KABANATA 21

104 7 0
                                    

TOTOO ngang inuwi siya ni Samantha sa rest house na binila niya at pinangalan niya kay Samantha. Nang makarating sila sa rest house ay agad siyang pinagpahinga ni Samantha sa kwarto saka ito umalis sa kwarto para mag luto,

Masakit at mabigat ang ulo niya, panay din ang pagsinghot niya. Napahawak naman siya sa ulo niya saka inabot ang cellphone,

Tinawagan niya si Lin, gusto niyang kamustahin ang naging meeting ng board nila,

Hindi niya pinakansela ang meeting ngunit pina-attend niya as CEO si Lin para makuha nito ang kung ano man ang maging resulta sa meeting, hindi nito sinasagot ang tawag niya kung kaya't alam niya nang nasa meeting pa ito,

"Halika na, get up and eat this soup. I cooked bulalo for our pananghalian," rinig niyang sabi ni Samantha,

Sinundan niya ito ng tingin, nilagay nito ang tray sa side table saka siya tinulongan nitong bumangon,

"can you hubad your coat? mainit ka nga nagpapainit ka pa," istriktong sabi nito sa kaniya, napabuntong hininga siya saka marahan na bumangon sa kama,

Tinulongan siya ni Samantha sa pag-bangon, matapos non ay kinuha nito ang tray at marahan na nilapag sa tabi niya,

Habang hinuhubad niya ang coat niya ay napatitig siya kay Samantha na siyang busy sa pag-aasikaso sa kakainin niya,

Nilapag niya ang coat sa kama saka binuksan ang unang butones ng kaniyang polo, si Samantha naman ay kinuha ang isang upoan na naroon saka paharap na umupo sa kaniya,

Kinuha nito ang soup saka nagsandok, hinipan ni Samantha ang soup na nasa kutsara bago ito itapat sa bibig niya,

"I can eat," agad na palag niya sa ginawa ni Samantha, pinandilatan naman agad siya ni Samantha,

"can you please stay tahimik and eat this sabaw?" naiinis na tanong ni Samantha sa kaniya, natameme siya, gusto niyang matawa ngunit hindi niya magawa dahil sa sobrang bigat ng pakiramdam,

"come on, eat this, so may energy ka. You have to work...and by tomorrow we'll have practice," paalala nito, bumuntong hininga siya at saka napiliting ngumanganga para isubo ang kutsara at kainin ang sopas don,

Bahagyang ngumiti si Samantha saka muling nagsandok, bahagya siyang tumikhim at nagsalita, "I am okay," pagmamatigas niya pa,

Natigil si Samantha sa pagsandok ng sopas saka inis siyang tiningnan, padabog nitong nilapag ang kutsara sa bowl saka inis siyang tiningnan,

"why are you so matigas ang ulo?" inis na sabi nito sa kaniya, ang mga kamay nito ay nasa beywang, hindi siya nagsasalita sa halip ay tinitigan niya si Samantha,

"why do you care?" biglang tanong niya kay Samantha na natigilan,

"what...what kind of tanong is that?!" inis na tanong sa kaniya ni Samantha, bumuntong hininga siya saka napahilot sa bridge ng ilong,

"I just wanna ask," sabi niya pa, nagmulat siya ng mata saka napatitig kay Samantha na nagkasalubong ang kilay habang nakapameywang na humarap sa kaniya,

"you...you're concerned...why?" marahan na tanong niya,

"alangan naman hindi? I feel guilty kaya!" sagot nito, natigilan naman si Edgar saka marahan na napatango,

"ah," tanging tugon niya saka marahan na tumango, "I can take care of myself, I will eat and drink my meds. You can go home, thanks" ani niya sa mababang tinig,

"what? why would I iwan you?" sunod-sunod na tanong nito sa kaniya, magkakruss ang mga braso nito saka umupo mili sa upoan na nasa harap niya,

"you're sick because of me, I should—"

Race for Love (Hacienda Sevida Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon