Chapter 47

4.5K 135 14
                                    

Dedicated to you. :)

Chapter 47

Helen's Point of View

Lumipas ang isang session ng hearing na dehado ang kampo namin, hanggang ngayon kasi'y hindi pa rin nagpaparamdam si Clarice na may hawak ng pinakamatinding ebidensya para masuportahan ang kasong ito. Idagdag pa rito ang kapangyarihan at ari-arian nina Harvey, Jacky at iba pang sangkot na board of directors na nagtulong-tulungan upang pumanig sa kanila ang batas.

Hindi tuloy namin maidiin ang madrasta ni Marvin at si Harvey sa akusasyon sa pagpatay sa ama ni Marvin, hindi rin naman kasi sapat na ebidensya ang CCTV footage kung saan makikitang nakasunod ang kotseng sinasakyan ng dalawa sa ama ni Marvin bago ito sawing-palad na maaksidente at mamatay.

Umuwi ako ng aming tahanan na lunong-luno at tila pasan ko ang problema ng buong daigdig.

"Papa, don't let me go! Baka po matumba ako!"

Napaling ang aking ulo nang maulinigan ko ang pamilyar na boses na iyon ng aking anak.

"Okay baby, dito lang sa likod si Papa!"

Kusang namutawi ang ngiti sa aking mga labi ng makita ko ang mag-ama ko na masiglang nagtatawanan. Kasalukuyan kasing tinuturuan ni Marvin si Hevin sa pagba-bike. Magkahalong excitement at nervousness naman ang makikita sa mukha ng anak ko.

"Oy anong ginagawa niyo d'yan?!" tawag-pansin ko sa kanila, "Hindi niyo ako sinasali ah!"

Sabay naman silang napatingin sa akin at kumaway.

"Mommy!" masiglang bati ng anak ko sabay baba ng bicycle niya.

"Love!"

Sinimangutan ko si Marvin, pinagtatawanan kasi kami ng anak ko kapag naririnig niya ang endearment na iyon mula sa ama.

"Uy! Sweet ng parents ko!" palagi niyang pambubuska sa amin na siyang ikinaiinit ng parehong pisngi ko.

"Mommy, where have you been? Bakit ngayon ka lang po?" tanong sa akin ni Hevin.

I pat her head, "Mommy just did something in the office, baby."

"Magpahinga ka naman." / "You should take a rest naman, Mommy."

Nagkatinginan pa ang aking mag-ama sa sabay nilang pagsasalita then bahagyang ginulo ni Marvin ang buhok ni Hevin, "You little, manang-mana ka talaga sa akin!"

Then, pinantayan niya ang anak ko, "Gusto mo bang marelax ang mommy mo?"

She delightfully nodded. Marvin smiled, "Okay, your wish is your Papa's command."

"Uy Marvin, ano na namang binabalak mo?"

Hindi niya ako sinagot sa halip ay pumalakpak lamang ng tatlong beses. Pagkatapos noon ay namalayan ko nalang na nasa harapan na namin sina Kiara at ang iba pa niyang bodyguards na kapwa mga nakaitim na uniporme. Hinawakan ako ng mga ito sa magkabila kong braso.

"What's the meaning of this?!" paghihysteria ko ngunit nakangiting nakamasid lamang sa akin ang mag-ama, "Marvin, pigilan mo sila!"

Palayo na kasi ako nang palayo sa kanila habang ang dalawa'y nagawa pang kumaway sa akin. Namalayan ko nalang na dinadala, rather binibitbit ako ng mga ito patungo sa isang building. Isinakay nila ako sa isang elevator, "Saan niyo ba talaga ako balak dalhin, ha?"

Ngunit tila lang sila mga pipi at bingi na dedma ang beauty ko. "Psh! I swear matapos lang 'to patay sa akin 'yang Marvin na 'yan! Nakikitira pa siya sa amin, samantalang may pera pa pala siya para sa mga ganitong kalokohan!"

The Runaway Dad #Wattys2017Where stories live. Discover now