KABANATA 10

116 10 0
                                    

NASA kalagitnaan pa lang siya sa pagre-review at pagpipirma ng mga documents ay agad na siyang tumigil.

Okupado ang kaniyang utak at hindi wala-wala ang kaniyang isip sa ideya na sumali nalang sa race na sinasabi ni Marlo.

Bago niya kasi dapat pagdesisyonan ang bagay na iyon ay kailangan niya munang sigurohin kung handa nga ba siya para sa karerang iyon,

Nilapag niya ang kaniyang ballpen sa mesa saka ininat-inat ang mga kamay at braso. Bumuntong hininga siya saka tinawag niya din si Lin na agad nakarating sa opisina niya,

"yes sir?" tanong nito nang makarating ito sa opisina,

"send me a copy of my schedule for tomorrow and the next week" utos niya dito, tumango naman ito saka umalis din agad sa opisina,

Hindi nagtagal ay nakatanggap siya ng email mula kay Lin. Binuksan niya agad iyon saka ni-review. Hindi pa man siya tuloyang nakabasa sa schedule niya ay nakarinig siya nang magkakasunod na katok mula sa pinto,

"come in" utos niya habang ang paningin ay nasa tab.

"good morning" bati ni Marlo nang makapasok ito sa opisina niya, agad naman siyang nag-angat ng tingin upang kompirmahin kung si Marlo nga ba ito,

Ngumiti si Marlo sa kaniya saka komportableng naupo sa sofa. Bumuga siya ng marahas na hangin saka nilapag ang tab at tiningnan si Marlo,

"why are you here?" tanong niya kahit na alam na naman niya kung ano'ng sadya nito sa kaniya,

"to convince you" deretsong sagot nito, napataas naman ang dalawang kilay niya saka niya inatras ang swivel chair at umalis doon,

"What's with this race? bakit kailangan namin sumali dito?" tanong niya kay Marlo na umayos ng upo saka siya pinag-angatan ng tingin,

"well, this maybe a key for us to be a professional crew chief. Me and Rebecca" sagot nito, bahagya naman siyang napatawa saka siya naupo sa sofa,

"so, you're using us...for your own good"

"of course may benefits din kayo, both of you are gonna be named the best dou racer of the history, the rumors and fake news will be gone and all of unnecessary hates will turn into love kapag binalita na kayong dalawa ang magkasama para sa race na ito, imagine, magkalaban kayo dati tapos ngayon magkasama kayo sa isang race?" mahabang paliwanag nito, ginalaw ni Edgar ang ulo niya, sinusuri kung nagsasabi ba ng totoo si Marlo,

"then bakit hindi kayo ni Rebecca ang maging racer sa competition na iyon?" tanong niya kay Marlo na seryoso siyang tiningnan.

"because coaches don't play, Edgar" sagot nito dahilan para matahimik siya.

Napaismid siya saka napasandal sa sandalan ng sofa at tumingin kay Marlo. Hindi siya nagsalita dahilan para tumawa si Marlo dahil sa tuwa,

"that's a freaking yes!" natutuwang bulalas nito, napaismid naman siya saka tumayo,

"don't assume just yet, dumbass. I still have to convince someone" sabi niya habang naglalakad papunta sa office table niya saka kinuha ang folder na binigay sa kaniya ni Bruno,

"Alright, dickhead. I'll wait for your call" anito saka agad na tumayo at umalis sa opisina niya,

Umupo siyang muli sa swivel chair niya saka agad na binuksan ang folder na iyon. Tumambad naman sa kaniya ang mga impormasyon doon ni Samantha.

Binasa niya ang mga iyon hanggang sa nakita niya kung saan ito nagtatrabaho, tumango-tango siya saka agad na pinindot ang telepono doon na nakakonekta kay Lin,

Race for Love (Hacienda Sevida Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon