EPILOGUE (Part II)

4.6K 112 13
                                    

Please watch the music video, it's cute. :)

***

EPILOGUE (Part II)

Helen's Point of View

Nagising ako sa ingay at mga kaluskos na naririnig ko. Pagtingin ko sa tabi ko ay wala na doon ang asawa ko.

"Nasaan na naman kaya 'yun?" kanina lang kasi ay katabi ko pa siyang matulog.

Ayaw na ayaw ko pa man din na nalalayo siya sa paningin ko kaya nga laking-pasalamat ko nang magawan niya ng paraan na sa bahay na lamang siya mag-opisina.

Hindi ko alam kung bakit ang asawa ko nalang palagi ang subject ng pagtatantrums ko, marahil ay siya ang pinaglilihian ko ngayon. Kahit na nga minsan ay naaawa na ako sa kanya ay wala naman akong magawa dahil wala rin naman kasi akong partikular na pagkaing pinaglilihian.

Mabuti na rin iyon na sa asawa ko ako naglilihi dahil gustong-gusto ko talaga na maging kamukha niya ulit ang magiging anak namin lalo pa ngayon na nalaman kong lalaki ang kasarian ng bagong anghel namin.

Habang papalapit ako sa hagdan ay lalong lumalakas ang naririnig kong ingay, doon nakita ko si Mama na lumabas mula sa banyo. Nagtaka ako nang biglang manlaki ang mga mata niya.

"Anak, saan ka pupunta?!"

"Bababa lang po Mama, bakit po?"

Doon siya tila lalong kinabahan, "Hindi ka pwedeng bumaba, anak!"

Lalo akong naguluhan sa reaksyon ni Mama, ngunit sa kabila noon ay natawa nalang ako, "Bakit naman po hindi pwede, Mama? May bayawak po ba sa baba?"

"Oo! May bayawak sa baba!"

"Po?" takang-tanong ko.

"A-ang ibig kong sabihin ano...uhm...baha! Oo baha sa baba 'nak, bawal ka pang bumaba baka kasi madapuan ka ng maduming tubig baha!"

"Mama kailan pa bumaha sa pamamahay niyo? Besides, bakit naman po babaha eh mukhang hindi naman umulan kanina?" ani ko sabay silip sa labas upang tiyakin na hindi nga umulan.

Ngunit lalong nangunot ang noo ko nang harangan ni Mama ang bintana, "Anak, huwag kang makulit! Pasok sa kwarto, ngayon din!"

Nagtataka man ay sumunod nalang ako sa mama ko na muling bumalik ng kwarto. Ngunit dahil sadyang makulit ako ay gumawa ako ng paraan upang libangin si Mama. Kunwa kasi ay may pinaabot ako sa kanya mula sa banyo. Nang makaalis siya ay doon ko na kinuha ang pagkakataon upang tumakas at bumaba ng sala. Walang tao doon ngunit maingay sa bandang garden.

Nagtaka ako nang makitang napakaraming tao sa may garden, halos lahat pa rito ay pamilyar at malapit sa akin.

"Napakaswerte naman ng babaitang iyon! Sungit-sungit nung high school, pinagpala pa ng hindi lang gwapo, kundi napaka-sweet at yummy na asawa, hmmm...yum! Yum! Yum!"

Nakilala ko agad ang boses ng nagsalita.

"Em-em?" turan ko na tila nakapagpa-stuck up sa kanilang lahat.

Maya-maya'y nakarinig ako ng pagyabag sa likuran ko.

"Len! Hindi ka pa dapat bumaba!" si Mama.

"What's the meaning of these?"

"Mare!" sigaw ni Gelyn na hindi pa rin kumukupas ang tining ng boses, "Miss na miss na kita Mare! Buti nalang at inimbitahan kami ngayon ng asawa mo!"

"Oo nga, bruha ka! Hindi ka na nakaalala, kahit na isang reunion natin hindi ka umattend..." si Gail na may himig pagtatampo.

Nakonsensya naman ako kaya nilapitan ko na sila't niyakap, "Miss na miss ko na rin kayo, mga mare!"

The Runaway Dad #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon