KABANATA 32

99 5 3
                                    

WARNING: MATURED CONTENTS AHEAD. READ AT YOUR OWN RISKS. YOU HAVE BEEN WARNED.

"THIS is a celebration for the success of my courtship to the woman I love the most, ladies and gentlemen, I now announce us as girlfriend and boyfriend," anunsyo ni Edgar sa mga bisita na naroon, agad naman niyang pinulupot kay Samantha ang kamay niya saka ito nginitian,

Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga naroon. Sino ang naroon?

Walang iba kundi ang mga kasama niya sa gang, sinadya niyang magpahanda para sa pagsagot ni Samantha sa kaniya upang magkaroon sila ng pagkakataon na makapag-usap tungkol sa mga bagay-bagay na dapat ay matagal na nilang pinag-usapan,

Narito din si Peter na panay ang check sa relo at cellphone habang si Samantha naman ay kausap si teacher Anne sa isang sulok. Habang hawak ang isang glass ng wine ay naglakad siya papalapit kay Peter na siyang biglang bumuntong hininga kasabay ng pag-irap sa kawalan,

"Wag ka na mamroblema diyan, pumapangit ka lalo" panunukso niya kay Peter na agad naman siyang pinakyuhan,

"fuck you and your brother," mura nito, natawa naman agadsiya nang makuha niya na naiinis ito dahil sa kapatid niya,

"Why? inaano ka na naman ba ni Erwan?" tanong niya kay Peter na agad naman nilagok ang wine na iniinom,

"may hinahanap na babae sa Sweden, naka one night stand niya daw tas nagustohan niya siguro kaya ayon nabaliw," sagot nito habang nagsasalin ulit ng wine,

"sa dinami-dami ng naging babae ni Erwan...sa babaeng yun lang siya nabaliw?" natatawang tanong niya kay Peter na siyang umiling-iling lang,

"kaya ko nga siya minumura eh kasi nakakatang-ina, hindi ko matanggihan," ani nito, natawa naman agad siya,

"you love my brother"

"but not romantically"

"of course, you idiot,"

At natahimik silang dalawa at kapwa sila nakatingin sa nobya niyang si Samantha,

"I never really thought that you might fall in love again, akala ko namanhid na ang buong puso mo simula nung maghiwalay kayo ni Rebecca eh," ani pa ni Peter, napaismid naman agad siya,

"And I never thought that I'll feel in love with her," nakangiting tugon niya sa sinabi ni Peter,

"kailan kaya ako magkakaganiyan? tang ina kasi kapatid mo eh, baka hindi na ako magka love life," mura nito, natawa naman agad siya,

"marami naman  sa hacienda," bulalas niya, "at marami namang kilala ang kapatid ko na babae, so why not date them?" tanong niya dito,

"I don't want them, I want a simple girl, yung walang ibang pangarap kundi ang mahalin ako," sagot nito, napalingon naman agad siya sa kaibigan, nakakunot ang noo niya at saka pa siya natawa,

"ang corny mo,"  natatawang bulalas niya kay Peter na agad naman siyang sinamaan ng tingin, akmang magsasalita naman siya nang bigla siyang makaramdam ng kamay na humawak sa braso niya,

Nagbaba siya ng tingin at nakita niya si Samantha na nakapulopot sa kaniya. Ngumiti si Samantha sa kaniya at humarap kay Peter,

"ah, Peter. This is Samantha, my girlfriend. Samantha, this is Peter, my best friend" pagpapakilala niya sa dalawa, agad naman nag shake hands sina Samantha at Peter,

Inis naman niyang tiningnan ang mga kamay nina Peter at Samantha. Nag-umigting ang panga niya nang kunin ni Peter ang kamay ni Samantha at hinalikan ito,

"Napakaganda mo para sa napaka-pangit kong kaibigan, pwede ka pa umatras," ani nito, agad naman niyang hinampas ang kamay ni Peter at kinuha ang kamay ni Samantha at tinago ito sa likod niya,

Race for Love (Hacienda Sevida Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon