PROLOGUE

457 13 0
                                    

THIS is the race competition that they have been waiting for. The race that they have been practicing for months.

Dahil nga kakaiba ang race na ito, pareho silang kabado ni Samantha sa possibleng mangyari.

"come on, Edgar. You're a pro kaya! You should not kabahan at this race no, why don't you gaya sa akin na hindi man lang na nervous" ani ni Samantha na kumakain ng lollipop,

Umismid naman siya saka napailing-iling. "I know kinakabahan ka din deep inside of you." asik niya.

Sumimangot naman ito saka agad na humarap sa kaniya at ngumuso.

"Why is my babe hindi confident? you should be confident! if i-re-rate ko ang  mga racer here they will just 8 out of 10 for me" ani nito, hinawakan naman niya ang kamay ni Samantha saka hinimas ito,

"8 is still risky tho" sagot niya habang nakatingin sa mga mata ni Samantha,

"Hays naman, babe. Of course I will rate them 8 out of 10 kasi they are here na, that only means that magaling din sila right? kasi here sila oh, they will compete with you" ani nito, bahagya naman siyang natawa dahil sa ka-conyahan nito,

"precisely, babe. Magaling sila, I'm nervous, baka matalo tayo" ani niya, bumuntong hininga naman si Samantha saka akmang magsasalita nang i-anunsyo na ng crew chief nila ang paghahanda para sa race

Bumuntong hininga siya saka yinakap si Samantha.

"Good luck to us, babe." ani niya dito, niyakap naman siya pabalik ni Samantha at nang kumalas ito ay saka siya nito dinampian ng halik sa pisngi, kinagulat niya ito,

"Good luck" nakangiting sabi nito saka tinapon ang kinain na lollipop sabay sout sa helmet,

Umalis naman siya mula sa pagkakasandal sa hood ng sasakyan saka niya sinout ang helmet.

Sumakay na siya sa racing car niya at agad na inayos ang iilang seatbelt na naroon.

When the emcee announced his and Samantha's name, mabilis silang lumabas sa garahe saka magkapantay na huminto sa gitna ng track,

Nang maihinto ang sasakyan ay nilingon niya si Samantha na malaki ang ngiti habang kumakaway sa kaniya.

Tunay na kinakabahan si Edgar para sa race na ito, this is his first time to join this kind and unbelievable race competition!

Their goal is to win the competition of course, but before it could happen, him and Samantha needs to have fair scores, walang labis, walang kulang, pantay dapat talaga ang score nila,

Syempre, nakadepende iyon sa kung papaano nila lagpasan ang iilang mga racer, kailangan din ay hindi mabawasan ang score nila, kailangan wala silang violation na magawa.

"Okay, Samantha..Edgar. This is it, you have been practicing this, I know you two can do this. Wala nang atrasan 'to" rinig nilang sabi ng crew chief nila mula sa kabilang linya,

"Samantha. Number 15. Yes, sir. We can sure panalo this, Over." rinig niyang tugon ni Samantha, bumuntong hininga siya saka pinindot ang button at tumugon,

"Edgar, number 47. Definitely, chief. Over" tugon niya din.

Matapos nun ay sabay sila ni Samantha na umabante kasama ang iilang racer na naroon na,

Race for Love (Hacienda Sevida Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon