Chapter 9

7K 231 15
                                    

Chapter 9

"No, Mommy! I don't want to transfer to any other school!"

"Hevin, don't be too stubborn. You need to transfer to other academy as soon as possible."

Kanina pa kami nagdidiskusyon ni Hevin ko tungkol sa paglipat niya sa ibang eskwelahan. Isang linggo na rin makalipas nung pagpunta namin sa Enchanted Kingdom na kasama si Marvin. Mas lalong napalapit ang loob ng anak ko sa kanya. At hindi ko gusto yun. Kinakabahan ako sa mga pwede pang mangyari.

Kaya naman napagdesisyunan ko nang iopen nang tuluyan kay Hevin ang tungkol sa binabalak kong pagtransfer sa kanya sa ibang school.

At heto ang kinalabasan, nagtatalo kaming mag-ina.

"Why do you have to do this Mommy? I have lots of friends na po in my school. And I am enjoying with the way Papa Marvin teaches us with fun."

Tila lalong tumaas ang presyon ng dugo ko. Ngayon lang ako nawalan ng pasensya sa kakulitan ni Hevin.

"Don't call him Papa! He's not your father!" literal na sigaw na ang ginagawa ko.

"Pero bakit kay Daddy Calvin napayag ka?"

"Okay lang si Calvin. Be contented with one dad!"

"No Mommy! I also want Papa Marvin!" matigas niya pa ring tugon.

"Hevin naman! Lahat nalang ng lalaking mapalapit sayo ginagawa mong tatay!"

"IT'S BECAUSE I DON'T HAVE ONE!" nabigla ako sa mas malakas na sigaw na iyon ni Hevin. "I don't have a real one. A real father."

Nakaramdam ako ng sakit sa sinabing iyon ni Hevin. Doon ko rin naramdaman ang mas matinding galit ko kay Marvin. Kung tinanggap niya lang sana ang anak niya, hindi mangungulila ng ganito sa ama si Hevin.

Pero mas nagagalit ako sa sarili ko. Kung di sana ako nagpakatanga at umasang magiging posible ang imposible, hindi sana nadadamay ang anak ko sa pagiging miserable ng buhay ko.

Pati tuloy si Hevin ay natulad sa akin. Na umaasa sa bagay na napakaimposibleng mangyari.

"Sorry anak..." tumulo na ng tuluyan ang luha ko.

Mas pipiliin ko ang kapakanan mo.

"I'll remain with my decision. It's for your own good. You'll be transferred to another school tomorrow."

Di ko inaasahan ang sumunod na ginawa ng anak ko. Tinulak nya ko at sumigaw, "I hate you Mommy! I really really hate you!"

"HEVIN!" sigaw ko nang bigla siyang tumakbo palabas ng kwarto.


××××

Marvin's Point of View

Marimar says: Hi! Marimar here, 36-25-34. Single from Philippines.

Al Hazmi says: Oh you are so sexy. Can I take a look at your pic?

Napangiti ako. Mga porendyer na 'to, ang hihilig sa sexy. Kaya naman I uploaded my fake picture and send it to him.

Nakakatuwa talaga ang social app sa internet. Makakahanap ka ng fafa agad-agad. Yun nga lang, kelangan ko pang magborrow ng mukha at katawan ng iba.

Hmp! Hindi naman sa wala akong kumpyansa sa beauty ko. It's just that... it depends on my chatmate! You know! Meron din naman akong nakakachat na tanggap kung sino at ano ako. Pero mas madalas ang hindi. Tulad nalang nitong bumbay na 'to. Mahilig sa sexy. Nabasa ko sa profile niya. Kaya naman nagpanggap akong girlalu sa kanya. Fogi eh, kaya pag-aaksayahan ko na rin ng oras. Hihi!

Al Hazmi: Wow! So sexxxy. I love u!!

"Edi wow."

Pag sexy I love you agad-agad kulang nalang 'will you marry me, bitch'? Pag pangit, offline? Hays. Pasalamat ka fogi ka, makikipagbolahan pa ko sayo.

Marimar says: You know what fogi ka sana, shunga ka lang.

Al Hazmi says: What? What's that? Can't understand what you say.

"Sabi ko tanga ka. Di mo alam na si Ellen Adarna yang inupload kong picture sayo. Tss."

*ring!*

Ay kalokang cellphone 'to. Dis oras ng gabi may asungot?!

"Jellow?" sagot ko sa kabilang linya.

"He-hello Papa...Mar-marvin?"

Napakunot ang noo ko, "Hevin? Why're you cryin'?"

Salamat na rin sa batang 'to nadi-deepen ang english ko.

"Mo-mo-mommy po...huhu! Papa Marvin!"

Nataranta naman ako, "Bakit? Anyare sa ina mo?"

"I hate her!"

"Ha? Bakit? Asan ka ba?"

"Sa park."

"WHAT?!" napatayo ako sa kinauupuan ko. Hindi ko rin namalayang naaccept ko pala yung video call ni Al Hazmi sa laptop.

Pero wala na akong pake dun. Ang iniisip ko ngayon ay si Hevin. Mag-aalas dose na ng gabi. Bakit nasa labas pa yung bata?!

Ano na naman kayang ginawa ng Helen na yun?

Nagjacket nalang ako di na nag-abalang palitan pa ang shorts at t-shirt na suot ko. Ngunit bago ako lumabas ng kwarto ay narinig ko pang nagmura si Al Hazmi sa kabilang linya.

"Fuck you! You mother fcker son of a bitch! You're a goddamn liar gaaay!"

Kaya naman bago ako tuluyang isara ang pinto at lumabas ng kwarto ay sumilip ako sa laptop at itinaas ang dalawang middle finger ko.

"Gago! Mabahong bumbay! Pakyutu!"

Sa park.

Muli kong tinawagan si Hevin upang itanong kung san banda siya naroon sa park. Mabuti nalang at sinabi nya agad kung nasaan siya.

Nakita ko siyang nakaupo sa may duyan. Iyak ng iyak at tila medyo natatakot na. Madilim na kasi doon at siya nalang mag-isa ang tao.

Nataranta ako at tumakbo na palapit sa kanya.

"Hevin, bakit ka nandito? Gabing-gabi na! At bakit umiiyak ka?" tanong ko nang nakaluhod patapat sa kanya.

Tumingin lang siya saken habang patuloy sa pag-agos ang mga luha niya.

Ewan ko ba pero parang doble ang sakit na nararamdaman ko ngayong nakikita ko siyang umiiyak at tila nasasaktan.

"Ano bang problema Hevin?"

She hugged me tight and cried, "Papa... I wanna live with you."

×××

My twitter account: @claudineroque

FB Page: Moonlightfairy's Stories

The Runaway Dad #Wattys2017Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin