KABANATA 44

103 7 0
                                    

"DID you found her?" tanong niya kay Bruno habang hawak ang tagiliran at umiika-ikang naglakad paalis sa lugar na iyon. Kausap niya si Bruno mula sa kabilang linya.

"Yes sir, papunta ang sasakyan sa sea port, may nakikita akong yate sa di kalayoan sa sea port. Tingin ko ay doon dadalhin si ma'am Samantha dahil napapaligiran ng mga kalalakihan ang yate," paliwanag ni Bruno sa kaniya,

Lumunok siya saka napapikit, talagang iniinda niya ang sakit dulot ng away kanina. Tunay ngang napatumba niya ang lahat ngunit para naman siyang mamamatay sa dami ng pasa at sugat niya sa kung saan-saan.

"Alright, k-keep following them,  Update me from t-time to time-"

"sir...let me save her, hearing your voice makes me think that you're unwell."

"No," agad na palag niya, umiling siya saka huminto pansamantala sa paglalakad, habang nakikipag-usap siya kay Bruno ay panay din ang palibot ng kaniyang mga mata, umaasa na may makikitang yate sa malapit.

"I must save her...I should save my girl,"

"but sir-"

"no buts, Bruno...just do what I told you to do," nanghihinang sabi niya sabay patay sa tawag, agad naman siyang napaigik nang makaramdam ng matinding kirot sa tagiliran,

Huminga siya ng malalim kasabay ng paglunok niya sa kaniyang sariling laway. Nag angat siyang tingin at doon ay nabuhayan siya ng loob nang makitang may isang jetski na kakadaong lang,

Pinilit niya ang sarili niyang maglakad, kahit na masakit na ang boung katawan niya ay kinukumbinsi niya ang sarili niya na makakaya niyang lakarin iyon.

Pinikit ni Edgar ang kaniyang mga mata saka siya huminga ng malalim, bigla ay naita niya ang mukha ni Samantha na umiiyak at nanghihingi ng tulong mula sa kaniya. Dahil sa naisip ay bigla niyang naibuka ang kaniyang mga mata at dali-dali na siyang naglakad papunta roon,

Dahil sa sobrang panghihina ay muntikan pang natumba si Edgar, mabuti nalang at may nakasalo sa kaniya. Napapikit siya sa sobrang sakit ng katawan niya, ngunit muli ay pinilit niya ang sarili para lingonin kung sino ang tumulong sa kaniya,

"psh, stupid brat." bulalas nito, agad naman siyang nabunotan ng tinik nang makitang si Peter ito,

"let's go," ani nito,

Bagama't nagtataka siya kung bakit narito ang kaibigan ay hindi niya na naagawa pang tanongin ang tungkol sa bagay na iyon. Nagmamadali siya at sobrang sakit na ng katawan niya, kailangan niya pang iligtas si Samantha...

Tinulongan siya ni Peter na maglakad hanggang sa makarating sila sa port, bago pa man sila sumakay ay hinarap siya ni Peter.

"Are you sure you want to save your girlfriend in that condition?" tanong sa kaniya ni Peter, hindi siya nag dalawang isip na tumango.

"but how can you save her? naitumba mo nga ang mga lalaking iyon pero mukhang ikaw naman ang matutumba ngayon. We can save her, leave it to us." Ani pa ni Peter sa kaniya, umiling siya saka tinuro ang sarili,

"they want me...not my girl...t-they're just using her...to get me..." paliwanag niya,

"that's exactly the point, you can't just go there and give yourself, stupid. Besides, we don't have any choice!"

"There's...always a choice..." hinihingal na sabi niya, nakita naman niyang nanlaki ang mga mata ni Peter,

"no" agad na palag nito nang maintindihan ang ibig niyang sabihin,

"B-besides...hindi sila titigil kung hindi nila ako kukuha..."

"so magpapakuha ka nga? bobo ka ba?!" nagagalit na tanong sa kaniya ni Peter,

Race for Love (Hacienda Sevida Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon