Chapter 23

5.8K 198 17
                                    


Dedicated to you. Di ko na aantayin matapos ang TRD before makapag-dedicate sayo ng chappy. Thanks for being my reader =]

Chapter 23

Helen's Point of View

"Helen, are you sure you can do this?" he asks as he entered my room.

It's been five years. Yet, his features are as prominent as the first day that I met him. Those chinky eyes that melt the knees of whomever he stared at. That perfect form of his nose. Those kissable lips na palaging napagkakamalan ng iba na nilalagyan niya daw ng lip balm sa pagka-pinkish nito, the oozing sexiness brought by his smile with the help of his perfect-white teeth.

I smiled at the thought, bakit nga ba hindi ko magawang mahalin ang lalaking ito sa loob ng napakahabang panahon.

Kung tutuusin, isang oo ko lang, pwede niya nang ibigay sa akin ang lahat. Ang pangalan ng company niya, ang apelyido niya na kilala na 'ata sa buong bansa, ang pagiging ama sa anak ko, pati na ang pagmamahal na matagal ko nang pinangarap makamtan sa buong buhay ko.

But, still, I can't... and I do not want.

Ayokong i-take for granted ang kabaitan niya sa aming mag-ina. Oo, at tinatanggap ko magpa-hanggang ngayon ang halos lahat ng tulong niya para sa amin ni Hevin, but just like my old ideal, I'm working very hard in return to all of his kindness towards me and my daughter.

Ako ang itinalaga niyang CEO sa main branch ng company niya sa Seoul, Korea. But just like what I wanted, I started at bottom before I was able to climb up in that position. I really liked that job for it suits my preference career. Food industry.

Napag-alaman kong sa Korea itinalaga ng pamilya nina Calvin ang business for foods because Koreans really adored foods. At hindi naman sila nagkamali dahil patok na patok sa panlasa ng mga Koreano ang mga pagkaing inihahain ng C.H Group.

One year lang kaming nakitira sa bahay nina Calvin, after a year ay nagpaalam na ako sa kanya na kung pwede ay humanap na kami ng anak ko ng bagong matitirhan dahil ayoko rin naman na maging masyadong pabigat kay Calvin at sa pamilya niya. Noong una ay hindi siya pumayag, pero sa di kalaunan ay napapayag ko na rin sa kondisyon na araw-araw siyang dadalaw sa aming mag-ina.

Nagtataka man ako kung bakit ni anino ni Marvin ay hindi nagparamdam sa aming mag-ina ay masaya na rin ako dahil mas lalo akong nagkaroon ng dahilan upang kalimutan siya nang tuluyan, upang ipamukha sa sarili ko na hindi talaga siya karapat-dapat na maging ama sa anak ko. Wala siyang ibang minahal kundi ang sarili niya at ang pera ng pamilya niya.

Sa umpisa pa lang, hindi ko na dapat siyang pinag-aksayahan ng panahon at tsansang makilala si Hevin. Nagkamali ako... nagkamali ako na nakilala ko siya at binigyan pa muli ng pangalawang pagkakataon.

"Helen I don't think you can really do this now," pahayag ni Calvin at saka kinuha ang folders sa lamesa ko. "Hindi ka pa talaga ready. Why don't we just cancel our meeting with them—"

"Again?"

He stares at me with concern face, "I don't think you're ready to face him now."

"Kaya ko na Calvin. At saka posibleng iniisip na nila ngayon na pinaglalaruan nalang natin sila dahil sa ilang beses na pag-cancel natin sa meeting natin with them."

"But I gave them valid reasons for that," he answered.

I nodded, "Yes. Pero wala nang maniniwala kung magdadahilan na naman tayo for the fourth time. Besides, I don't think I still have any reason to avoid him and—"

The Runaway Dad #Wattys2017Where stories live. Discover now