Chapter 41

4.1K 131 4
                                    

Thanks for reading Marriage Wrecker!@jeromegarlitos This chapter is for you. :)

Chapter 41

Marvin's Point of View

"You're just a random girl I fucked in the bathroom!" – Uno Abusado

Hindi ko alam kung bakit ito pa yung movie na nabili ko para panuorin namin ni Helen. Kanina pa tuloy siya iyak ng iyak at hampas ng hampas sa akin na tila nakaka-relate talaga sa pinapanuod namin. Sana pala tiniis ko nalang ang takot na mararamdaman ko sa horror movies na gusto niya.

Kasalukuyan kaming nanunuod ng balang binili ko na may titulong Just the 3 of Us. Napagdesisyunan naming panuorin na ito ngayon kahit na nga ba dis-oras na ng gabi dahil sa awkward na nangyari sa pagitan namin ni Helen kanina.

***

Flashback...

"Ahhhh!"

Taranta akong napabangon sa kama ko nang marinig ang malakas na sigaw na iyon. Lumabas ako ng kwarto at nakita kong humahangos palabas ng kwarto si Helen.

"Bakit? Anong nangyari?!" taranta ko ring tanong sa kanya.

"May...may..." tila maiiyak na siya at hindi malaman ang susunod na sasabihin.

"Ano?" nag-aalala ko na ring tanong. Baka kasi pinasok siya sa kwarto niya ng masamang loob, makakapatay talaga ako kapag nangyari iyon.

"Parang ipis pero hindi!" sigaw niya.

Saglit akong naguluhan at natuliro sa sinabi niya. Nang lumingon ako sa loob ng kwarto niya ay saka lang nag-sink in sa akin ang sinasabi niya. Nakahinga ako nang maluwag, "Ah salagubang! Takot ka dun?"

"Aba malamang, tatakbo ba ako palabas dito kung hindi?" mataray niyang sagot.

Nakakamangha talaga ang babaeng ito, sa kabila ng takot na nararamdaman ay nagagawa pa rin akong tarayan.

"Haha, eh paano ba kasi nagkaroon ng salagubang sa kwarto mo? Pinalinis ko naman kay Mang Tonying 'yun ah?"

"Kasi..." napansin kong tila nahihiya siyang sagutin ang tanong ko.

"Kasi?" I encouraged her.

"Binuksan ko 'yung bintana, gusto ko sana kasing matulog nang bukas iyon," nakayuko niya nang pahayag na tila hiyang-hiya talaga sa nagawa niya.

Natawa naman ako sa itsura niya, ang cute niya kasing tignan. Tila nagtransform siya sa isang cute at maamong puppy."Silly girl, paano na 'yan?"

Then I suddenly thought of a solution, "Ay sige huhulihin ko nalang—"

"No! No..." nagulat ako sa nagawa niyang pagpigil sa akin, "D'yan nalang ako sa kwarto mo!"

After that ay dire-diretso na siyang pumasok sa kwarto ko, gulat at iiling-iling lang akong sinundan siya ng tingin.

***

Awkward ang sitwasyong namayani sa pagitan namin ni Helen, nasa kaliwang bahagi siya ng aking kama samantalang ako ay nasa kanan. Pareho lang kaming stiff at diretso lang ang pagkakahiga. Nakatingin ako sa kisame samantalang siya ay nakapikit. Tumikhim ako upang pakiramdaman kung natutulog na siya. Nang wala naman akong marinig na response mula sa kanya ay gumilid ako nang higa dahil hindi ako sanay matulog nang hindi nakatagilid. Sakto namang pagbaling ko sa kaliwa ko ay siyang baling niya rin sa gilid niya. Pareho kaming nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa isa't isa.

The Runaway Dad #Wattys2017Donde viven las historias. Descúbrelo ahora