KABANATA 24

94 6 0
                                    

DUMATING ang araw na lunes at balik trabaho si Edgar. Kausap niya si Lin na siyang um-attend sa meeting nila,

"so you mean na kailangan talaga college graduate ang magiging flight attendant ng airlines?" tanong niya kay Lin na dismayado ding tumango,

"Yes, sir. Iyon kasi ang napag-usapan ng board, hindi din kasi ako makapalag, Sir. Alam mo naman sila," paliwanag ni Lin,

Napalunok si Edgar saka napasandal sa swivel chair. Napatingin siya sa document saka napabuntong hininga,

"who proposed this?" tanong niya kay Lin.

"Si Mr.Lee po, Sir." sagot ni Lin, napabuntong hininga siyang muli saka napahawak sa noo at marahan na hinilot ito,

Alam niyang hindi siya makapalag lalo na't majority sa board ay pumayag. Kahit na CEO siya ay hindi niya basta-basta na maibabago iyon,

"How many votes for yes?" tanong niya,

"Majority po ng board ay yes ang sagot," tanging sagot ni Lin. Tumango naman ulit si Edgar saka tinabi ang document, lalo lang siyang mai-istress kapag inisip niya iyon lalo na't alam niyang mahirap kalabanin ang board members,

"Thank you for the information, Lin. You may go now, ipatatawag nalang kita kapag may kailangan ako," ani niya kay Lin na tumango at tahimik na umalis sa opisina niya,

Bumuntong hininga siya saka napatingin sa cellphone niyang biglang umilaw nang makatanggap ng mensahe, agad siyang napatingin kung sino ang nagpadala ng mensahe,

Umayos siya ng upo nang makitang may mensahe na galing sa kapatid niyang si Efren,

Fr: Efren_Tukmol

Call ako. 📞☎️🧑🧑🧑🧑😄😄✌️✌️✌️.

Agad naman nangunot ang noo niya nang makita ang emojis na ginamit ng kapatid. Hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataon na replyan ang kapatid dahil tumawag nga ito sa kaniya,

Sinagot niya ito saka tinapat sa tenga,

"What do you want?" tanong niya kay Efren.

"I just wanna ask kung kailan ang uwi mo sa hacienda, have you forgotten that papá said bring work home?" paalala nito sa kaniya,

"of course gusto ko din naman sa hacienda nalang trabahoin ang lahat. May meetings lang ako okay? don't worry, tomorrow, nandyan na ako, ngayon kasi ang huling meeting. Mamayang alas tres naman may general meeting pa ako," ani niya pa kay Efren,

"alright, buy me a new car," ani pa nito, nangunot naman agad ang noo niya,

"what?" takhang tanong niya kay Efren,

"yes, heheh"

"ba't naman kita bibilhan ng sasakyan? ano ka gold?" tanong niya sa kapatid,

"wala lang, pasalubong mo, ganon," sagot pa nito, napahawak naman siya sa noo niya saka napailing-iling nalang,

"Efren...it's not a five peso product, you spoiled brat." agad na bugaw niya kay Efren,

"but you bought a new rest house for the lady you've been courting!" agad na sabi nito, natigilan naman siya at natahimik,

"You can't buy car for me but you can buy rest house for that woman?" animong nagmumokmok na sabi nito, napabuntong hininga siya saka inis na tumugon,

"Fine. What brand?" tanong niya kay Efren na narinig niyang agad na humagikhik,

"Actually, nakapili na ako, send ko nalang sa'yo ang link," ani nito saka pinatay ang tawag nang hindi nagpapaalam,

Race for Love (Hacienda Sevida Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon