Chapter 37

4.7K 147 33
                                    


Dedicated to you. =) Thanks sa concern mo kay Patrick (one of my characters from my short story, I Found Her Diary). Sana magawan mo siya ng magandang love story. =)

Chapter 37

Noon hirap akong madistinguish ang realidad sa panaginip. Sa tuwing nananaginip ako ng maganda, palagi akong nadidisappoint kapag nagigising ako. At sa tuwing nasasaktan naman ako, palagi kong hinihiling na sana panaginip lang ang lahat.

But now, it's different...

Alam kong hindi lang panaginip ito. Ramdam ko ang realidad sa mga oras na ito. At gising na gising ako ngayon habang nalalasing sa mga halik ni Marvin. Ang gulat na naramdaman ko kanina ay biglang naglaho, lalo na nang alalayan niya ako sa likod. Napasabit na rin ang dalawang kamay ko sa kanyang batok. Narinig ko ang impit niyang pag-ungol, naramdaman ko pa ang nanginginig niyang mga kamay na umaangat sa suot kong pang-itaas. Nakaramdam ako ng ibang init... tila bago at kakaibang sensasyon. Pamilyar na pakiramdam ten years ago when we first did that. Tila nagbalik sa akin ang lahat. Ang unang beses na nilunod niya rin ako sa ganitong klaseng sensasyon.

Nalulunod na ako sa saya at kilig na aking nararamdaman nang bigla siyang tumigil.

"S-sorry..." rinig kong tinig niya.

Tumingala ako ng tingin sa kanya. Pareho kaming hinihingal pa. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng inis ngayon. Kung dahil ba sa ginawa niya sa akin ngayon-ngayon lang o sa ginawa niyang pagtigil? Tss.

"Bakit nakasimangot ka?"

Nagtanong ka pa! Gusto kong isigaw sa mukha niya.

Ngunit pinili ko nalang na talikuran siya. Kahit papaano nama'y may dignidad pa rin ako bilang babae. Pahakbang na ako palayo nang bigla kong maramdaman ang malapad niyang dibdib sa likod ko. Hindi ako makagalaw agad, "M-marvin..."

"I'm sorry if I'm taking advantage now. Baka iniisip mo, ginagamit ko itong problema ko ngayon para gawin sa iyo 'yun," he said with full of sincerity.

Napasimangot ako lalo. Ganito ba talaga ang mga lalaking minsang naging bakla? Masyadong gentleman at considerate sa aming mga babae?

Mas pinili ko pa rin tumahimik. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin sa kanyang gusto kong ituloy niya. Napabuntong-hininga nalang ako. Kakalasin ko na sana ang mga kamay niya sa bewang ko ngunit mas lalo niya lang itong hinigpitan.

Naramdaman kong isiniksik niya ang ulo niya sa balikat ko, "I love you, Len."

Dug.Dug.

Hindi ko alam kung bakit sa tuwing naririnig ko mula sa kanya ang mga katagang iyon ay kay lakas ng pagkabog ng puso ko. Kahit nga sa simpleng mga bagay lang na ginagawa niya ay iba ang epekto sa akin. Hay nababaliw na ba ako?

"I love you, Len..." ulit niya pa na tila hinihintay niyang sagutin ko iyon. "I love you."

Napangiti ako. Grabe lang magpakilig ang lalaking ito. At dahil hindi ko pa rin siya sinasagot ay isinubsob niya pa lalo ang kanyang mukha sa pagitan ng balikat at leeg ko, "I love you, Len."

Kaya naman hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at hinarap na siya, but instead of answering him back, ay hinablot ko ang batok niya papalapit sa akin. Then I kiss him the way he kissed me earlier.

Hanggang sa lumalim na nang lumalim ang halik namin. Muli na naman akong nalunod sa ilalim ng kanyang mahika. Tila mas matamis pa ang mga labi niya sa paborito kong pagkain na ice cream. I grinned. Naramdaman ko ang muli niyang pagbitaw.

The Runaway Dad #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon