Chapter 48.5

4.1K 101 10
                                    



Chapter 48.5

Tinging alanganin ang nakikita ko sa mukha ni Marvin ngayon, tila hindi niya malaman kung paanong pagpapaalam ang sasabihin sa akin.

"Len, I'm sorry but—" pinigilan ko siya sa pamamagitan ng paglapat ng daliri ko sa kanyang labi.

"It's okay," I said while smiling though I feel a little bit of disappointment, hindi kasi natuloy ang dapat matuloy. Well, ako rin naman ang nagsabing sagutin niya ang tawag sa telepono so kasalanan ko rin.

"Mukhang malungkot ang baby ko..."

Napapitlag ako nang hawakan niya ako sa pisngi. His smile is gentle and the way he looks at me melts my heart.

"Nah, it's okay really. You go ahead, baka importante 'yan."

He nodded, "I'm really sorry, 'ni hindi na natin natuloy ang paglipad," tukoy niya sa pagsakay dapat namin sa helicopter niya. "Babawi ako sayo next time, I promise."

Tumango ako, "Huwag mo akong alalahanin, just be safe. Okay na ako dun."

His smiled widened, "That's my girl..." ginulo niya nang bahagya ang buhok ko. "But I'll make sure hindi ko na makikita ang disappointment na 'yan sa magandang mukha mo."

Napatawa ako, "Ang OA mo na, sige na go na."

I pushed him gently ngunit bago pa man siya lumabas ng sasakyan ay muli siyang lumingon sa akin. Kinabig niya ako sabay halik sa noo ko. Tila libo-libong boltahe na naman ang nangibabaw sa sistema ko.

"I love you Len, just remember that whatever happens I love you with all my heart and I will always be by your side to protect you."

Sa hindi malamang dahilan ay tila napatulala ako sa sinabing iyon ni Marvin. Kay lakas ng pagtibok ng puso ko ngunit hindi ko na nagawang isaboses ang pag-aalala ko dahil namalayan ko nalang na nakababa na pala siya ng helicopter at masayang kumakaway na sa akin.

"Bye, Love!" punong-puno ng saya ang mga mata ni Marvin sa mga oras na ito. At ito ang tumatak sa isipan ko hanggang sa makarating ako ng parkeng memorable para sa akin.

Pagkababa ko kanina sa helicopter ay nakita ko agad na nakaantabay ang mga bodyguards niya na naka-full black outfit. Agad nila akong inalalayan at sinabihang ihahatid na daw nila ako sa bahay. Tumanggi naman ako dahil hindi ko pa gustong umuwi. Kaya naman pinagpilitan pa rin nila akong ihatid dito sa parke dahil iyon daw ang kabilin-bilinan ng Sir Marvin nila.

Wala na akong nagawa kundi ang magpatianod nalang.

And now, tulad nga ng sinabi ko kanina, ay nakatatak pa rin sa aking isipan ang masayang mukha ni Marvin habang nagpapaalam sa akin. Naiinis na nga ako sa sarili ko dahil nagiging paranoid na naman ako nang walang dahilan.

"Tss, ano ka ba naman Helen! May aasikasuhin lang 'yung tao. Ang OA mo!" bulong ko sabay sipa sa maliit na bato sa harap ko.

Kasalukuyan akong nasa duyan ngayon, ang eksaktong pwesto kung saan ako naroon nang una ko siyang makita.

Flashback...

Nagsesenti ako habang inuugoy ang paborito kong duyan sa parkeng kinalakihan ko na. Nag-away na naman kasi ang parents ko at binabalak ko ngayon kung sakaling maglalayas ako ay kung saan ako titira at paanong mabubuhay nang mag-isa.

"Ay bet ko 'to, fogi!"

Napakunot ang noo ko nang may marinig akong malanding tinig sa kung saan.

"Woooh, yummy fafalicious. Pwetlak palang ulam na, hmmm..."

Lalo akong nangilabot sa kamanyakan ng baklang madaldal, hinanap ko ang kinaroroonan niya at ganun nalang ang malakas na pagkabog ng puso ko nang makitang salungat na salungat ang ipit at malandi niyang boses sa kakisigan ng kanyang katawan ang kagwapuhan ng kanyang mukha.

The Runaway Dad #Wattys2017Where stories live. Discover now