KABANATA 45

90 3 0
                                    

"YOU did that to protect her didn't you?" tanong ni Peter sa kaniya habang naglalakad sila sa hallway ng base nila,

Naitikom niya ang bibig niya saka agad na umiling, "No, she doesn't like gangsters, what's the point of staying with her? besides...we're not fit for each other, her parents doesn't like me, there's no point fighting for our relationship." sagot niya pa,

Hindi na nag abala pang sumagot si Peter sa kaniya, yumuko ang mga lalaking naka-gwardya sa may pinto sa kaniya saka binuksan ang malaking pinto, agad na bumungad sa kaniya ang mga miyembro ng gang na iyon,

Nasa harapan naman ang mga boss nilang sa itsura pa lang ay matatakot ka na. Bahagya siyang yumuko at matapos nun ay tumayo siya sa harapan,

"Tell me what happened," utos sa kaniya ng isa sa mga boss.

Tumango naman siya saka agad na tinanggap ang remote na binigay sa kaniya ni Peter, agad niyang sinimulan ang report na ginawa para sa mga miyembro.

"this is indeed alarming. Investigate about this group, Edgar. You and your team shall send the report next week. And please, stay away from that woman, or else...mapapahamak ang lahat." dinig niyang utos ng isa sa mga boss niya, marahan siyang tumango,

Hindi naman niya maitatanggi na bahagya siyang nalungkot sa huling sinabi ng big boss sa kaniya.

"dismiss"

Sa simpleng utos lang na iyon ay sabay-sabay silang umalis na lugar na iyon at habang naglalakad naman sila sa isang tahimik na pasilyo ay rinig niya ang mahinang pagtawa ni Peter,

"bakit ba kasi ayaw mo nalang aminin na ginawa mo 'yun para protektahan si Samantha? it's not like hindi ko pa nakita ang side mong 'yan" ani pa ni Peter,

Tumahimik lang siya saka niya niluwagan ang tie, para siyang wala sa sarili niya dahil sa kung saan-saan lang lumilipad ang isip niya ngayon, ngunit para masagot ang tanong ni Peter ay nagsalita siya,

"That's the only way I could stop myself from missing her every minute."

Nang makalabas sila sa hotel kung saan sila nanggaling ay sabay silang sumakay ni Peter sa sasakyan nila bago pa man sila tuloyang maabotan ng mga paparazzi's. 

Nasa isang underground  ng hotel kasi ang secret hide out nila at may-ari ng hotel na iyon ang bigboss nila.

Bumuntong hininga si Edgar saka agad na inayos ang tie, agad naman siyang kinulit ni Peter.

"So...saan ang punta?" tanong nito sa kaniya, tinanggal niya ang neck tie at tinanggal ang unang dalawang batones ng kaniyang sout na polo.

"the bar" sagot niya, agad naman tumango si Peter saka sinenyasan ang driver kung saan sila pupunta.

And when the silence filled the whole car, Edgar suddenly remembered Samantha. Sumasakit ang puso niya kapag naiisip niya ang mga maagandang ngiti ni Samantha lalo na ang kakulitan nito at ang pagiging conyo...

Nang makarating sila sa bar ay mabilis siyang lumabas sa sasakyan at nang makalabas naman siya ay saka na niya tinanggal ang sout na coat. Nag bow sa kaniya ang mga butler na tinangoan lang naman niya,

Si Peter naman ang nag-entertain sa manager ng bar at ito na din ng nag-order para sa kanila. Habang siya naman ay dumeretso sa gitna at umupo doon, agad naman siyang nilapitan ni Peter na siyang nagtataka kung bakit doon siya umupo,

"don't sit there, I made a reservation in VVIP room, delikado gago" animong naiinis na bugaw nito sa kaniya, umiling lang siya saka walang emosyon na tumingin sa harap,

"Where's the fun kung sa VVIP room ako? I went here to have fun, not to isolate myself." tugon niya kay Peter na umupo sa harap niya,

"If you want that girls, I can send them sa VVIP room, mas better pa sa mga 'yan,"

Race for Love (Hacienda Sevida Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon