Chapter 23.5

5.7K 197 14
                                    




That's Calvin! Gwapo ba? Hihi!

Dedicated to @caleb1196 thanks for your wonderful comments =]

Chapter 23.5

"Do you wanna meet your Papa Marvin now?"

Kasabay ng pagbakas ng gulat sa mga mata ng anak ko ay ang pagbagsak ng kung ano mula sa mesa, sa may kinaroroonan ni Calvin. Kaya naman, pareho kaming tarantang tumakbo sa kanya na kasalukuyang yumuko para damputin ang basag na baso.

"Calvin, huwag mo nang pulutin 'yan!" sigaw ko.

"Daddy Calvin, are you alright?" tanong ni Hevin kasabay ng paglapit at pagyuko upang mapantayan si Calvin.

Tila wala sa sarili naman siyang tumango sa anak ko at inalalayan ito patayo.

"Ahh, Hevin male-late ka na sa class mo. I think it's better for you to go out now and see Manong Lermy outside."

Tahimik at nakatingin lang sa kanya na tumango si Hevin. Nang makalabas sa pinto ang anak ko ay tinawag ni Calvin si Manang Celia upang linisin ang mga bubog. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa mapako ang paningin niya sa akin.

"Why, Calvin?" I asked him.

"What why?" he asked back.

"Why did you purposely do that?" tukoy ko sa pagkabagsak ng baso.

Huminga siya nang malalim, "I'm sorry, Helen."

Sinsero at malungkot ang nakabakas sa mukha niya. Kaya naman hindi na ko nagtanong pa.

"I'd better get myself ready for the meeting later."

At noon, I decided to go shopping since it's too early for the dinner meeting. I drive myself because Calvin borrowed Manong Lermy for they are going in one of our suppliers in Tagaytay. Ipinark ko sa underground parking ng Olin Mall ang aking kulay royal blue Mirage na iniregalo ko sa sarili ko a week ago. Hindi ko naman kasi pwedeng dalhin dito ang kotse namin ni Hevin from Korea.

Natunton ko ang Elite Boutique na siyang sentro ng mga clothing stores dito sa OM. Suddenly, isang simpleng straight cut peach dress, sleeveless, squared neckline ang agad na nakakuha ng atensyon ko. I smiled and called the sales lady, "Miss, I'll buy this one."

After I also bought a pair of Nicole Miller stilettos, I decided to go in Starbucks para magpalipas ng oras. Sa totoo lang ay matinding kaba talaga ang nararamdaman ko para sa meeting mamaya. Dahil imbes na executive meeting ay parang pakiramdam ko'y isang execution ang pupuntahan ko. Since maaga pa naman ay nagsurf muna ako gamit ang laptop ko, writes some business drafts and other works na actually ay hindi pa naman nangangailangan ng deadline, but I decided to do it anyway...pampatanggal kaba lang.

Hindi ko namalayan ang oras until I finished the final draft, pagsilip ko sa labas ay madilim na, "Sht, 6pm na pala!"

Dali-dali kong niligpit ang mga gamit ko at halos lakad-takbo na ang ginawa ko papunta sa parking area. Mabuti nalang at nakisama pa rin ang tadhana sa akin dahil walang traffic at the moment, kaya after 10 minutes ay nasa bahay na ulit ako. Nadatnan ko sina Hevin at Calvin na kasalukuyan nang kumakain sa dining room.

"Where have you been, Helen? It's almost 7 now," tanong sa akin ni Calvin.

"D'yan lang," sagot ko pero wala na sa kanya ang atensyon ko. "Akyat na muna ako para magshower."

"Mommy, eat ka muna po!" tawag sa akin ni Hevin nang nasa may hagdanan na ako.

"No, thanks baby. Male-late na kami ni Daddy Calvin sa meeting. Dun nalang ako kakain sa hotel," I said then tuloy-tuloy nang umakyat sa itaas at pumasok sa kwarto ko.

The Runaway Dad #Wattys2017Where stories live. Discover now