Chapter 17

6.6K 203 17
                                    

Chapter 17

Marvin's Point of View

Hindi ko akalain na magiging ganito kasaya ang set-up namin nila Helen. I never imagined in my whole life that I will enjoy being a husband and a dad at the same time. Kasalukuyan kami ngayong nasa Tagaytay for a vacation. Post-gift daw sa amin ni Lolo bilang isang pamilya. Syempre kaming tatlo lang nina Helen at Hevin ang narito, at walang sabit na Barney o kung sino pa man.

"Marvin luto na itong niluto ko, gusto niyo na bang kumain?" tanong ni Helen sa amin.

Gumagawa kasi kami ni Hevin ng swing sa labas ng bahay, actually ay ako lang talaga ang nagawa, moral support lang itong makulit na batang 'to.

"Yey! Let's eat na Papa Marvin, super pagod na ko sa ginagawa natin."

"Wow, hiyang-hiya naman si Papa Marvin, napagod naman pala si Baby Hevin. Halika nga dito nang mawala ang pagod mo!"

Kiniliti ko siya sa ilong which I found amusing dahil pareho pa kaming may kiliti doon.

"Hahaha! Stop it Marvin, nakikiliti po ako! Hahaha!"

"Ay naku kayong dalawa, mamaya na ang harutan. Halina't kumain na tayo."

"Opo Manang Helen, sunod na kami."

"Why are you calling Mommy Helen manang, Papa Marvin? You're supposed to call her Sweetheart, diba po?"

"Ehem!"

"Ehem!"

Sabay pa kaming inubo ni Helen sa suggestion ng makulit na si Hevin.

"Eh anak, hindi naman proper yun-"

"Bakit po? Eh diba po sabi ni Lolo we are a real family now? So it is only proper na tawagin niyo ang isa't isa na Sweetheart or Sweety for short. Ako nga po, tinatawag ko si Papa Marvin na Papa like my real dad right?"

"Ay oo na po batang makulit. Sige na. Bago pa maging nobela ang panenermon mo samin, papabigyan na kita d'yan sa gusto mo."

"Pero Marvin..." awat ni Helen. Akala niya siguro'y napipilitan lang ako.

"Helen, kelan ba may nanalo sa anak mo? Eh pinaglihi mo 'ata kay Einstein 'yan sa sobrang daming alam."

Natawa si Helen sa sinabi ko at tumango na rin which is a sign of agreeing to me.

"Good," sabay pa naming bigkas ni Hevin.

Nagkatinginan nalang kaming dalawa sabay hagikgik.

"Ay naku. Halina kayo't kumain na. Lalamig na ang mga niluto ko."

"Yes commander!" sabay ulit kami ni Hevin.

Ginulo ko ang buhok niya sabay karga sa kanya, "Halika na nga batang makulit at baka magtransform pa sa pagiging isang dragon si Sweety!"

"Yiee! Sweety daw mommy oh!"

"Kumain na nga lang kayo, ang kukulit niyo," si Helen na napansin kong namula sa sinabi ko.

"Wow ang sarap ng luto mo, Mommy!"

"Nagtataka ka pa eh wife material naman talaga 'yang nanay mo," tugon ko sa komento ni Hevin.

Napansin kong namula na naman si Helen sa sinabi ko kaya naman pinansin ko na siya, "Ikaw ba eh may sakit Helen?"

"Ha? Ah eh wala. Bakit mo naman naitanong?"

"Kanina ka pa kasi namumula d'yan, baka kako nilalagnat ka."

"Baka po lovenat Papa Marvin."

Parehong nanlaki ang mga mata namin sa sinabi ng batang si Hevin.

The Runaway Dad #Wattys2017Where stories live. Discover now