Chapter 33

4.5K 166 37
                                    


Dedicated sa kanya na most of my stories ay binasa at binoto niya. Thank you a lot! Xoxo

Chapter 33

Helen's Point of View

Hindi ko akalain na sa tinagal-tagal ng pagkakaibigan namin ni Marvin ay marami pa pala akong hindi nalalaman sa kanya. Wala akong kaalam-alam na may dahilan pala ang pagiging bakla niya. Akala ko noon isa lang talaga siyang malanding bakla na walang ibang gusto kundi lalake, I didn't even expect that he had gone through that kind of heartbreak. Ngayon alam ko na may dahilan pala ang nagawa niya sa amin noon at hindi siya ganoon kasama na gusto lang talagang takbuhan ang responsibilidad niya sa akin. Takot ang nangibabaw kay Marvin—takot na umasa at maiwan muli.

Ngayon ako tila nagsisisi dahil sa ilang taong pinagdamot ko sa kanya ang anak naming si Hevin.

"Helen, bukas na kayo umuwi. Gabi na at kailangan na rin magpahinga ni Hevin," pakiusap ni Marvin sa akin habang nasa gitna kami ng hapag kainan.

Actually ay gusto ko naman talagang mag-stay pa kasama si Marvin, ganun rin ang aming anak na si Hevin. Pero hindi ko lang talaga maiwasang isipin na nag-aalala na rin sa amin si Calvin. Kahapon pa siya walang tigil sa pagtetext sa akin na umuwi na raw kaming mag-ina. Dinahilan ko nalang na may kailangan lang muna akong asikasuhin na kasama si Marvin. Besides, may pasok na ang anak ko bukas.

"Walang uniform dito si Hevin, Marvin."

"Pero Mommy, pwede naman po natin ipakuha kila Manong Lermy, right?" pagkampi pa ng anak ko sa ama niya.

"Oo nga naman, gusto mo ba si Kiarra nalang ang papuntahin ko dun para kumuha ng mga gamit niyo?" tukoy niya sa bodyguard niya. Kinuwento niya rin sa akin na ang lolo niya daw ang nag-iwan nito sa kanya para sa sarili niyang proteksyon. Medyo naiirita lang ako dahil bakit kailangang babae pa ang kunin nilang bodyguard para sa kanya.

"Hindi ko kasalanan yun, si Lolo Inggo ang naghire sa kanya. Huwag ka na magselos, baby ko."

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang kahiligan ni Marvin sa pang-aalaska sa akin. "Babe..." napapitlag pa ako nang bigla niyang ipatong ang kamay niya sa akin. "Marvin!"

Narinig ko ang paghagikgik ni Hevin sa ginawa kong pananaway kay Marvin, I looked at her and mouthed why. Nagkibit-balikat ang anak ko, "You're blushing, Mommy. You look like a teen-ager having a crush!"

Pinandilatan ko ng mata si Hevin, tinapik naman ako ni Marvin at mas lalo pang inilapit ang upuan niya sa akin, "Ang baby ko at ang isa ko pang baby," aniya sabay akbay sa akin, "...nagtatalo. Hahaha!"

"Hindi na ko baby, Papa!" saway naman ng anak ko sa ama niya. Gulat ang bumakas sa mukha ni Marvin na siya namang kinatawa ko nang malakas, "Ayan kasi, mapang-asar din! Oh siya sige magstay pa kami dito for this night. Ipakuha mo lang kay Kia...ah basta dun sa bodyguard mo kuno yung uniform ng anak ko tsaka ilang damit rin namin."

"Yeah sure, thanks Len!"

Nang makita kong tapos na sila sa pagkain ay tumayo na ako, "Magliligpit na ako, mabuti pa doon na muna kayo sa sala at manuod ng TV."

Tumango agad si Hevin sabay takbo sa sala at binuksan ang TV, "Waaah! Piglet!"

Tuwang-tuwa siya nang ang paborito niyang palabas na Winnie the Pooh agad ang lumabas sa telebisyon. Tinignan ko si Marvin na noo'y nakangiti na. Pansin kong masayang-masaya siya sa tuwing napapangiti niya ang anak namin.

"Dinownload ko," narinig kong ika niya. I just smiled at him and whispers, "Thank you."

Nakakatuwang isipin na ang kasiyahang nababakas sa mukha ng aking anak, ito ay hindi dahil sa mga materyal na bagay na binibigay ni Marvin, kundi dahil sa natupad na ang matagal niya nang hinihiling na mabuo kaming tatlo. My daughter is just so smart to have thoughts like that.

The Runaway Dad #Wattys2017Where stories live. Discover now