Chapter 6

7.7K 241 7
                                    

Chapter 6

Helen's Point of View

"Sigurado ka na ba sa gagawin mong yan, Helen?" tanong ni Calvin dahil naikwento ko sa kanya ang tungkol sa pagkikita namin ni Marvin kanina, pati na rin ang binabalak kong pagtatransfer kay Hevin sa ibang eskwelahan.

Alam niya na rin ang lahat. Ang lahat-lahat. Pati na ang katotohanang bading ang ama ng anak ko.

Kasalukuyan kaming nasa veranda ng bahay namin at umiinom ng tea. Tulog na si Hevin kaya safe ko nang iopen sa kanya ang usapang ito.

"Oo Calvin, balak ko sana na as soon as possible mailipat si Hevin sa ibang school.It's for her own sake naman."

"Is it really for your daughter's sake or for your own?" makahulugang tanong muli ni Calvin.

Tinitigan ko muna siya bago sumagot, "Para kay Hevin 'to, Calvin."

Tumango nalang siya at saka ngumiti nang tipid bago tumalikod. He doesn't seem convinced.

Umaga ng Linggo.

Napagdesisyunan namin ni Hevin na magsimba sa labas ng village dahil medyo tinanghali na kami ng gising. Early mass kasi ang simbahan namin sa loob ng village at iisa lang sa umaga, mamayang hapon na ulit yung isa pa.

"Mommy, where's Daddy Calvin?" tanong ni Hevin habang sinusuotan ko siya ng sandals.

"Hindi siya makakarating this day 'nak, may family reunion kasi sila sa Quezon."

Dahil naka-leave rin ang driver namin ay ako na ang magdadrive kaya naman sa unahan ko na pinasakay si Hevin sa tabi ko.

"We're here," ani ko pagkarating namin sa tapat ng simbahan.

Ipinark ko muna ang sasakyan bago ko inalalayan ang anak ko na makababa.

Hindi pa karamihan ang tao sa loob ng simbahan nang dumating kami. May ibang nagsisialisan na dahil second mass na ito. Meron namang tulad namin na kararating lang.

Iginiya ko ang anak ko sa bandang harapan upang mapakinggan namin nang husto ang misa.

Matapos ang sermon ng pari ay sabay kaming lumuhod ng anak ko upang taimtim na magdasal.

I looked at my daughter who seems to be praying so seriously and silently. I smile. And wished,"Lord huwag naman po sanang dumating yung time na magkahiwalay kami ng anak ko. Hindi ko po alam kung kakayanin ko. She is the only reason now why I live."

Then I go back to my seat. Halos kasabay na din ni Hevin na katatapos lang din magdasal.

"Looord, sana naman po makahanap na ko ng totoong fag-ibig. Yung 'di ako lolokohin at totoong magmamahal sa beauty ko."

Napakunot-noo ako at kusang napalingon sa likod ko nang marinig ang tinig na iyon.

Nanlaki ang mga mata ko nang makumpirma kung sino ang may-ari ng boses na 'yun.

Dali-dali kong hinawakan si Hevin upang makalabas na agad ng simbahan.

"Hevin tara n---"

"Teacher Marvin!"

I paused.

"Hevin we need to go," bulong ngunit may diin kong sabi sa anak ko.

Dali-dali ko na siyang hinila palabas. Mabuti nalang at mukhang busy at bakla sa pagdarasal kaya hindi narinig ang tawag ng anak niya, I mean ng anak ko.

"Wait lang po Mommy, si Teacher Marvin ko yun oh!"

Nang nasa labas ng simbahan ay inialis ni Hevin ang pagkakahawak ko sa kanya ay biglang tumakbo sa kung saan.

"HEVIN!"

Agad ko siyang hinabol sa takot na bumalik sa loob.

"Hevin anak! Where are you going?"

Dire-diretso pa rin siya sa pagtakbo. Nakahinga lang ako nang maluwag nang makitang tumigil siya sa tapat ng nagtitinda ng popcorn.

"Hevin hindi ka dapat tumakbo bigla. Sana sinabi mo nalang kay mommy na gusto mo 'to."

"Mommy I want caramel popcorn!"

"Oh siya. Manong isang caramel popcorn nga po," ani ko sa tindero.

"Ako din po Manong, isang caramel popcorn."

Again, I paused. Tila isang malaking mason ang nag-landing sa puso ko. Hindi ko na siya kailangan pang tignan. Yumuko nalang ako at saka minadali ang pagkuha sa wallet ng pambayad sa popcorn.

"Ako na Helen."

Dug dug. Dug dug.

Shet.

"Wow Teacher Marvin, you're so generous po to me and my mom!" excited na pahayag ng madaldal kong anak.

"Ahh oo, Ganda. Old friends kasi kami ng mommy mo, di lang halata. Haha! Supladita yang nanay mo ah, parang di na nakakakilala laging walk-out ang peg."

"Ah may pupuntahan pa kasi kami Marvin eh," sabi ko nalang para makaalis na kami.

"Where po?"

"Saan naman?" Sabay pa nilang tanong ni Hevin.

"Sa...sa.." saan nga ba? "Sa Enchanted! Diba anak last week mo pa gustong magpunta dun?"

"Talaga po Mommy? We're going there? Yehey!!!"

Mabuti nalang at madaling utuin 'tong anak ko. Makakatakas na din kami sa wakas. "Ah sige Marvin, mauna na kami ha. Mahaba-habang biyahe pa yun eh. Thanks nga pala sa libreng popcorn. Bye!"

Hindi ko na hinintay pang tumugon si Marvin at dali-dali nang hinila ang anak ko paalis.

Ngunit itong si Hevin ay tila ayaw pang magpahila, "Mommy wait!"

"Oh bakit anak, may nalimutan ka ba?" tanong ko.

Tumango naman siya at tumugon,"Opo, meron."

"Ano?" takang-tanong kong muli.

"Not ano Mommy, but sino," makahulugan siyang ngumiti at saka ko nakitang hinawakan niya ang kamay ni Marvin.

Oh, no.

The Runaway Dad #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon