Chapter 15

6.3K 193 9
                                    


Chapter 15

"Akalain mo yun Mars? Nanggaling ka pala sa isang richiness na angkan?! Chorva kang baklita ka, hindi mo man lang ako ininformed! For ilang years, nagtiis ako sa mga fooritang fritong itlog at tuyo samantalang keri mo naman palang bumili ng bacon!" mahabang litanya ni Barney matapos naming malaman ang pinakatatago-tagong sikreto ni Marvin na nagawa niyang itago sa amin buong buhay niya.

Magaling din sa pagtatago 'tong baklang 'to. Kahit kasi ako na matagal niya nang naging kaibigan ay hindi rin nakahalata sa tunay niyang pagkatao. Ang kwento niya kasi sa amin ay independent siya at wala nang ibang iniintindi sa buhay kundi ang sarili niya. Hindi rin naman siya mahilig mag-brought up tungkol sa family niya.

"Grabe ka Marsy, nakakatampo ka talaga. Hindi ko akalain wala ka palang trust sa akin. Huhuhu!" patuloy pa rin si Barney sa paghihimutok.

"Isa pang salita mo d'yan Barney, hindi lang kita pakakainin ng trust na paborito mo, ipapalapa pa kita sa alagang tigre ni Lolo Inggo!" inis na tugon ni Marvin.

Kanina pa siya seryoso at tila kay lalim ng iniisip. Kanina pa rin natapos ang party at kasalukuyang nasa kalapit-hotel lang rin ang pamilya niya upang doon muna magpalipas ng gabi.

Hindi daw kasi kaya ni Chiya, ang half-sister ni Marvin, na matulog sa maliit na bahay na ito. Tandang-tanda ko pa kung paanong buong arteng tumanggi ito sa alok ni Marvin na dito na sila matulog.

"Eww! There's no way that you would let your only granddaughter to sleep in this small and yucky house, Lolo! As if we can really call this a house?!" anito na ipinagdiinan pa ang salitang only granddaughter.

Ayon kay Marvin ay dalawa lang sila ni Chiya na apo ng kanyang Lolo dahil nag-iisang anak lang nito ang Papa niya na matagal nang yumao dahil sa atake sa puso.

"Bruhang 'to, as if ikaw nga lang ang apo ni Lolo!" bulong ni Barney na ginaya pa ang way ng pagsasalita ni Chiya.

"Chiya's right, Papa. Baka kung anong mikrobyo pa ang dumapo sa apo mo kung dito tayo tutuloy. As a matter of fact, kanina pa nga 'ko nagtitiis sa amoy dito," sabad naman ni Jacky na ina ni Chiya.

"As a matter of fact, pakyu." Inis na bulong ulit ni Barney.

Agad naman siyang siniko ni Marvin at tinitigan nang masama. Sa totoo lang ay kanina pa rin kami naguguluhan sa ikinikilos ni Marvin. Tila kasi isang tuod lang siya na biglang tumiklop sa pamilya niya. Nawala ang isang palaban at pilosopong Marvin.

Nang makahanap ng tiyempo ay agad kaming hinila ni Marvin patungo sa kusina.

"Guys, hindi alam ng pamilya ko na bakla ako. Dahil kapag nalaman 'to ni Lolo, kay Chiya mapupunta lahat ng ari-arian ni Lolo, pati na ang mga pinaghirapan ng mama ko. Hindi ko naman maaatim na silang mag-ina lang ang magpapakasasa sa pag-aari ni Mama. Kaya please lang, just treat me as a man, kahit ngayon lang. Kahit sa loob lang ng panahon na andito sila. I'm sure naman na hindi rin magtatagal 'yang mga 'yan dito. Babalik at babalik din sila sa States."

Naintindihan naman agad namin ni Barney ang gustong iparating ni Marvin kaya sumang-ayon na lang kami sa pakiusap niya.

Mabuti nalang at hindi na nagtagal ang pamilya Lopez dito sa bahay dahil atat na atat na ang mag-ina na makaalis dahil hindi na daw nila matiis ang germs at bacteria sa paligid. Panay pa ang pagpahid ng alcohol ng dalawa sa mga braso nila.

"Konting-konti nalang talaga at muntik ko nang mapabaunan ng black eye 'yang kapatid mo Marvin eh. Ubod ng arte, nagtimpi lang akong pamumugin ng muriatic acid 'yung babaitang yun!" inis na sigaw ni Barney nang tuluyang makaalis ang mga bisita.

Sakto namang pag-alis ng mga ito nang biglang dumating sina Hevin na isinama ni Marianne Kyle sa labas upang ipasyal. Nakahinga kami nang maluwag dahil hindi naabutan ng mga ito ang buena familia ni Marvin.

Kinabukasan ay ganun pa rin ang aura ni Marvin. Tulala at ang lalim ng eye bags, siguro ay napuyat kakaisip sa problema niya.

"Mars, uso magretouch. Isang gabi ka lang na-stress, hindi na kita makilala," puna agad ni Barney habang sabay-sabay kaming nag-aagahan.

"Stress? Why are you stress Papa Marvin?" inosenteng tanong ng anak ko.

"Ahh wala 'to Hevin, hindi lang nakatulog nang maayos si Papa Marvin kagabi," peke ang ngiti nito habang nakatunghay sa anak ko. Mahahalata mo talagang may dinaramdam na problema.

Maya-maya'y tumayo si Hevin at nilapitan si Marvin. Walang sabi-sabi niyang niyakap ito, "Whatever is bothering you Papa Marvin, Hevin is just here for you."

"Aww. So touching..." singit na naman ni Barney.

"Iyan na ba ang apo ko sayo, Marvin?"

Gulat kaming lahat nang mapalingon kami sa pintuan kung saan hindi namin namalayang nakapasok na pala ang Lolo ni Marvin. Hindi tulad kagabi ay mag-isa na lang ito ngayon.

"Lolo!" gulat na tawag nito sa matanda, "Ano pong ginagawa niyo dito nang ganito kaaga?"

"Ano pa ba? Edi binibisita ang apo kong ang tagal tiniis ang lolo niya," anito pagkatapos ay tumingin kay Hevin. Hindi maganda ang pakiramdam kong ito. "So tell me Marvin, is she my great grand daughter?"

"Ay nagkakamali po kayo Lolo, dehins po—"

"Yes. Lolo, she's my daughter, Hevin," Marvin cut what Barney is about to say.

Pareho pa kaming napalingon sa kanya. Binigyan naman agad ako ni Marvin ng tila nagpapaunawang tingin. Hindi ko alam kung bakit tila umurong ang dila ko sa pagsalungat sa sinabi ni Marvin.

Nakita ko ring kinindatan nito si Hevin na agad namang nagets ng anak ko. Buong puso namang niyakap ni Lolo Inggo ang pinakilalang apo, samantalang ngiting-ngiti namang tumugon ng yakap ang aking anak.

"Ikaw na pala 'yan apo. Ang laki-laki mo na. Patawarin mo ang Lolo ha? Pangarap ko sanang masilayan ka pagkalabas na pagkalabas mo sa mundong ibabaw, but unfortunately ay hindi ako binigyan ng pagkakataong maisakatuparan 'yun. I'm so sorry apo," maluha-luhang pahayag ng Lolo ni Marvin.

"Bonggacious, parang teleserye lang," panira ni Barney.

Nagkatotoo nga ang kutob ko. Isinangkalan kami ni Marvin sa kanyang lolo. Si Hevin ang tinuro niyang anak samantalang ako daw ang asawa niya. Though, technically,ay totoo ang unang statement but worse part is pinipilit tuloy kami ng Lolo niya na bilhan ng sarili naming bahay at tumira doon kasama siya. Yes, we are about to live in the same damn house acting as a real and happy family. We have to act, because of his old and sick grandfather. Yes, mahina na ang lolo ni Marvin at ang huling hiling daw nito ay makabawi kay Marvin pati na rin kay Hevin na ilang taon daw niyang hindi nasilayan dahil sa pagtatago ni Marvin dito. As if namang gusto talagang ipakita at ideclare ni Marvin na anak niya si Hevin. Kundi lang siguro dahil sa manang kukuhanin niya ay hindi niya kikilalaning anak ang anak ko.

At ito ang hindi ko matanggap, the fact na kinilala niya lang na anak si Hevin dahil sa mamanahin niya. At sa totoo lang, hindi niya talaga totally kinikilalang anak dahil para sa kanya ay magpapanggap lang naman daw kami.

"Please Helen, konting panahon lang ang hinihiling ko sayo. Hanggang sa maconvince lang natin ang lolo ko na isang totoong pamilya nga tayo. I'm sure hindi siya magtatagal dito, hindi niya maiiwan ang company namin sa States. Please naman Helen, pumayag ka na. Gusto ko lang talaga makabawi sa Lolo ko. Ang tagal ko kasi inabandona at tiniis. Mahina na siya at gusto ko namang sumaya siya kahit sa huling pagkakataon man lang sa buhay niya."

I can't help but smile sarcastically, "Diyan ka naman magaling diba, Marvin?Ang mang-abandona? Ilang taon mong tiniis iwanan ang lolo mo para lang sa kapritsuhan mo sa mga lalaki. Hindi ko akalain pati tunay mong pamilya, nagawa mong iwan para lang d'yan sa kabaklaan mo."

------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Ansabe ng pagdadrama ni Helen?! ;)


The Runaway Dad #Wattys2017Where stories live. Discover now