Chapter 19

6.1K 199 10
                                    



Chapter 19

It's confirmed, not yet though.

Para akong nalulunod sa dagat na gusto nang pumikit nang tuluyan ngunit humihinga pa. Ang gulo ng isip ko ngayon. Gusto ko pero natatakot ako.

Gusto kong itanong at ikumpirma kay Helen ang kutob ko, ngunit mas nangingibabaw ang takot kong marinig na tama ang hinala ko.

Takot, hindi dahil gusto ko ulit takbuhan ang responsibilidad na hindi matanggap ng sistema ko kung paanong naging sa akin, kundi takot na kasusuklaman ko ang sarili ko habambuhay na pinabayaan ko siya... na ilang buwan din kaming magkasama sa iisang bubong ay ni hindi ko man lang siya nakilala. Oo, malapit ang loob ko sa kanya, masaya ako sa tuwing kasama at kakwentuhan siya, pero ang laking gago ko na hindi ko man lang siya nakilala bilang anak ko.

Namalayan ko nalang ang sunod-sunod na pagpatak ng luha ko habang pinagmamasdan ang masayang ngiti ni Hevin sa larawan niya sa cellphone ko. Para akong tanga, hindi ko pa nga nakukumpirma na anak ko siya ay parang gustong-gusto ko na siyang yakapin. Parang may sariling isip ang mga paa ko na gustong humakbang papunta kay Hevin... sa anak ko.

*tok tok*

"Oh Marvin, gabing-gabi na. Ano na naman ang kailangan mo?"

"Ahh..." hindi ko din alam kung bakit nandito ako ngayon sa tapat ng pintuan ng kwarto niyo at mukhang tangang gustong tignan kung natutulog na ba si Hevin.

"May gusto ka bang sabihin? Kung yung tungkol lang sa sinabi mo sa phone kanina, bukas nalang natin pag-usapan, tulog na ang anak ko."

"Anak ko."

"Huh?"

Tumingala ako, pigil ang mga luhang gusto nang umexit sa mga mata ko. "Wala wala. Sige bukas nalang, matulog na kayo. Goodnight."

Kinabukasan ay maaga akong bumangon. Nakaipon na naman ako ng ilang kilo ng eyebags sa magdamag na hindi ako nakatulog. At dahil ayoko namang magkaroon ng savings account ng eyebags ay lalakarin ko na ngayon din ang kagabi pa bumabagabag sa aking isipan.

Nagtungo ako sa malapit na mercury drug upang bumili ng bagong hairbrush. Isa ito sa mga kailangan ko para sa misyon ko ngayon. Matapos bumili rin ng almusal sa Jollibee para kina Hevin, Helen at Barney ay umuwi na agad ako sa bahay.

Hinanap ko agad si Hevin na noon ay kakatapos lang magbihis ng school uniform niya. Si Helen naman ay kakaalis lang daw papasok sa trabaho.

"Good morning Hevin baby, nagbreakfast ka na?" masayang bati ko sa bata, kasabay rin ng malakas na pagkabog ng puso ko dahil sa kaba.

Ewan ko ba kung bakit abut-abot ang kaba ko ngayon. Para akong isang criminal na hahatulan na anumang oras.

"Yes po Papa. Mommy gave me biscuits before she went to work."

"Ay naku talaga yang ina mo, 'lang ka'enta enta! Imbes na ipagluto ka ng masustansyang foods, biscuits lang ang kayang ipakain sayo," sabi ko habang kinukuha sa plastic bag ang inorder kong breakfast para sa kanya. "Oh eto ubusin mo yan ha. Para may laman ang tummy mo pagpasok."

"Thanks po Papa. Mommy said sorry naman po kasi late na po siya nagising and I said it's okay kesa naman po ma-late siya sa work niya, diba po?"

Napangiti ako. Mag-aanim na taon palang, parang bente sais na kung mag-isip at makaunawa. Hinaplos ko siya sa buhok. Pagkatapos ay sinuklay na rin ang kulot at maiksi niyang buhok. Naalala ko ang buhok ni Helen noong una kaming nagkakilala. Kulot ngunit malambot ang natural niyang buhok.

The Runaway Dad #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon