Chapter 31

5.6K 179 18
                                    



Oops! Sorry, naisip ko its not yet time na padaldalin ang gwapong si Marvin hehe. Sorry to disappoint you guys, but its still Helen's POV. =)

Dedicated to DUMZie :)

Chapter 31

I was awakened by the striking light of the sun. Dahan-dahan akong bumangon mula sa kinahihigaan ko at biglang nagtaka nang mamalayang wala na ako sa sofa na siyang natatandaan kong huli kong hinigaan bago tuluyang lamunin ng antok.

Nandirito na ako ngayon sa kama ng aking anak at wala na rin siya ngayon sa tabi ko. I looked at the clock on the bed side table.

11:30am

"What the!" bigla akong napatayo sa kama at dire-diretsong inayos at niligpit iyon. Nagtungo ako sa comfort room at doon naghilamos at nagsupilyo. Mabuti nalang at built-in na ang banyong ito sa kwarto ng anak ko.

Nang masigurong ayos na ang itsura ko ay lumabas na ako sa sala. Doon nakita ko sina Hevin at Marvin na masayang naghaharutan habang nanunuod ng television.

"Mommy!" tawag agad ng anak ko pagkakita sa akin.

Niyakap ko naman siya pabalik at hinalikan sa pisngi. "Mommy buti naman you're awake na po. Kanina pa kami naghihintay ni Papa Marvin sayo eh."

"Sorry baby, nasarapan lang siguro si Mommy sa pagtulog," I pat her head sabay tingin kay Marvin na ngiting-ngiti rin sa akin. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan kasaya at kaliwanag ng mukha.

"Of course Mommy, you had sweet dreams because Papa Marvin brought you my bed when you're asleep na pala sa sala," Hevin delightfully said. "And you know what, Papa also read books to me before I went to sleep. That was first time having a really good night sleep. It feels like being finally complete, Mommy!"

Napatingin ako kay Marvin, hindi makapaniwala sa ginawa niya para sa aming mag-ina kagabi. Lumapit kami ni Hevin sa kanya. Then I whispered at him, "Thanks, hindi mo na dapat ako binuhat pa. Okay lang naman sa akin matulog dito sa sofa."

"Don't be stubborn again, Helen. Hindi ko naman hahayaang matulog ka lang sa sofa, besides Hevin told you that she wants to sleep with you...kaya nga siya nagpahatid dito diba? Naba-bother pa nga ako dahil medyo maliit 'ata yung kama ng anak natin para sa inyong dalawa..." he leans towards me, "Next time dun ka na lang sa kwarto natin para hindi na masikipan anak natin sa pagtulog, a'right?"

"Marvin!" saway ko sa kanya. Ramdam kong pinamulahan agad ako sa sinabi niya. Hanggang ngayon ay naninibago pa rin talaga ako sa mga inaakto niya. Hindi pa rin ako sanay na tunay na lalaki na siya. But despite this, hindi pa rin nawawala ang kwelang side niya and he never fails to make us laugh whenever he wants us to.

"Ah siya nga pala, nagpa-order nalang ako ng lunch natin.Baka kasi 'pag pinagluto ko kayo, ma-epic fail pa 'ko. Mabuti na 'yung siguradong masarap ang kakainin ng mag-ina ko."

"Really Papa? Ano pong inorder niyo?" tanong ng madaldal kong anak sa ama niya.

Hinarap nito si Hevin at ginulo ng bahagya ang buhok, "Syempre yung paborito ng baby ko, Chicken Mc Mc Mc Mcdo!"

"Yehey! With fries po Papa?"

"Of course, my little princess.And with ice cream, also one of your favorites."

"Yey! Thanks Papa! I'm so excited na tuloy mag-eat!" tuwang-tuwa pa nitong niyakap si Marvin. I can't help but smile sa nakikita kong kasiyahan ng anak ko ngayon. For the past five years kasi, napansin kong naging masyadong seryoso sa buhay ang anak ko. Sa edad niyang limang taon palang noon, hindi ko akalain na magagawa na niyang madepress dahil sa pagkamiss, hindi lang siguro sa mga nakasanayan niya na sa Pilipinas, kundi higit lalo na sa naiwan niyang Tito-Tita Barney and Papa Marvin.

The Runaway Dad #Wattys2017Where stories live. Discover now