Chapter 38

4.6K 154 9
                                    


Dedicated to you dahil nagrequest siya ng dedic. :)

Chapter 38

"Len, gusto mo bang mamasyal sa dalampasigan?" Marvin asked me matapos kong lumabas ng kwarto, kakatapos ko lang rin kasing maligo.

"Huh?" medyo wala pa ako sa ulirat.

"I mean, simula kasi nung dumating ako dito hindi pa ako nakakapamasyal. So would you mind if you go with me?" nakangiti niya pang saad.

Natawa nalang ako, "Date ba 'yan?"

"Pwede rin."

Nagpakipot muna ako, "Ayoko."

Bakas ang gulat sa mukha niya, "Huh? Bakit?"

I shrug my shoulder, "Ligo ka muna kaya?"

Sinabayan ko ng tawa iyon, "Baho mo na eh."

Then he smiles devilishly, "Ah ganon?"

I nodded.

"Sure ka ba d'yan?" he asked again but there's a warning in his voice.

"Haha joke lang!"

Umiling-iling siya habang ang mga kamay ay tila may binabalak na kung ano, kakaiba rin ang ekspresyon ng kanyang mukha. Para bang sinasaniban siya ng kamanyakan.

"Vin, parang hindi ko gusto 'yang binabalak mo ah!"

"Are you scared, darling?"

"T-tigil-tigilan mo 'ko!" sigaw ko.

"Bakit nauutal ang baby ko? Don't worry I won't harm you..." palapit na siya nang palapit sa akin.

Palayo naman ako nang palayo. Humahakbang nang patalikod habang inihahanda ang sarili sa mabilisang pagtakas. Kakaiba talaga ang aura niya, parang hindi niya iindahin kahit alas-diyes palang ng umaga.

"Tumigil ka, Marvin. Baka mahuli ulit tayo ni Mang Tonying, nakakahiya!"

He grinned, "Don't worry my princess; I made sure we won't get interrupted again. Nailock ko na ang lahat ng pinto."

Napa-face palm naman ako dun, "At ready ka nga talaga ah?"

He nods, "Just wanna make sure na masosolo na kita."

Ninerbyos ako lalo sa sinabi niya, ayoko na talagang mahuli ulit ni Mang Tonying, masyado nang nakakahiya, "Ah eh diba gusto mo mamasyal sa dalampasigan? Tara na kaya? Huwag ka nang maligo, dun nalang tayo—" napatigil ako wrong words.

Umangat-angat ang kilay niya, "Gusto ko 'yan."

"Ayts!" medyo napipikon na ako sa inaakto niya. Alam niyo yung wala naako sa mood para dun tapos ang kulit niya pa rin. "Huwag na nga! Dito nalang tayo—"

"Dito nalang? Mas okay din 'yun," pilyo niya pa ring pahayag.

"Kainis na Marvin ah," seryoso na ako.

"Joke lang, 'to na nga oh? Maliligo na," bigla siyang umaktong normal sabay pasok sa banyo.

Natawa tuloy ako sa biglaang pagpapalit-anyo niya. Nagpapa-under na agad siya?

Matapos maligo ni Marvin ay naghanda na kami ng mga dadalhin sa dalampasigan. Nagluto na rin ako ng tanghalian at iba pang makakain namin doon.

"Okay lang ba talaga sayo Len na tayong dalawa lang ang nandoon?" alanganing tanong ni Marvin. Napaisip tuloy ako kung umalis na ba kaagad sa katawang lupa niya ang sanib niyang kamanyakan.

The Runaway Dad #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon