KABANATA 31

94 5 0
                                    

"THAT'S why I'm very nervous at naiiyak tuwing nakikita si Timothy...lalo na kapag tinitingnan niya ako sa eyes ko...a-alam niyang natatakot ako sa ganong tingin niya kaya tinitingnan niya ako sa ganong paraan upang takotin ako..." nahinto si Samantha para huminga, nagbuga ito nang marahas na hangin bago dagdagan ang sinabi,

"S-sinasaktan niya ako kapag hindi ako pumapayag na makipag-sex to him, kaya dumting ang araw na...binigay ko nalang sa kaniya ang bagay na iyon...para hindi niya ako saktan. I got pregnant...at hindi niya alam yon...pinilit niya ako makipag-sex sa kaniya ngunit I said no...kaya he punched me sa may tiyan...nakunan ako, Edgar, and until now ay hindi niya pa din alam na may napatay siya sa pagsuntok niya sa akin.." umiiyak na kwento ni Samantha,

Nag-umigting ang mga panga niya at saka niya naikuyom ang kamao saka napahawak sa baba upang iwasan ang sariling magalit ng todo,

"Bakit hindi alam ng parents mo 'to?" galit bagama't kalmadong tanong niya kay Samantha,

"Hindi nila pwede malaman...not now," mahinang buong ni Samantha dahilan para gulat niyang lingonin si Samantha,

"Kung hindi ngayon, kailan, Samantha?" naiinis na tanong niya kay Samantha na nagbaba ng tingin saka umiling-iling, hindi sumagot si Samantha dahilan para mas lalo siyang makaramdam ng inis,

Napahawak siya sa sarilling buhok aka binunot ang susi ng sasakyan mula sa kaniyang bulsa, akmang aalis naman siya nang hawakan ni Samantha ang siko niya umiling ng ilang beses, nangangahulogan lamang na ayaw nitong mangyari ang kung ano mang nasa isip niya,

"You're leaving me? dahil nalaman mo na ang past ko?" tanong nito sa kaniya, nangunot agad ang noo niya saka siya napaharap kay Samantha,

"What made you think that I'll leave you after knowing your past?" nagugulat na tanong niya kay Samantha na natigilan at napatitig sa kaniya,

"Kukunin ko ang sasakyan dahil sasabihin natin sa parents mo ang lahat, Samantha. Kaya ako aalis hindi para iwan ka, kundi para iligtas ka sa mapait na nakaraan mo," paglilinaw niya kay Samantha, natigilan si Samantha sa sinabi niya, animong gulat na gulat dahil sa sinabi niya,

"Pupuntahan ko ang mga magulang mo at babasagin ko ang mukha ni Timothy" nanggigigil na sabi niya kay Samantha saka siya tumalikod,

"Edgar!" pasigaw na pagpigil sa kaniya ni Samantha.

"how dare that motherfukcer hurt you?!" galit na tanong niya kay Samantha na umiiyak na,

Sa totoo lang ay gustong-gusto niya na suntokin si Timothy hanggang sa masira ang mukha nito,

"Edgar, please, kumalma ka muna," nakikiusap na sabi ni Samantha sa kaniya,

Napatingin siya sa umiiyak na si Samantha, agad niyang inabot ang ulo nito saka hinila papalapit sa dibdib niya at niyakap ito nang mahigpit. Narinig niyang humikbi nang humikbi si Samantha at maging siya ay naluluha na din,

Niyakap niya nang mahigpit si Samantha, hinalikan niya ito sa ulo saka niyakap muli.

It must be so traumatizing for Samantha, he can't imagine her life, carrying all the burdens...that secret, it must be so hard for her. She lost her child, she has no one to talk to about her problems and she can't even ask for help,

"I love you, always remember that," emosyonal niyang sabi habang kayakap si Samantha na umiiyak pa din, kinalas niya ang pagkayakap ni Samantha sa kaniya saka hinarap ito, hinawakan niya si Samantha sa magkabilang pisngi saka pinahid ang mga luha nito,

"Rest" may diing sabi niya dito, ngumiti siya saka hinalikan si Samantha sa noo, muli syang dumukwang saka tumitig kay Samantha na tumigil na sa kakaiyak, umayos siya ng tayo saka hinawakan si Samantha sa balikat,

Race for Love (Hacienda Sevida Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon