Chapter 22

5.8K 174 19
                                    


A/N: Dedicated sayo na nangulit sa aking mag-update na, haha! Thanks for reading my piece. Loveyah! ^^



Chapter 22

"Chairman Lopez, I just want to remind you regarding your meeting tomorrow with the Representative of the CH Group in Marriott Hotel, at 7p—"

"Wa-wait..what did you just say, Miss Schievvie?" I asked her on the other line of the phone, kasalukuyan akong nagtutuyo ng buhok before going to bed.

"Marriott Hotel, at 7pm?"

"No not that, the other one?"

"CH Group?"

"Before that?"

"Representative, Sir?"

"Exactly!" I almost yelled. "What the hell did just happen? Why am I going to meet with the Representative, when it's supposed to be with the Chief Executive?"

Naiinis na rin ako sa kumpanyang CH na 'yan. Hindi lang dahil sa iilang beses na pagpapa-postponed naming sa reservations and press conference sa hotel and press, kundi dahil nagmumukhang tanga na ang Lopez Group kakahabol sa schedules nila. Almost one month kaming pinag-antay ulit the last time they've postponed our last supposed to be meeting, and now, ang ihaharap lang nila sa akin bukas ay isang Representative?

"What exactly is happening, Miss Schievvie? Are they fucking playing damn games with us?!" irritable kong tanong sa secretary ko. Alam kong nahihirapan na rin siya kaka-contact at kakahabol sa schedule ng CH Group, "Just give me their fucking contact number at ako na mismo ang makikipag-ugnayan sa kanila."

"But Sir—"

"Just do what I asked Miss Schievvie!" sa sobrang frustrations ko ay tuluyan ko nang nasigawan si Schievvie. "Sorry. I didn't mean to..."

"It's okay Sir, I'll send you their contact number right now. I'm going to hang up, Chairman Lopez."

"Okay..." mahinahon kong tugon sabay baba ng cellphone.

Ilang saglit lang ay naipadala na ng aking sekretarya ang numero ng CEO ng CH Group. I looked at it intently, pero sa kabila noon ay sa iba lumilipad ang aking isipan.

"What is it Barns, anong nalaman mo sa mag-ina ko? Please tell me what it is... I beg you please tell me. Where are they?"

"Nandito na sila sa Pinas, Marvs."

Sa mag-ina ko.

Simula nang sinabi sa akin iyon ni Barney ay hindi na ako tumigil sa pagpapahanap kina Helen at Hevin. Ngunit kung gaano sila kailap sa Korea ay ganoon din ngayon dito sa Pilipinas. Nagkaroon pa ko ng hinala na baka niloloko lang ako ni Barney tungkol sa mag-ina ko. Pero ilang beses ko itong kinumpirma sa kanya.

"Oo nga Marvs! I am saying the truth, hindi mo ba alam na tiyahin ko ang isa sa mga officers sa airport. At sure na sure siya na sina Helen at Hevin nga daw ang nakita niyang bumaba ng eroplano kasama si Fafa Calvin!"

A month ago ay inireport nalang sa akin ng mga hired detectives and personnel ko na wala na daw sa kinaroroonan nila ang mag-ina ko. Nataranta ako noon sa biglaang balitang nakarating sa akin.

"What the--bakit niyo hinayaang mawala sa radar niyo?! Just f*cking find them or else--I swear kapag may nangyaring masama sa mag-ina ko, pagbabayaran niyo 'to!"

Malakas ang kutob ko na natunugan ni Calvin ang ginagawa kong pagpapasunod kina Helen at Hevin kaya malamang ay gumawa siya ng paraan para mailayo nang tuluyan ang mag-ina ko sa akin.

The Runaway Dad #Wattys2017Where stories live. Discover now