EPILOGUE (Part I)

4.7K 107 4
                                    



Dedicated to all my readers. :)

***

EPILOGUE (Part I)

Marvin's Point of View

"My love..." tawag ko sa tulog na tulog na asawa ko. Sa tuwing gigisingin ko siya nang ganito ay natatawa ako dahil sa nakikita kong dami ng unan sa higaan namin. Halos sakupin na ng siyam na mga unan na iyon ang buong kama namin.

Napapailing nalang ako habang patuloy ako sa paggising sa kanya.

"Mahal ko... wake up na po," ingat na ingat talaga ako sa pagtawag sa kanya. Iniiwasan ko kasing maalimpungatan siya at maging sanhi ng pagtatantrums niya.

Helen is currently six-month old pregnant to our second baby. At ngayon ang schedule namin upang malaman ang kasarian ng magiging anak namin. And I am really excited for today. Okay lang naman sa akin kung babae o lalaki ito ang importante ay lumabas itong malusog at malayo sa sakit.

Nang sa wakas ay iminulat rin ng babaeng pinakamamahal ko ang kanyang mga mata ay sinalubong ko agad siya ng halik.

"Love, hindi pa ko nakakapagtoothbrush!" aniya, sumimangot agad. Natawa nalang ako at saka ginulo nang bahagya ang kanyang buhok.

"Okay lang 'yan Love, sanay na ko d'yan," tugon ko na lalo niyang ikinasimangot.

Kahit na madalas niya akong sungitan simula noong magbuntis siya sa ikalawa naming anak ay hindi ako kailanman sumuko sa kanya. Naisip ko, na ito na yung perpektong chance para makabawi ako sa lahat ng naging pagkukulang ko sa kanya. Naisip ko rin na itong mga nararanasan ko ngayon ay walang-wala sa naranasan niya nang mag-isa niyang dinala ng siyam na buwan ang una naming anak na si Hevin, isama pa doon ang pag-aaruga at pagpapalaki rito nang mag-isa.

Walang-wala pa 'to sa lahat ng mga naranasan niya noong mga panahong wala ako sa tabi nila, sa tabi ng  aking mag-ina.

"Love ginamit mo na naman 'tong tuwalya natin sa pagligo mo sa pool, ano?" pag-aakusa ng mahal kong asawa sa akin habang nakasilip sa pinto ng banyo at hawak-hawak ang tuwalya namin.

Nilapitan ko siya at kinuha ang tuwalya sa kanyang kamay, "Sorry po, Love. Papalitan ko nalang."

"Okay," tugon niya sabay pasok muli sa banyo.

After that ay dumiretso ako sa cabinet upang kumuha ng panibagong tuwalya. I know na napapadalas ang pagsusungit ng asawa ko at ito ay dahil sa pagbubuntis niya. Sabi naman ng doktor sa akin, natural lang ang lahat ng pinapakita sa akin ng asawa ko. Dahil bukod sa sadyang sensitibo ang mga buntis, marahil daw ay naalala ni Helen ang nakalipas na panahon na nagdalang-tao siya nang nag-iisa.

"It is a psychological effect where a certain person thinks of the past event... at ganito ang isa sa mga paraan nila upang kalimutan ang pangit na nakaraan na naranasan nila."

Kaya naman kahit pa nakakapikon na kung minsan ang pagsusungit niya sa akin, kahit pa madalas ay obvious na mali na siya sa tuwing inaaway niya ako, ay iniintindi ko na lamang siya at iniisip na isa ito sa mga consequences ng pagtakbo ko palayo sa kanila noon...sa nagawa kong pag-abandona sa kanila ni Hevin noon.

"Love, wala na akong damit na susuotin!"

Napapitlag ako nang marinig ang boses ng asawa ko, suot niya na ang roba niya habang tila hindi mapakali sa paghahanap ng susuotin sa loob ng closet niyang punong-puno ng damit.

"Love, sa dami ng damit mo wala kang mapili d'yan?" I asked her.

Inirapan niya ako, "Eh nasuot ko na 'yang mga 'yan!"

The Runaway Dad #Wattys2017Where stories live. Discover now