Chapter 27

5.8K 180 13
                                    

Si Clarice sa taas. Maganda ba?  :) 


Chapter 27

Helen's Point of View

"Helen, thank you so much sa concern ha. Huwag kang mag-alala sa akin, bubuhayin ko sa matinong paraan 'tong bata," ani Arra sabay himas sa tiyan niyang hindi pa halata ang umbok. "Besides, I won't let that bastard run away from his responsibility."

Hinawakan ko ang kamay ni Arra, "Basta lagi mo lang tatagan ang loob mo. At nandito lang ako palagi para sayo at sa magiging anak mo."

She hugs me upon hearing that; I know she's trying her best para huwag ipakita sa akin ang kahinaan niya... ang pag-iyak niya. Kilala ko si Arra, isa siyang matatag at masayahing babae, ngunit sa kabila niyon ay ang pagiging mahina niya pagdating sa taong mahal niya. Nakikita ko sa mga mata niya ngayon na mahal na mahal niya si Sion, at hinahabol niya ito hindi dahil sa sustentong makukuha niya mula rito, kundi dahil gusto niyang masuklian ang pagmamahal niya dito mula noon pa.

Matapos naming magpaalaman ni Arra ay bigla kong naalala ang naka-schedule kong meeting kila Marvin, "Sht! Late na ko."

Napatalon ako nang makitang halos kalahating oras na akong late. Bibyahe pa ko ng almost half-hour, so I'm going to be an hour late!

"Damn!" halos paliparin ko na ang sasakyan ko sa mga oras na ito. Mabuti nalang at nakisama ang kalsada dahil hindi masikip ang trapiko.

9:15am nang saktong makarating ako sa tapat ng LG Building. Dali-dali na kong nag-log in sa registration desk at tuloy-tuloy na nagtungo sa elevator pagtapos. At nang tumigil ito sa 12th floor ay walang lingon-likod na rin akong dumiretso sa office ni Marvin without even bothering her secretary na kasalukuyan noong may hinahalungkat sa cabinet at ang pwesto'y nakatalikod sa direksyon ko.

Kakatok na sana ako sa isa pang pinto papasok sa mismong kwarto kung saan naroon ang main office ni Marvin nang bigla akong may marinig...tila halinghing ng isang babae.

I frowned. Mukhang hindi naman boses ni Dionne 'yun.

Out of curiosity ay binuksan ko nang dahan-dahan yung pinto at sa maliit na uwang ay nakita ko ang isang seksing babaeng nakatalikod at nakadukwang sa lalaking nasa harapan niya. Mahahaba ang legs nito at tila masisilaw ka sa kaputian. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa direksyon ko. Baka hipon lang. Hindi ko rin masiguro kung si Marvin nga yung lalaki. Natatakpan kasi yun nung babae. Sana isa lang sa employees or business partners ni Marvin. At habang tinitignan sila ay nagpatuloy lang ako sa pakikinig.

"Sige na baby...you're so mean to me talaga! But you know, I find it sweet. Hihi!"

Sino naman kaya yung babaeng yun na boses palang eh mukhang malandi na? Tss.

"Hmm. You'd better keep your promise to me, or else..."

Si Marvin kaya 'yan? Tanong ko sa sarili ko na siyang sinasagot ko rin ng sana hindi. Sana ibang tao yung kausap nung babaeng malandi magsalita.

"Or else what?"

Bagsak ang balikat ko nang marinig ang tinig na iyon. Boses ni Marvin. Bakit nga ba hanggang ngayon ang hilig ko pa ring umasa sa imposible?

"Or else, you'll gonna tell the whole world about our history, right?"

History? Ano sila nag-aaral at may subject pa talagang pinag-uusapan? Tss! Edi kayo na ang may past. Okay lang naman sa akin yun eh, kasi naniniwala akong past is past. Ang hindi ko lang matanggap at ang masakit sa narinig kong iyon ay yung way ng pagkakasabi niyon ni Marvin. Para kasing ang saya niya pa habang sinasabi yun. Oo, kitang-kita ko ang ekspresyon ni Marvin habang sinasabi iyon. Parang ang lambing pa ng pagkakasabi niya.

The Runaway Dad #Wattys2017Where stories live. Discover now