Chapter 42

4K 123 15
                                    

Dedicated to pony_heart21.

Chapter 42

General Point of View

Dahan-dahang naglakad ang may kalakihang lalaki sa loob ng kabahayan ng pamilya Garcia, maingat na maingat ang kanyang paghakbang upang maiwasan na may makarinig sa kanyang ilegal na pagpasok sa bahay ng mga ito.

Sa likuran siya dumaan kung saan walang CCTV na nakakabit, mabuti nalang at malapit lang ang kwarto na kanyang pakay dito.

Maingat niyang binuksan ang pinto ng kwarto ngunit sa kasamaang-palad ay naka-lock kaya naman ginamit niya na ang talento sa ilegal na pagbubukas ng doorknob. Ayon sa kanyang informant ay mag-isa lamang natutulog ang pakay sa kwarto nito, tuluyan na siyang pumasok at napangisi nang makumpirma iyon. Mahimbing ang pagkakatulog nito at mukhang malabo namang magising dahil kalaliman pa ng gabi. Dahan-dahan niya itong iniangat at binuhat. Laking pasalamat niya nang hindi ito naabala sa pagtulog nang nasa mga braso niya na. Pagkatapos ay dahan-dahan siyang lumabas ng kwarto at mabilis na umeskapo palabas ng bahay.

Isinakay niya ang batang dala-dala sa likuran ng sasakyan at pagkatapos ay nagtungo siya sa gilid at kinuha ang cellphone. Idinial niya ang numerong pakay at ilang saglit lang ay sinagot naman agad ito ng nasa kabilang linya, "Oh kamusta yung pinapagawa ko sayo?"

"Areglado Ma'am, nasa akin na ang bata."

"Okay, dalhin mo na 'yan dito," anito at saka ibinaba ang tawag.

***

Kinabukasan...

Kabado si Marvin habang matulin ang pagmamaneho patungo sa address na itinext sa kanya ng kidnapper na kumuha sa kanyang anak. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela na tila doon niya gustong ibuhos ang lahat ng kanyang galit.

"Damn! I don't know what I'm able to do if you lay a hand on my daughter, f*cking bastards!"

Halos kalahating oras ang lumipas ay nasa harap na siya ng isang bakante at lumang building, mabilis siyang lumabas ng sasakyan at pumasok sa loob. Sumalubong sa kanya ang dalawang nakaitim na mga lalaki na agad niya namang sinalubong ng suntok pareho. Naramdaman niya ang paghawak sa mga braso niya nung isang lalaki.

"Umayos ka! Wala ka sa teritoryo mo!" sigaw nung may katabaang lalaki.

"F*ck you! Where is my daughter?!" galit niyang sigaw sa mga ito.

Kinaladkad naman siya nito papasok sa loob, madilim ang lugar at tila abandona na talaga ang gusaling ito.

"Ma'am!" sigaw ng lalaking may hawak sa kanya, "Nandito na po ang pakay natin!"

"Ang bunganga mo, Bernardo!"

Nangunot-noo siya dahil tila pamilyar sa kanya yung boses ng sumagot sa lalaking tinawag na Bernardo. Unti-unting lumabas mula sa madilim na sulok ng gusali ang babaeng nagsalita. Unti-unti ring nagsink-in sa kanya nang tuluyan ang mga nangyayari.

"Ti...tita Jacky?" sa wakas ay nasambit niya.

Sarkastikong ngumiti sa kanya ang matandang babae, "Yes ako nga hijo, your ever loving madrasta."

"P-paano niyong nagawa ito? Pinagkatiwalaan ka namin ni Lolo!" sigaw niya sa babae. May halong pagkasuklam ang tinig niya.

"Oh really? Tiwala? Big word!" pumalakpak pa ito na halatang nang-uuyam lang, "Really hijo? Kelan niyo ako pinagkatiwalaan nang tunay?"

Nakita ng binata ang saglit na hinanakit na dumaan sa mga mata nito, ngunit napawi rin agad at napalitan ng mapang-asar na mga titig, "Well as far as I remember, never niyo kaming pinagkatiwalaan ng anak ko lalo na iyang Lolo mo. Why?"

The Runaway Dad #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon