Chapter 14

6.6K 186 6
                                    

Chapter 14
Helen's Point of View

We threw a party out of winning the grand prize on the Sports Day event yesterday.

Yes, almost all of the games ay sinalihan talaga namin dahil na rin sa kahilingan ng aking anak. Mabuti nalang at go pa rin hanggang sa huli 'tong si Marvin na busying-busy ngayon sa pag-aasikaso sa mga bisita.

"Oh, hi Marian Kyle slash MK the MC! How are you girl? You are soooo great yesterday 'ya know?!" rinig kong bati ni Marvin kay Marian na MC ng event kahapon. Yes, close na  nga sila. Si Marvin pa ba?

"Oh yes naman Amigang Marvin, Congrats sa inyong mag-ama at mag-asawa ha. You're sooo super galing talaga! So proud of you, 'ya know?!" bibong bibong sagot naman ni MK.

Ang alam pa rin kasi niya ay totoo kaming pamilya, which is technically speaking ay totoo nga, but in reality for Marvin ay pagkukunwari lang "daw" for the sake of yesterday's event.

I remember pa nga kahapon kung paano niya ipinagmalaki sa akin noong pauwi na kami ang sobrang galing niya daw na pag-arte.

"OMG talaga Helen! I was so great, wasn't I?! Akalain mo yun? Napanindigan ko talaga ang pagiging tatay nitong jugets mo up until the end?! Omeged! Pwede na talaga ako sa showbiz!"

Hindi ko nalang siya sinagot dun, but at the back of my mind, it wants to whisper, "Sana noong una palang pinanindigan mo na nga si Hevin."

Inaamin ko, kahit naman galit ako d'yan sa baklang 'yan dahil sa nagawa sa aming pag-iwan at sa hanggang ngayon na hindi pa rin maramdamang anak nya si Hevin, ay natutuwa pa rin ako kahit papaano sa nakikita kong bonding nilang mag-ama.

Atleast kahit sa mga simpleng gesture at pagke-care niya kay Hevin ay nagiging tatay siya kay Hevin.

"Helen, asan na ang anak mo? Aba hindi pa kumakain yun ah. To talagang nanay na 'to, kahit kelan pabaya sa anak niya."

Yun nga lang, isa siyang istrikto/istriktang ama kung sakali.

"Mars wag kang OA, kasama ko ang junakis ni Hel--este ninyo ni Helen, eto wiling-wili kina Bob, Stuart at Kevin!" sigaw naman ni Barney na kasalukuyang nasa kusina kasama ang anak ko habang nakatutok sila pareho sa tapat ng laptop.

Natigilan naman si Marvin, maya-maya pa'y nanlaki ang mga mata ay tila naglaway pa, "Ano kamo Mars?! BOB? STUART? AND KEVIN?! O M G! Lalaki yan Mars, patingin!"

Dali-dali ang pagtakbo ng baklang Marvin patungo kina Barney na tutok na tutok pa rin sa pinapanuod.

Napailing nalang ako sa katarantahan ng bakla.

Maya-maya pa'y expected ko na ang papilantik na pagsabunot niya kay Barney.

"Bruha ka talagang Bading ka, sabi mo lalaki?! Eh mga saging lang 'yan, asan ang lalaki dyan?!" Disappointed ang bakla.

"Hahaha! Eh ikaw naman kasi nakarinig lang ng pangalang boylet, taranta agad ang hormones mo. Tsaka pwede ba Mars, maki-trend ka naman pag may time. Ultimo pangalan ng mga cutie-patootie na sikat na sikat na mga minions hindi mo alam?! Mygahd!" buong inarte pang nagtakip ng pilantik na mga kamay sa mukha si Barney.

Natawa nalang ang mga bisita sa pagtatalo nilang dalawa. Rinig na rinig kasi ang mga boses kahit na malayo sa sala ang kinaroroonan nila.

"At anong nginingiti-ngiti mo d'yan ha, Helen? Magluto ka nalang d'yan at magboboy-hunting ako sa mga bisita natin dito," aniya nang lumapit sa akin at pabulong nalang ang huling sinabi.

Yes. You heard it right. Lalaki nga ang dahilan kung bakit pumayag yang si Marvin sa ideya naming mag-ina na magpakain at magpaparty nalang sa napanalunan naming cash prize.

The Runaway Dad #Wattys2017Where stories live. Discover now