad ang parents niya.

"I'm not gonna kidnap you...anak. I just...want to talk to you, trust me." animong nakikiusap na sabi ng ama niya sa kaniya.

"How am I supposed to trust someone na pinasundan ako before?" naiiinis na tanong niya sa ama niya, her father looked down. Disappointed and sad.

"I'm sorry to meddle in your family affairs..." singit ni Earl bigla, napaiwas naman agad siya ng tingin sa ama niya, "but is there anything I can help with? may problema po ba?" sunod-sunod na tanong ni Earl sa mga magulang niya.

"There's nothing hijo...we just want our daughter to come with us...so we could talk...properly." mahinahong sagot ng mommy niya.

"this is about our family,"

"Samantha's a family to us..." agad na sagot din ni Earl sa ama niya, bigla ay nakaramdam siya ng kaunting tuwa sa puso.

"I'll come with you...so...Samantha will feel she's safe." ani pa ni Earl dahilan para magulat silang lahat. 

"She's safe with us, wala naman siyang dapat ikatakot." palag pa ng daddy niya.

"I know, sir. But you have to understand Samantha's situation." sagot ni Earl sa kaniya, natahimik naman silang lahat.

"I promised my brother that I would take care of them while he's gone." huling sabi pa ni Earl bago i-unlock ang kaniyang wheel chair. 

"I'll take her with me and you'll lead the way, we'll follow." ani pa ni Earl sa kaniya.

Race for Love (Hacienda Sevida Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon