Chapter 43.2

3.7K 120 7
                                    



Dedicated to you. Thanks for the frequent comments. :)

Chapter 43.2

Hindi nagtagal simula nang sinabi ni Calvin sa akin na pakakawalan niya na ang damdamin niya para sa akin ay nagpaalam siya sa amin na babalik na muna siya ng Korea upang mag-ayos ng ilang business matters doon. But despite that reason, alam ko namang gusto niya munang lumayo sa akin upang hanapin na rin siguro ang sarili niya at makapag-move on. I am really sorry for him pero kung pipigilan ko lang siya ay mas lalo lang kaming mahihirapan pareho. Baka umasa na naman siya at masaktan sa huli. Hindi ko gusto at hindi ko kailanman ginustong saktan si Calvin. Napamahal na siya sa akin bilang pamilya kong hindi nang-iwan sa amin ng anak ko noong mga panahong nasasaktan kami. At tatanawin kong utang na loob iyon habambuhay. Hiling ko lang na sana'y mahanap niya na doon ang babaeng magmamahal sa kanya nang totoo. Because he really deserves to be loved and be happy.

Bago umalis si Calvin ay ibinilin niya sa akin ang CH na malapit na ring magkaroon ng branch sa wakas dito sa Pilipinas. By next week siguro ay matatapos nang maitayo iyon. Sinabi ni Calvin sa akin na huwag ko daw pababayaan ang CH at sa pagbalik niya'y marami-rami na sanang branches ito. Nangako naman ako sa kanya na gagawin ko ang lahat para sa CH lalo na't bukod sa pinansyal ay marami-rami na rin akong nainvest dito at napamahal na talaga ako nang tuluyan sa CH Restaurant.

"Love?"

Natigil ako sa pagmumuni-muni nang marinig ang tinig na iyon mula kay Marvin, nakabalik na pala sila ng anak ko mula sa garden.

"Anong iniisip mo?" he asked.

"Ahh wala...naiisip ko lang si Cal—"

"Si Calvin," pahayag niya.

Tumango ako. Nakita ko naman ang biglang pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya then he faced our daughter, "Nak pabanlaw ka muna kay Manang Tina para matanggal 'yang dirt mo sa katawan."

"Okay Pa," she said and walked towards the maid's quarter.

Nang makaalis ang anak namin ay nilapitan ako ni Marvin at tinabihan, "I know you're sad and has this feeling of guilt because of what happened to Calvin. But you should bear in mind that it's definitely not your fault. You know Love," seryoso siyang tumingin sa akin. "When we love, we take risks. And to love is to risk not being loved in return..."

Marahan akong tumango, naiintindihan ko ang nais niyang iparating, "Perhaps love is not something we can try and calculate. So we love, even if it's going to hurt afterwards. We love, even if we don't know what the future holds."

Napangiti siya, "Kaya huwag ka nang malungkot d'yan dahil malapit na akong magselos kakaisip mo sa ibang lalaki."

Natawa naman ako, "Napakaseloso mo!"

He holds my hands and intertwined our fingers, "Nagseselos ako kasi mahal kita, to the point na gusto na kitang ipagdamot sa iba. Nagseselos ako dahil sa dami ng posibleng maging karibal ko sa puso mo, ano lang ba ako kumpara sa kanila?"

Iniangat niya ang kanang kamay at maingat na inilapat sa pisngi ko, "I know you could've had a hundred other guys, but somehow I got you... and I thank God for being so lucky to be loved by you."

Upon saying that, he slowly leans towards me. Hindi ko tuloy mapigilang mapapikit. Ramdam at amoy ko na rin ang nakakaakit na hininga niya, senyales na iilang sentimetro nalang ang layo ng mga labi namin. Kinakabahan ako at pakiramdam ko ay nanginginig ang mga tuhod ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil sa edad kong ito ay para pa rin akong teenager na nagsisimula palang magka-crush!

Napangiti ako nang tuluyan nang maghinang ang mga labi namin. Maingat ang paggalaw niya hanggang sa maramdaman ko ang paghapit niya sa bewang ko at hinatak ako papalapit pa lalo sa kanya, while his other hand is caressing my cheek gently.

"I love you..." there's huskiness in his voice. Pakiramdam ko tuloy ay lalo akong naaakit na palalimin pa ang namamagitang halik sa amin.

"I love you t—"

"What do you think you're doing inside my house, Helen?!"

Kusa kaming napabitaw sa isa't isa nang marinig ang tinig na iyon ni Papa. Nang tignan ko siya ay galit na galit ang kanyang itsura at nakapamewang pa. Hindi ko tuloy alam kung anong una kong dapat maramdaman—ang hiya o ang takot kay Papa.

"Pa I'm sorry, let me explain. Wala pong kasalanan si Helen dito, hindi ko lang po napigilan—"

"Helen, ipaliwanag mo nga ang pinaggagawa niyo sa sarili ko pang pamamahay at sa sala ko pa mismo kayo naglalambutsingan!" galit na sigaw ni Papa na hindi pinansin ang pagpapaliwanag sa kanya ni Marvin. "At pakisabi d'yan sa lalaki mo na hindi niya ako tatay kaya huwag niya akong matawag-tawag na Papa!"

Napayuko nalang ako sa kahihiyan. Sa totoo lang ay mainit talaga ang dugo ng papa ko kay Marvin. Unang-una ay hindi niya pa rin kasi nalilimutan ang ginawang pagbuntis sa akin ni Marvin at pagkatapos ay inabandona lang kaming mag-ina, ikalawa ay ang pagtira pa nito ngayon sa bahay namin.

"Kung talagang kating-kati kang balikan 'yang Lopez na 'yan, dapat naman siguro na bumukod kayo sa amin. Ni hindi ka mabigyan ng maayos na tahanan ng lalaking 'yan!" palaging himutok sa akin ni Papa simula nang makitira kami sa bahay nila kasama si Marvin.

"Papa sinabi ko naman po sa inyo ang ginawa sa kanya ng madrasta niya, besides hindi niya pa pwedeng galawin ang savings niya dahil naka-freeze ang lahat ng bank accounts niya dahil sa dokumentong pinapirma sa kanya ng Tita Jacky niya," ang palagi ko namang paliwanag sa aking ama.

Totoo naman, dahil on-process pa ang kaso na isinampa ni Marvin sa madrasta niya ay wala pa siyang pwedeng galawin sa mga assets at bank accounts niya, that's why kahit ayaw niyang tumanggap ng tulong mula sa akin at sa pamilya ko dahil nahihiya umano siya ay pinagpilitan ko na dahil wala na naman siyang tatakbuhan dahil kami nalang ang natitirang malapit na pamilya niya.

"Lopez sumunod ka sa akin sa study room ngayon din!" kinabahan ako nang marinig ang matatag na utos na iyon ni Papa.

Hinawakan ko ang kamay ni Marvin upang pigilan siya, but he just gently slip my hands away and smiles at me, "It's okay. Everything's gonna be okay. Papa mo 'yan, hindi 'yan murderer sa mga napapanuod nating pelikula."

Nagawa niya pang magbiro ngunit 'ni hindi ko magawang matawa. Natatakot kasi ako sa maaaring gawin o sabihin sa kanya ng aking ama. Kilala ko si Papa, istrikto siya at hangga't maaari ay gagawin niya ang lahat para mapaganda ang future ko. Gagawin niya ang lahat para matupad ang mga bagay na sa tingin niya ay makakatulong para sa akin. At hindi naman lingid sa kaalaman ko na mas boto si Papa kay Calvin kaya nga ganoon nalang siya kung sumalungat para kay Marvin.

Sumunod ako sa dalawa na ngayon ay patungo na sa study room. Naunang pumasok si Papa sumunod naman si Marvin at nang papasok rin ako ay hinarangan ako ng ama ko, "Where do you think you're going, lady?"

"Pa..." may pakiusap na sa tinig ko. Nasa loob na kasi si Marvin at si Papa nalang ang nakadungaw sa akin sa pinto.

"Huwag kang mag-alala, hindi ko kakainin nang buhay itong lalaking mahal na mahal mo."

"Pero Pa—"

"Wala ka bang tiwala sa akin, anak?" aniya. Nakita ko naman ang sinseridad sa mga mata niya. Kaya naman sumuko na rin ako, "Ingatan mo siya Pa, ah?"

Sumimangot si Papa, "Oo na! Tss, akala mo namang may gagawing masama sa lalaking 'yun!"

Hindi na ako nakasagot pa dahil sinarhan na nang pabalibag ng magaling kong ama ang pintuan. I just hope and pray na kayanin ni Marvin ang Papa ko.

***

A/N: Comment naman kayo guys. :D

The Runaway Dad #Wattys2017Where stories live. Discover now